Kabanata 4
Trust
Alam kong matinding pagseselos ang nararamdaman ko. Aminado ako doon, at hindi ko 'yon maipagkakaila. Pero normal ba 'yon? Normal bang magselos ng walang label? Oo, sabihin nating nanliligaw siya. Umaakyat siya ng ligaw upang maging kami, pero shit, hindi ko pa nga sinasagot, kumukulo na ang dugo ko sa babaeng iyon!
"Ang cute mong magselos, Doreen. Nakakatanggal ng pagod." mapaglaro niyang sabi.
Nasa kandungan niya pa rin ako. Nag-uusap pa rin kami tungkol sa ginawa ko kanina. Hindi niya ako tinatantanan sa mga tanong niya. Para bang hot seat at siya ang main host. Sumasagot ako sa paraan na alam ko. Hindi ko sasabihin sa kanya na plano ko siyang sagutin sa kaarawan niya.
It will be a secret. I want it to be memorable. Yung hindi niya makakalimutin agad. Yung paulit-ulit niyang maiisip at maaalala. Iyon ang gusto kong mangyari. At gagawin ko 'yon sa kanyang birthday.
"Gusto mo talagang nakikita akong nagseselos?" mahina kong sabi.
Rumahan ang kanyang tingin sa akin. Ang lapit ng mga mukha namin. Hindi magtatagal at magdadampi ang mga labi namin.
"Of course, I want it. Kasi assurance ko 'yon. Kasi alam kong mahal mo nga ako kaya ka nagseselos. Pero kapag maging tayo na at bumuo ng pamilya, I will never let you feel it again. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano ang asawa ko. I want you at peace." marahan niyang boses.
Natigilan ako sa parteng sinabi niya ang tungkol sa pagbuo ng pamilya. Is he serious about that? Ang bumuo ng pamilya? Ganoon kadali? We know each other for a short time. Yes, we're in the stage of dating, knowing each other weaknesses and strength, but never in my entirely life thinking about building a family.
Kasi para sa akin, hindi pa bagay. I'm still studying. I want to pursue my medicine course. I want to work and be successful. I can be committed but I can't build a family immediately. May mga goals kaming gusto ko pang marating. Nangangarap pa sa akin si Papa. He wants me to become a doctor. Kaya wala pa talaga sa isip ko ang pumasok sa pagbuo ng pamilya.
But he mention it. Ganoon ba ang gusto niya? Kapag ba sinagot ko siya, hihingiin niya agad ang kamay ko para sa kasal? Para sa pagbuo ng pamilya? How about my side? My dreams? My goals? Hindi niya ba ako bibigyan ng panahon para tuparin 'yon? Gosh, I'm jumping to a conclusion again. Wala pa ngang relasyon, doon na agad tumatakbo ang isip ko!
We have time for that. As of now, kapag sinagot ko siya, gusto ko munang i-explore ang stage ng boyfriend and girlfriend. In that way, we will know each other deeply. In that way, I have the time to study and build my name in the medicine field.
"Ang seryoso mo talaga." pilit pinapagaan ang ambiance.
He smirked. Kung hindi lang tinted ang bintana, baka nakita na kami sa labas. Baka nakita na ng mga istudyante ang position ko. He hug my waist tightly.
"Seryoso kasi ako sayo. Seryoso ako sa pangliligaw ko sayo. Seryoso akong lalaki, Doreen. I will not cheat. I will not make you feel unworthy. You deserve me." he said hoarsely.
Ngumiti ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Kung ano-ano talaga ang lumalabas sa kanyang bibig. Masyadong mabulaklak ang kanyang bibig. Nakakabahala tuloy pero hindi naman sa hindi ako nagtitiwala. I trust him.
"I know that, Yandro. Hindi ka naman bolero e." sagot ko.
Tumango siya. Grabe, hindi ko talaga 'to in-expect. Sobrang layo ng agwat namin. Sobrang responsible siya sa kanyang pag-aaral. Proud na proud sa kanya ang kanyang magulang. Responsableng kapatid. Walang problema at total package na! Hindi ko inakala 'to! Sa isang katulad ko pa talaga? Well, may pera naman kami at may negosyo si Papa pero hindi lang ako makapaniwala na sa akin pa siya magkakaganito.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...