Kabanata 3
Damn
Hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang ginagawa namin ni Yandro. Bagama't baguhan at hindi sanay, sa araw-araw na pagkikita at paghahalikan, nasanay na rin. Pero hindi 'yon ang narealize ko sa kanya. Marami akong nakita sa kanya. Mga katangian na ngayon ko lang nakita sa isang lalaki.
Leyandrius is very different. That is true! Sa paglipas ng ilang linggo, sa tuwing lumalabas kami at nagpapalipas ng oras magkasama, ramdam na ramdam ko ang senseridad niya sa ako. Ramdam ko na tunay siya. Na walang bahid ng kahit anong intensyon sa akin.
Hindi ko sinabi kay Papa ang tungkol sa pangliligaw ni Yandro. At wala akong balak na sabihin dahil alam kong magagalit siya at magiging hadlang sa amin. Galit siya sa mga Costiño. Galit siya sa pamilyang iyon dahil siguro sa negosyo. Kapag malaman ni Papa na may koneksyon kaming dalawa, siguradong gagawa 'yon ng paraan upang masira kami.
"Let's have a vacation?" si Yandro habang nasa library kami.
Nagtaka ako, hindi pa naman bakasyon. Bakit gusto niyang gawin namin 'yon?
"Saan naman? Teka, hindi pa naman natin bakasyon diba?" tugon ko.
He sighed. Alam kong birthday niya sa linggo. At gusto niyang umalis kami sa linggo, sa mismong kaarawan niya. Kung matutuloy kami sa pag-alis, plano ko rin na sagutin na siya sa kaarawan niya. Plano kong ibigay sa kanya ang matagal na niyang hinihintay sa akin. It has been month since we talk and courting me, it's time to give him a chance.
Wala naman sigurong mawawala sa akin? Wala naman sigurong mangyayaring masama? Hindi niya naman siguro ako sasaktan diba? I trust Yandro. I trust his words. Kaya kung anuman ang mangyari sa gagawin ko, at pagbibigay ko sa kanya ng chance, I hope it will be worth it.
"Palawan? Manila? Saan mo gusto?" he said using his soft deep voice.
I swallowed. Saan ko ba gustong pumunta? Saan ko ba gustong magbakasyon? Saan ko ba gustong ibigay ang chance sa kanya? Naisip ko ang Surigao. Matagal ko ng gustong pumunta doon. Matagal ko ng gustong makita ang kagandahan ng lugar na iyon. Pero siguradong magtatanong si Papa kung sino ang kasama ko kapag magpaalam ako sa kanya.
Siguro dito nalang sa lugar namin. Mas mabuting malapit lang dahil hindi magdududa si Papa. Ang alam ko, may mga resort naman dito sa amin. Mga sikat na palaging pinupuntahan ng mga turista dito. Sa Haiyan Hotel and Resort? Pwede rin sa Oriental Hotel? Mga malapit na bakasyunan iyon.
"Dito nalang sa atin, Yandro. Sa Oriental Hotel, malapit lang at maganda naman doon." sagot ko.
His lips protruded while staring at me. Alam kong hindi siya tatanggi dahil kapag gusto ko, sinusunod niya.
"It's fine with me. Doon nalang tayo. It's gonna be two days vacation. Uuwi tayo sa linggo ng gabi. Is that okay with you?" aniya habang nakatingin sa mga mata ko.
Tumango ako at napahinga ng malalim. Walang problema sa akin kung dalawang araw lang. Hindi rin naman kami pwedeng magtagal. Baka maghanap sa akin si Papa.
Iyon ang pag-uusap namin para sa umagang 'yon. Pagdating ng hapon, seryoso ang klase namin. Discussion and recitation ang ginagawa ng Professor. Mabuti nalang at nakakasagot ako. Nung natapos kami sa dalawang subject, nagkaroon muna kami inspection sa laboratory.
Medyo mahirap dahil hindi nga madali ang nursing pero challenging. Sa bawat laboratory namin, nari-realize kong dapat kapag pumasok ka sa kursong ito, dapat gusto mo talaga at ito talaga ang course choice mo. Kasi kung napilitan ka lang, siguradong mahihirapan ka talaga. Nursing is survival. You really have to earn motivation and encouragement.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...