Kabanata 12

1.7K 60 7
                                    

Kabanata 12

Kailangan

Pagkatapos naming dumalaw sa puntod ni Leyandrius, dumiretso kami ng mall ni Aieous kasi gusto niyang pumunta sa Tom's World. Pumayag ako dahil minsan lang naman kami lumabas para mamasyal. Sakay-sakay ng kotse, walang tigil sa pagsasalita ang anak ko.

"Mommy, I want to know how to use bike. Can you buy me one?" he said while giggling.

Napakagat-labi ako. Paano siya matututo gayong wala naman magtuturo sa kanya. Kung nandito si Leyandrius, baka pwede pa. Kaso baka busy si Lorenzo kaya sino ang magtuturo sa kanya? Hindi naman ako pwede dahil hindi ko rin alam kung paano 'yon gamitin.

"Baby, I don't know how to use bike too. Who will teach you if ever I buy?" I ask him.

Ngumuso siya at nag-puppy eyes sa akin. Kamukhang-kamukha niya talaga ang kanyang Papa. Kahit anong anggulo, mukha pa rin ni Leyandrius ang nakikita ko. Kaya hindi ko nakakalimutan ang lalaking iyon.

"Daddy Lorenzo can teach me, Mommy. He knows to use bike." he said cutely.

I nipped my lips. Alam kong marunong si Lorenzo ngunit ang problema, baka busy ang tao. Sa kanya ang bagsak ng CVHC. Kung nabubuhay pa si Leyandrius, baka nasa kanya ang mga companies nila. Mabuti nalang at nakakaya ni Lorenzo na hawakan ang mga business nila.

Tapos ngayon, siguradong magri-request itong anak ko na magpaturo mag-bike. Siguradong hindi makakatanggi si Lorenzo gayong spoiled niya si Aieous.

"But what if your Daddy Lorenzo is busy, will you insist him to teach you?" tanong ko.

He protruded his lips. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

"Daddy Lorenzo will make a way to teach me, Mommy." he said.

I sighed and nodded. Okay, I'll try to ask Lorenzo if he can teach my son. Nang makarating kami sa tapat ng mall, pinarada ko iyon sa parking lot. Tinanggal ko ang seatbelt niya at nauna akong lumabas. Binuksan ko ang pinto at kinarga siya para makababa. Sunod kong binuksan ang pinto sa backseat para makalabas si Rus.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at naglakad kami papasok sa mall. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa alaga naming aso. Chow chow ang uri ni Rus, mabalahibo at cute. Hawak ni Aieous ang dog chain habang naglalakad kami. Nang tumapat sa entrance, huminto kami para mag-scan. Ngumiti ang security guard sa anak ko.

"Ang gwapo at cute naman ng kapatid mo, Ma'am." hindi napigilan ng gwardiya magtanong.

Ngumuso si Aieous at umiling-iling sa guard.

"He's not my brother. He's my son." sagot ko sa guard.

Nanlaki ang mata ng gwardiya. Ngumisi ako at nagpatuloy na kami sa pagpasok. Sumakay kami sa escalator. Tuwang-tuwa ang anak ko habang nilalaro si Rus. Nang makarating sa third floor, tumakbo sila kaya nabitawan ko ang kamay ni Aieous. Mabilis na pumasok sa Tom's World ang anak ko.

Pinagtitinginan siya ng mga tao. Walang pakialam si Aieous at patuloy lang sa paglalaro. May lumapit sa akin na matanda, siguro ay Nanay ng batang naglalaro din dito.

"Anak mo siya, hija?" she asked.

Ngumiti ako at tumango-tango.

"Opo." magalang kong sagot.

Ngumiti ang ginang sa akin. Pinagmasdan niya pa si Aieous habang nakangiti.

"Ang gwapong bata, hija. Siguro gwapo rin ang iyong mister." ani matanda.

Napahinga ako habang nakahinga ng malalim. I nodded to her. Yes, it's true. My husband is very handsome. Wala akong makita na ibang lalaki kundi si Leyandrius lang. Siya lang ang lalaking minahal ko at patuloy kong mamahalin. Kahit hindi na namin siya kapiling dito, ramdam pa rin namin ang presensya niya.

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon