Kabanata 19

2K 55 2
                                    

Kabanata 19

Lahi

"The ship should not be sink if not because of the misinformation the Captain received." he said while hugging me.

Hindi pa nakikita ni Aieous ang kanyang Papa dahil nasa library pa rin kami. Naunang lumabas si Lorenzo dahil baka daw magtaka ang ibang mga pinsan nila sa amin.

"Bakit?" tanong ko.

He sighed. Humigpit ang kanyang yakap sa akin.

"Isa sa mga kasamahan namin ang nagbigay ng maling impormasyon. Hindi namin alam ang rason ni Arvic kung bakit nagawa niyang magbigay ng maling impormasyon sa Kapitan namin. Maraming namatay dahil sa ginawa niya. Kahit naman mga may alam sa paglangoy, nalulunod pa rin dahil sa lamig ng tubig." he explained.

Tumitig ako sa mga mata niya. Ang gwapo pa rin ng asawa ko. Hinaplos-haplos ko ang kanyang pisnge.

"Maging siya ay nalunod rin dahil sa kapabayaan niya. Kung hindi niya 'yon ginawa, buhay pa sana ang mga kasamahan namin pati ang Kapitan." he said weakly.

Iyon pala ng rason kung bakit napunta sila sa Pacific Ocean. Hindi nila alam na may bagyong namumuo doon at nagbigay ng maling impormasyon ang isa sa mga kasamahan nila na doon dumaan. Ano ba ang rason ni Arvic at nagawa niya 'yon? Bakit dinamay niya pa ang mga kasamahan nila?

May problema ba 'yon sa pag-iisip? O baka may problema sa pamilya o relasyon? He shouldn't do that! Maraming namatay dahil sa ginawa niya! Maraming nagluksa na pamilya dahil sa ginawa niya! Hindi naman pwedeng hindi bigyan ng pansin kasi buhay ang nawala.

Pero wala naman na siya kaya paano pa magkakaroon ng hustisya ang mga namatay? Paano sila mabibigyan ng hustisya kung wala na ang taong salarin?

"Pero paano naman mabibigyan ng hustisya ang mga kasamahan niyo kung wala na siya?" tanong ko.

He sighed heavily. Nagkatitigan kami.

"May hinala si Lorenzo na may false action sa nangyari. Iyon ang mission ng kapatid ko ngayon, ang alamin ang nangyari sa barko." sagot niya.

What? May hinala silang baka may ibang rason kung bakit nangyari iyon sa kanila. Si Arvic ay kasamahan nila sa trabaho, nagbigay ng maling impormasyon sa Kapitan na pwedeng dumaan sa pacific ocean pero may bagyong namuo doon. At ngayon, naghihinala si Lorenzo na baka may ibang nag-udyok kay Arvic kung bakit nagawa niya 'yon.

"Tapos may plano ka ring hindi magpakita sa akin." nakanguso kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya at pinatakan ng halik ang noo ko. Nakaupo siya habang nakaupo naman ako sa kanyang hita. Yakap-yakap niya ang baywang ko.

"Si Lorenzo ang may gusto no'n. Gustong-gusto kong umuwi sayo lalo pa't gusto makasama kayo ni Aieous. But my brother wants me to hide until his signal to show. But today, hindi ko na kinaya kasi kinakausap mo ang lalaking kapitbahay! Sinabihan na kitang umiwas sa lalaking 'yon!" may bahid ng inis sa kanyang boses.

Napangisi ako. His talking to Triston. Mabait naman si Triston ha! Tsaka approachable pa.

"Mahirap naman kung hindi ko kakausapin ang tao, Leyandrius. Mabait si Triston, tsaka masarap siyang magluto ng champorado. Gustong-gusto ni Aieous ang luto-"

"Enough, Doreen!" nakanguso niyang pigil sa akin.

Mas lalong ngumuso ang kanyang labi.

"Bakit? Napakaseloso mo talaga, Yandro. Ang bait-bait ng tao-"

"Wala akong pakialam kahit anghel pa siya. Akala niya hindi ko alam ang ginagawa niya ha! I've talked to him once and we almost fight!" he said irritatedly.

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon