Kabanata 10
Still
Laman ng news ang nangyari. Lutang na lutang ako habang nabibingi sa walang katapusan na pagbabalita. Yakap-yakap ni Mama ang katawan ko habang manhid na manhid ako. Kusang tumutulo ang luha habang hindi mapigilan na tumigil sa pagsakit ang puso.
"Breaking news... hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap ang ilang katawan ng mga seaman na nawala sa gitna ng Pacific Ocean. Ayon sa huling ulat, nakaranas ng technical problem ang barko habang sinusuong ang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility." Ani ng newscaster.
Bumuhos muli ang napakaraming luha. Si Mama ay walang tigil sa pag-alo sa akin. Ang kirot-kirot ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at pamamanhid. Hindi ko alam kung paano aayusin itong nararamdaman ko gayong para akong nawalan ng gana sa lahat.
"Shh, everything will be alright, hija. Tatagan mo lang ang sarili." si Mama sa naiiyak na boses.
Tumayo ako habang wala sa sarili. Hindi ako pinigilan ni Mama dahil alam niyang kailangan kong mapag-isa. Pumasok ako sa kwarto namin. Sobrang lungkot ng kapaligiran. Wala akong ibang marinig kundi ang kirot ng puso ko. Napatingin ako sa cellphone, nanginginig ang kamay na inabot 'yon. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to pero nahanap ko nalang ang sarili na tinatawagan ang number ni Leyandrius.
Walang may sumagot. Tanging call operator ang nagsasalita. Kinagat ko ang ibabang labi habang umiiyak ng husto. Muli kong tinawagan ang kanyang number ngunit katulad ng nauna, walang may sumagot. Bumuhos ang pighati. Hindi nakaya ang pangyayaring ito. Blangko ang isipan ko, walang maisip kundi kunin din ang buhay na ito.
Ano pang silbi ng buhay ko? Anong silbi kung mabuhay ako na wala siya!? Ang sabi niya, uuwi siya! Ang sabi niya maghahanap siya ng bahay para sa amin! Ang sabi niya, uuwi siya sa akin! Bakit ito ang nangyari! Bakit iniwan niya kami! Bakit ganito ang nangyari! Hindi ko kaya ang ganito! Para akong mauubusan ng hangin habang pilit na humihinga upang mabuhay lang!
Dulot ng pamamanhid ng katawan, napahiga ako at nakatulugan ang pighati at sakit na nararamdaman. I wish he was here with me. I wish I could hug him tightly. I will I could kiss his lips. I wish I could see him again. How I wish these are all bad dreams. Kasi hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay gayong wala na siya.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Boses ng mga pinsan ni Leyandrius. Dahan-dahan akong bumangon, medyo gumaan ang nararamdaman ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso.
"Nahanap na ang katawan ni Leyandrius! Hindi na makilala ang kanyang mukha!" si Adah.
Mabilis na nanginig ang katawan ko sa narinig. W-what? My husband? Nakita na ang kanyang katawan? At hindi na makilala dahil sa naaagnas nitong mukha? Oh my God! Bakit nangyari 'to? Bakit ang aga mong kinuha sa akin ang asawa ko, Panginoon? Bakit mo siya binawi sa akin ng ganito? Ang sakit-sakit tanggapin na wala na siya. Ang sakit isipin na wala na ang ama ng anak ko!
Anong mangyayari sa akin? Paano ako magsisimula ngayon? Paano ako babangon gayong wala na ang lalaking pinakamamahal ko? All I want is to live with him! All I want is to spend all my time with him. All I want is him. I want my husband. I want my fucking husband! Pero bakit ganito? Bakit binawi niyo siya sa akin?
I don't know what to do now. I don't know where to start. I don't know how to stop this pain I felt. I don't know how to forget him.
I touch my tummy, muling tumulo ang luha habang inaalala ang anak namin. Ang lamig ng hangin ay nagbibigay ng panginginig sa aking katawan. It's been a month and here I am, standing to his grave, crying while remember his name. Pilit kong pinapahid ang luha ngunit sadyang marami ito at sunod-sunod na pagtulo kaya hindi maubos.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...