Kabanata 15
Stop
"Intimate celebration for Leyandrius?" si Clive.
Nasa wheelchair pa rin siya at nakatingin sa amin. Nandito kami sa mansyon ng asawa ko. Dito nagkaroon ng meeting para sa kanyang anniversary. Tinignan ko si Lorenzo, nakayuko at hawak ang kanyang cellphone. He was busy texting. Kanina ko pa siya napapansin na busy sa kanyang cellphone.
"Lorenzo, what can you say?" pukaw ni Greece.
Mabilis na tinago ni Lorenzo ang kanyang cellphone at nakangising tumingin sa kanyang mga pinsan. Napahinga ako at mabilis na naghinala na naman. Hay naku, kung saan-saan napupunta ang isip ko. Sa kaunting kilos, iba ang pumapasok sa isip ko.
"What?" he asked.
Nalaglag ang panga ng mga pinsan niya. Greece glare at him using her cold eyes.
"Kanina pa salita ng salita si Clive, nakatanga ka lang dyan sa cellphone mo." malamig na sagot ni Greece.
Ngumisi si Lorenzo at umiling-iling sa pinsan.
"Kalma, Greece. Hindi ako si Mark Joules para sungitan at awayin mo." natatawang sagot ni Lorenzo.
Mas lalong lumamig ang itsura ni Greece. Nakakatakot talaga siya. Kapag ganito ang pinapakita ng kanyang mukha, pakiramdam ko, may masama siyang gagawin. She really looks like a dangerous woman.
"Do not bring his name here, Lorenzo." she said violently.
Napahinga ako. Nag-uusap lang ang mga yan kanina, pero ngayon halos magpatayan na. Lahi nga talaga siguro nila ang pagiging bayolente at baliw? Well, my husband a bit like that but I know he just love me.
Umalis nalang ako upang hanapin si Aieous. Alam ko nasa garden siya at doon naglaro kaya doon ang punta ko. Lumabas ako at dumiretso sa garden, agad ko siyang nakita na hawak ang cellphone at parang may kausap. Naalarma ako at mabilis na lumapit sa kanya.
"Pa, when are you going home?" rinig kong sinabi ni Aieous.
Napahinto ako sa paglalakad. Nasa likod niya ako at alam kong hindi niya pa naririnig ang paglapit ko. I was stunned. Kausap niya ang Papa sa cellphone? Oh my God! Minu-multo ba kami ni Leyandrius?
"I miss you. You know what, Mama always crying at night. She miss you too." sagot ni Aieous sa kausap niya.
My heart beat so fast. I couldn't understand why is this happening. Kung buhay siya, bakit hindi siya umuuwi sa amin? Kung buhay siya, bakit nagtatago sa akin? Hindi ugali ni Yandro na gawin sa amin 'to. He will always use the time to bond with me. Pero bakit ganito ang ginagawa niya, kung buhay nga siya?
"I love you, Papa. Please come home." huling sinabi ni Aieous bago ibaba ang cellphone.
Tumulo ang luha ko ng marinig 'yon. Ang sakit na marinig sa anak ko ang pagmamahal niya kay Leyandrius kahit hindi niya naman ito nakasama. He miss his father too. Pareho kaming nangungulila kay Yandro.
Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Binaon niya ang mukha sa leeg ko at niyakap rin ako pabalik. My tears didn't stop falling. Nang inangat niya ang mukha, he wipe the waters in my cheeks.
"Papa will get mad at me, Mama. He said, you shouldn't cry. He loves you so much." my son said.
I smiled weakly.
"Y-you talk to him?" I asked tremblingly.
He nodded.
"Yes, Mama. He said, he will come home soon. He miss us too. And he will give me a lot of kiss when he come home." sa natutuwang boses ni Aieous.
Ngumiti ako kahit tumutulo ang luha. Mabilis kong hinalikan ang noo niya at muling niyakap ng mahigpit. Kung buhay man siya, sana naman, bumalik na siya sa amin. Kung totoo man lahat ang sinasabi ni Aieous, sana umuwi na siya kasi sobrang miss na namin siya. Ayokong umasa kasi alam kong katawan ni Leyandrius ang nakita namin pero kung ito ang sinasabi ng anak namin, then maybe, I should give a point to it.
The anniversary for my husband got it final. Simple celebration with the family. Leyandrius mother and father will join the celebration. Iyon ang sinabi sa akin ni Greece bago sila umalis at asikasuhin ang mga kailangang gawin.
Umuwi naman kami ni Aieous sa condo at naisip na magpahinga muna. Napatingin ako sa anak kong nanonood ng Peppa Pig. Paborito niya 'yon at nagiging bonding time namin ang sabay na panonood ng Peppa pig.
Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang basura na dapat kong itapon. Bitbit ang dalawang plastic ng basura, lumabas ako upang ilagay 'to sa garbage storage. Saktong paglabas ko ay may lumabas din sa katabing kwarto. Lalaki at mataas siya. Nagkatitigan kami, gwapo at matipuno.
Ngumiti siya at mabilis na lumapit upang kunin ang dala kong plastic. Naalarma ako kasi hindi ko naman siya kilala.
"Ay huwag na po sir..." nahihiya kong sabi sa kanya.
He shook his head. Ngumiti pa lalo sa akin kaya mas nakita ko kung gaano kaganda ang kanyang ngipin. He was really handsome. Pero mas gwapo pa rin ang asawa ko.
"No, I can help you." he said using his baritone voice.
Napahinga ako at nahihiyang ngumiti.
"Salamat." I thank him.
He smiled.
"What's your name?" he asked me.
Medyo naiilang ako kasi malapit siya at matangkad. Tapos hindi ako comfortable na kumausap ng mga lalaki after my husband died.
"Doreen." pakilala ko.
Ngumiti na naman siya at tumango-tango.
"I'm Triston, bago lang ako dito. I like the accomodation and ambiance of this condominium." aniya habang nakatitig sa akin.
Ngumiti ako.
"Oh yes, iyan rin ang sabi ng mga nakatira dito." natutuwa kong sagot.
He nodded. Pinakita niya ang plastic na basura at ngumiti.
"I will throw this now. Nice meeting you, Doreen." he said softly.
Napalunok ako at ngumiti na rin.
"Thank you and nice meeting you too, Triston." I said back.
Ngumiti siya at tumalikod upang itapon ang basura ko. Nakakahiya kasi ginawa niya pa 'yon para sa akin. I can throw the garbage by myself. Pero mabait siguro kaya ginawa niya. Tsaka magkapit-bahay pala kami. I didn't know that I have a neighbor now.
Napatingin ako sa hallway, natigil ang pagngiti ng makita ang nakatayong lalaki hindi kalayuan sa akin, suot muli ang jacket at hood. Kinabahan ako ng makita ang dilim sa mga mata ng lalaki, animo'y may gustong saktan. Naglakad ako palapit sa kanya, hindi siya kumilos. Pero nung malapit na ako, tsaka siya umalis kaya tumakbo na ako.
Hindi malayo ang distansya namin kaya ng makita ang exit door, sumigaw na ako.
"Sino ka!?" punong-puno ng galit kong sigaw.
Tumigil ang lalaki ngunit nakatalikod pa rin sa akin. Hinihingal na ako pero hindi ako aalis dito na hindi nalalaman kung sino ang lalaking ito. Bumaling siya sa akin, mata lang ang nakikita ko dahil sa mask na suot niya.
"Stop entertaining that boy." he said dangerously.
Nalaglag ang panga ko.
"W-what?" utal kong tanong.
Hindi siya humarap at nakatalikod pa rin sa akin. Galit na galit ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
"I'm warning you, do not make me jealous, Doreen."
That's what he said before running away from me again. Sa sobrang gulat at pagkabigla ko, I did not able to chase him. I didn't able to see his face.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
Любовные романыLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...