Chapter 49

108 5 0
                                    


Third Person's Point of view

Everyone's eyes are on Liza. Hindi nila alam kung anong dapat na gawin. Even Viana who really wants to hug and assure the lady that everything will be alright are stocked on her foot. Liza's aura is giving her chills, na para bang oras na lapitan mo ito ay mababalot ka sa yelo. Gio on the side is just waiting for some abnormalities, he knows the anger problem of Liza, kapag nagalit ito ng sobra ay nawawala ito sa sarili at pumapatay ng walang palya. Ngunit kakaiba ang nangyayari ngayon. Nakayuko lang ang dalaga, nakapatong ang dalawang kamay sa sahig ng ambulansya, hindi man niya makita ang mukha nito, alam ni Gio na tahimik itong umiiyak.

Minsan na niyang nasaksihan ang kalungkutan ng dalaga. Una noong nalaman nitong namatay ang ina nito at pangalawa ay ang pag-iwan ng nagiisa nitong kaibigan na si Regan.

"G." Ani ng isang boses kaya napalingon siya rito. Umiling ito at nagbuntong-hininga. "I'm sorry, hindi ko nahabol si Lucas."

Tumango nalang siya at muling nanahimik. Lucas Falcone. Ang natitirang lalaki sa Falcone.

Four years earlier

"Hindi ka ba napapagod sumunod sa mga utos nila Gretchen?"

Bahagyang natawa ang babae sa tanong nito. Tumingin siya sa madilim na paligid at sinipat kung sino ang lumabas mula sa pintuan ng Bar. Inayos niya ang pagkakahawak sa baril at ikinasa iyon. Muli siyang lumingon sa kasama.

"I don't know, really." At ngumiti ng mapait. "But I know my priority, and that is to give my full loyalty and trust to this organization. Even if it cause my...life."

Tumikhim ang lalaki, nailing. "Reaper."

Nangiti lang si Gretchen bago mabilis na tumago sa dilim at tinapos ang buhay ng kanyang target sa gabing yon.

"Empress..."

Empress stopped walking when a young man crossed her way. She looked at him with her cold gray eyes. No one crossed her way the way this young man did. In the back of her mind she was amused.

"My name is Lucas, one of your reaper." Pakilala nito ng wala manlang takot sa boses.

Halos lahat ay takot kay Empress, hindi dahil ito ang namumuno sa Mosca Mafia, iyon ay dahil sa aura na ibinibigay nito. Samahan pa ng blanko nitong mga mata na hindi manlang nabahiran ng kahit konting emosyon.

Mataman lang tumitig dito ang babae. Naghihintay ng kasunod na sasabihin nito, doon ay nakaramdam na siya ng kaba. Ano nga bang dahilan kung bakit siya lumapit dito? Shit? What am I doing?

"I...I was just...I'm here for some things." Aniya, hindi na makatingin sa mata nito.

"Some things..." ulit ng babae sa malamlam na boses, halos kumalabog ang dibdib niya. Ang ganda ng boses nito, ibang-iba sa panlabas na anyo. Parang hindi bagay. Iwinaksi ni Lucas ang iniisip at tumango. "Say it kid."

Bigla siyang nainis. He's not a kid anymore! He's 19!

"Tss." Sinuklay niya ang buhok palikod habang kunot ang noo. Hindi niya talaga gusto ang pagsabi nito na para siyang bata. "I want a deal with you Empress."

Empress tilted her head. Crossing her arms under her chest. Lalong nahubog ang katawan nito sa suot nitong pormal na bestida. Ang coat nitong itim ay nakasabit lang sa balikat at ang buhok nito'y nakalugay sa likuran. Hindi maintindihan ni Lucas ang nararamdaman. Tama naman ang mga kasama niya, napakaganda ng tinatawag nilang Empress. Ngunit hindi naman yon ang pinunta niya rito.

"Of course. Voice it out, what is it?"

Umayos ng tayo si Lucas at lumunok. Bakit parang naiwawala siya ng kagandahan nito?

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon