Simula
Ngumiti ako sa professor na nakasalubong ko. Umagang-umaga kaya maganda ang mood ko. Hindi naman sa palagi akong masungit pero may pagkakataon na masama talaga ang ugali ko. Pero sabi ng mga kaklase ko, mabait daw ako, parang anghel, na nahulog mula sa langit upang maging savior ng mga kaklase kong muntik ng mahulog sa pre-medical exam namin. Pero hindi 'yon totoo, dahil may kasamaan rin ako lalo na kapag hindi mabuti ang tungo sa akin.
Tumingin ako sa bulletin board, tinignan ang result ng exam namin sa finals. Tinignan ko ang unang letter, napangiti ng makita ang apelyido doon. Yes, I pass the exam! Nawala ang kaba at takot ko dahil sa nakitang result! Isang gabi akong hindi natulog upang mag-review ng mabuti. Road to second semester na ako! Walang tigil ang ngiti sa labi kahit nung naglalakad ako papunta sa building namin. Mula sa entrance gate, mapapadaan talaga kami sa Marine Engineering department bago makapunta sa Medicine department.
Huminga ako ng malalim bago naglakad ng marahan. May mga nakatingin sa akin na mga college student from their department. Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang paliko papunta sa daan namin, natigilan ng makita ang isang lalaki na matangkad, may maamong mukha at sikat ang apelyido. Oo, alam kong kilala siya dito dahil sa kanyang ama. Kilala rin siya dahil sa kanyang dinadalang apelyido at dugo. Kilala siya bilang ganoon, bilang makapangyarihan ang kanilang angkan. Sino nga ba ang pilit lumalaban sa kanila? Sa kanilang negosyo? Wala! Kahit si Papa na gustong lumaban sa kanila ay hindi niya magawa.
Leyandrius Chald A. Costiño, twenty-one years old, a third year Marine Engineering student, top listed, rich, soft handsome and very kind. Paano ko siya nakilala? Simple, maraming may crush sa kanya sa department namin. Palaging usap-usapan sa room namin, pantasya ng mga kababaihan. Lalo pa't mama's boy, malambing at mabait daw. Well, for me, totoo naman 'yon.
Nakikita ko 'yon sa kanyang kilos at ginagawa. During typhoon, nangunguna ang kanilang pamilya na mag-donate ng malaking pera sa mga relief drive operation, tumutulong din siya sa mga students na walang scholarship. He is indeed, a hardworking student! Isa sa mga nalaman ko sa kanya ay ang pagiging mabuting kapatid sa kanyang nakababatang kapatid. Bukod sa pag-aaral, nagta-trabaho din siya sa kanilang kompanya. Balita ko'y sideline job niya 'yon upang tulungan ang kapatid sa gastusin nito sa pag-aaral.
Sabi pa ng karamihan, wala siyang naging nobya. Masyadong focus sa pag-aaral, at pagiging mabuting anak. Kaya maraming humahanga sa kanya, ika nga'y total package na bilang asawa. Sa mga sinasabi nila, unti-unti kong binuksan ang sarili sa kanya. Kahit pa alam kong wala namang epekto dahil sobra siyang focus sa mga goal niya. Pero hindi naman ako yung katulad sa mga babaeng naglalahad ng pagkagusto sa kanya. I am silent admirer. Iyon ang ginawa ko, maging tahimik na tagahanga sa kanya.
Tsaka sobrang layo namin, Oo may sariling
negosyo ang pamilya namin at isa sa mga kumakalaban sa kanila pero hinding-hindi 'yon mapapantayan ng yaman nila. Nasa baba pa rin kami. Wala sa kalingkingan ng husay, dedikasyon at hanga sa kanila ng mga tao. Bukod pa na isa sila sa pinakamayaman na angkan sa bansa, talagang hindi ako mapapansin niyan! Hindi naman talaga kasi wala naman akong tinama sa mga babaeng nagpakita ng pagkagusto sa kanya. Kaya mabuti nalang na maging tahimik ako sa paghanga sa kanya. In that way, walang magiging problema sa akin at hindi ako mapapahiya sa mga tao.Yumuko ako at nilagpasan siya na walang imik. Nang akala'y magiging okay ang pagsalubong namin ay hindi pala. Sa kalagitnaan ng paglalakad, binigkas niya ang apelyido ko. Kinilabutan ako sa paraan ng kanyang pagbigkas, unang pagkakataon na marinig 'yon sa kanya. Napalunok ako at tumigil sa paglalakad. Nahihiya akong bumaling sa kanya. He was standing intimidate while eyes were so soft and gentle. I smiled shyly.
"Miss Alvarado, right?" he said again, with same voice.
I swallowed hard. I nodded and continue to smile awkwardly.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...