Chapter 2

449 13 0
                                    




Dalawang araw na ako dito. Tinitigan ko ang ilog sa harapan, sa di kalayuang bahagi ay isang falls. Napakaganda ng lugar, napangiti ako ng kumaway sa direksyon ko si Mariel. Kanina pa siya nagbababad sa tubig, she might get cold.

"Ate Liza! Ligo ka narin po, hindi naman malamig!"

Napangisi ako nang magtinginan rin ang mga kalaro niyang bata. Hanggang dito ba naman? Hays.

Tumayo ako mula sa pinag-uupuan kong malaking bato at saka naghubad ng damit. Iniwan kong undies lang ang suot, narinig ko ang singhapan nina Mariel kaya nagtataka akong tumingin sa kanila.

Lumusong ako sa tubig at saka nilangoy ang falls. Umahon ako at naupo sa tabihan nito, hinayaang bagsakan ng rumaragasang tubig ang katawan ko.

This is heaven.

"Ate Liza! Tulong po! Ate!"

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa mga bata ng marinig ko si Mariel. Napamura ako ng makitang may nalulunod.

"Oh fuck."

Mabilis kong nilangoy ang direksyon ng mga bata at walang pag-aalinlangang sinisid ang lugar kung saan lumubog ang bata.

Fuck. Fuck. Nasaan na?

Nang makita ko ang katawan ay agad ko siyang hinila paitaas. Binuhat ko siya paahon at saka inihiga sa lupa, tinampal-tampal ko ang mukha nito pero nang hindi magising ay nilunasan ko na ng CPR.

Napamura ako ng bigla itong umubo ng tubig. Hindi ko alam kung manghihina ako o matutuwa dahil sa batang ito.

"Hindi bat sabi ko'y doon lang kayo sa mababaw! Damn it."

Tumayo ako at napabuga ng hangin ng makitang umiyak ito. Lahat sila ay umiiyak. Heck.

"A-ate Liza...sorry."

Nakagat ko ang labi ko at kinalma ang sarili. Damn, bakit ba palaging nangyayari sakin to?

"Umuwi na tayo. Kids, uuwi na tayo, magbihis na kayo."

Kinuha ko ang damit ko at sinuot na ulit. Hinintay ko lang matapos ang mga bata at umalis narin kami. Tahimik lang ako sa likod nila habang naglalakad. Kita kong pasulyap-sulyap sila pero iiwas rin kapag nakitang nakatingin ako.

"Oh, may nangyari ba?" Bungad ni Yella ng makarating kami sa bahay.

"S-si Tina po nanay muntik ng malunod kanina. Buti nalang po nandoon si Ate Liza."

Ramdam kong tumingin sakin si Yella pero hindi ako gumanti. Nagbihis ako ng damit at lumabas ng bahay.

Kailangan ko na yatang gumawa ng paraan para makauwi.

"Maraming salamat sa pagligtas sa kaibigan ni Mariel." Umupo ito sa katabing ugat at saka bumuntong hininga. "Gusto mo na bang umuwi? Maaari naman akong umutang muna pera para magamit mo, o kaya ay—"

"No need. Hindi pa naman ako uuwi." Tiningnan ko siya. "Meron pa akong gustong gawin Yella, may gusto pa akong mangyari."

"Liza..."

They are three barrios in this solitary place, two of those are afraid to fight for themselves, and the last one is dominating the two. And I'll play to balance the lives. I told you, this is interesting.

.......

I used to live with maids around. Na walang ginagawa kundi ang makipaglaro sa mga alagang lobo. Oo may alaga kaming wolves. My childhood life was so...modern. Ni hindi ako natutong maglinis ng bahay at maghugas ng mga pinagkainan, even maglaba.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon