Kabanata 5
Prediction
Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Yandro ang kagustuhan ni Papa na pumunta siya sa bahay. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakabuo ng sasabihin dahil natatakot ako sa maaaring gawin ni Papa. Baka kapag pumunta siya, may gawing masama ang ama ko. Ayokong masaktan si Yandro. Ayokong madamay siya sa masamang binabalak ni Papa.
I sighed heavily. Pagod akong naglalakad sa loob ng mall. Hindi na ako sumabay o nagpakita kay Yandro dahil siguradong ihahatid niya ako sa bahay. Hindi pa ako handa. Dadalhin ko siya sa bahay kapag handa na ako. Kapag alam kong hindi gagawa si Papa ng masama laban sa kanya. Tumingin ako sa mga department na nadadaanan ko.
Napahinto ako ng makita ang isang uniform na siguro'y para sa mga seaman. Hindi ko inakala na meron pala no'n dito. Muli akong naglakad at nag-isip ng pwedeng gawin upang masabi kay Yandro ang pagbisita sa bahay. Nanginig ang cellphone ko sa bag dahil sa tawag. Huminto ako at kinuha ang cellphone. Unang kita sa screen, napabuntong-hininga agad ako.
Leyandrius is calling. Siguradong hinahanap ako nito ngayon. Hindi kasi kami nagkita sa campus kanina. Dumaan ako sa shortcut para hindi ko siya makita sa kanilang department. Tapos nung vacant time, nagtago ako upang hindi rin niya makita. Alam ko na kasi ang routine niya kapag hindi ako nakikita. Maghahanap at maghahanap talaga 'yon sa akin. Tapos kapag hindi ako makita, pupunta sa bahay upang magtanong.
I remember what happened last month. I forget to tell him that I need to hurry kaya naiwan ko siya sa campus. He was looking for me the whole time. Tapos nag-text siya sa akin, saying that he will come to my house if he didn't find me. Mabuti nalang at nabasa ko 'yon kaya hindi siya nakita ni Papa. Naalala ko kung paano magalit ang kanyang mukha. He was very furious.
I sighed. First time kong makita kung paano siya magalit. First time kong makita kung paano umigting ang kanyang panga. Nakakatakot. Nakakapanghina ng tuhod. Nakakawala ng lakas. Kaya pagkatapos no'n, hindi ko na ginagawa ang iwan siya o hindi magpaalam. Tuwing aalis ako, sinasabi ko talaga sa kanya. Ngayon ko lang ulit ito ginawa, dahil kailangan kong mag-isip. Kailangan kong ayusin ang lahat.
Kailangan kong masabi sa kanya na gusto siyang kausapin ni Papa. But I don't know where to start. Kaya kailangan kong mag-isip muna. Napahinga ako at napiling lumabas sa mall. Maglalakad-lakad muna ako sa labas, sa park o kahit saan. I didn't answer his call. Nawala ang tawag at napalitan ng kanyang text.
Yandro:
Where the fuck are you? Why don't you answer my call!?
Ramdam na ramdam ko ang gigil niya sa text. Alam kong galit na siya sa mga oras na ito. But I need to do this. He call again, this time I answer it.
"Where are you?"
Bakas sa boses ang lamig at riin. Napalunok ako at bumuntonghininga. Kumalma ka, Doreen. May ugaling ganito talaga siya. Ugaling galit na galit kapag hindi ako nagpapa-alam o iniiwan siya.
"N-nasa labas lang..."
"Saang labas? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sino ang kasama mo?"
I nipped my lower lips again. Gosh, Leyandrius. You are so bossy! Hindi ka talaga tatahimik hangga't hindi nakukuha ang sagot!
"Dito sa mall lang. May binili kasi ako. Tsaka pauwi na rin naman ako."
"Wait me there. Dapat magkasama tayo. I told you about this, Doreen. Kung saan ka, doon rin ako."
"Naku...kahit wag ka nalang pumunta. Pauwi na ako. Dadaan lang muna ako sa simbahan and then I'm going home."
"Dumaan ka sa simbahan tsaka kita susunduin. Kakain muna tayo ng dinner."
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...