Kabanata 8
Last
Kumpleto ang mga dala kong gamit para sa two days bakasyon namin. Pumayag si Papa dahil gaya nga ng sabi niya, nagtitiwala siya kay Yandro. Hindi siya nababahala kung saan man kami pumunta dahil alam niyang hindi ako pababayaan ni Leyandrius.
Totoo naman 'yon. Alam ko rin na hindi ako hahayaan ni Yandro na mapahamak. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin. Hindi niya ako iiwan. At alam kong tunay ang pagmamahal niya. Bukod kay Papa na buo ang tiwala sa kanya, I trust him too.
Kaya ngayon, ready na ako sa pag-alis namin. Hinihintay kong dumating siya dahil susunduin niya ako sa bahay. Nasa tabi ko si Papa habang abala naman si Mama sa paghahanda ng baon namin. As if hindi kami kakain sa mga fast food restaurant na madadaanan. Pero hinayaan ko nalang dahil baka magtampo pa si Mama at hindi kami kausapin.
"Kailangan ka niya ipapakilala sa pamilya niya?" tanong ni Papa.
Napabuntong-hininga ako. Truthfully, hindi pa ako handa. Anong sasabihin namin sa magulang niya? Wala pa kaming label. Dating pa rin kami, though I have plan for this vacation. Siguro kapag nasagot ko na siya, tsaka ko ihahanda ang sarili sa magulang niya. Hindi naman sa natatakot, kailangan ko lang lagyan ng label ang pagsasama namin.
"He's not yet my boyfriend, Pa." mahina kong sagot.
I heard his deep sigh.
"Let me know if he introduce you to his family."
Tumango ako. Of course, they deserve to know it. Knowing my father, siguradong magtatanong talaga siya sa mga ginagawa namin.
Gumaan ang kalooban ko ng makita ang kotse ni Yandro. Wala kaming dalang driver kasi gusto niya kaming dalawa lang sa bakasyon na 'to. Pumayag ako dahil baka mainip lang ang driver sa amin. Lumabas siya mula sa kotse, suot ang mustard v-neck t-shirt and three fourth short with aviator in his head.
Shit, this man can melt my heart by his simple action and clothes. Lumapit siya at nagmano kay Papa.
"Good morning po, Tito." he said respectfully.
My father nodded while sighing. Nang binitawan ni Yandro ang kamay ni Papa, tsaka siya tumingin sa akin. I smiled.
"I didn't know that Brazier had this kind of son. Very respectful." tugon ni Papa.
Ngumiti sa kanya si Leyandrius bago tumango.
"Maagang tinuro sa akin ni Mama na maging magalang sa kahit na sino po, Tito." he said confidently.
My father protruded as his lip didn't escape for smirk.
"Take care of my daughter, Leyandrius. I trust you." si Papa sa seryosong boses.
Mabilis na tumango si Yandro at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Compliment 'yon sa kanya ni Papa kaya appreciated niya. Knowing my father, hindi 'yon nagbibigkas ng compliment sa mga taong nakakasalamuha niya. Tanging si Yandro palang.
"Of course, Tito. I will always take care of your daughter po." sagot niya.
Huminga si Papa at ngumiti. Napatingin kami sa pinto ng bahay dahil nagmamadali si Mama sa paglabas bitbit ang pagkain na ginawa niya. Nang makalapit, mabilis siyang hinalikan ni Yandro sa pisnge.
"Magandang umaga, Tita." bati niya kay Mama.
My mother smiled beautifully. Inabot niya ang pagkain kay Leyandrius. My soon to be boyfriend accept it.
"Baon niyo 'yan. I ask Doreen about your favorite food. I made it for you, hijo." si Mama.
Mas lalong ngumiti si Yandro. Tuwang-tuwa sa mga magulang kong open na open sa kanya. Mukhang mas anak pa siya kaysa sa akin e! Ni hindi manlang natanong ni Mama kung ano ang gusto kong pagkain!
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
Roman d'amourLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...