Kabanata 7
Kahihiyan
Naging maayos ang pag-uusap. Walang naging problema. Pagkatapos kumain, nagkaroon ng kaunting inuman. Si Papa at Yandro ang uminom habang nasa tabi niya lang ako upang gabayan siya. Inubos lang nila ang isang bote ng whiskey bago nagpasya si Papa na tapusin ang araw na ito.
Ramdam ko na medyo tinamaan si Leyandrius. Nang palabas kami sa bahay, nakita ko kung paano na siya maglakad. Matapang siguro ang alak na kanilang ininom kaya naging ganito ang reaksyon kay Yandro. Mabuti nalang at nandito na ang driver niya dahil hindi ko talaga siya papayagan na mag-drive na ganito ang kalagayan.
"I'm really fine, Doreen." namamaos niyang boses.
Bumuntonghininga ako at tumango. Naghihintay na ang kanyang driver. Ako pa mismo ang tumawag kasi ayaw niya talagang magpasundo. Mabuti nalang at sinabihan rin siya ni Papa kaya walang nagawa.
"I know. Ayoko lang na ikaw ang magmaneho." nag-aalala kong sabi.
He sighed. Tumitig siya sa akin, pungay na pungay ang mga mata dahil sa pag-iinom. Pansin ko rin ang pamumula ng kanyang leeg. Nalasing siguro talaga siya. Hindi makatanggi kay Papa kanina kaya walang nagawa kundi uminom.
"G-gusto ko pa sanang uminom kaso ayaw na ni T-tito." utal niyang sabi.
Umiling ako at hinawakan ang kanyang braso.
"No, Leyandrius. Okay na ang isang bote ng alak. Baka pagalitan ka ni Tita." pertaining to his mother.
Umiling-iling si Leyandrius at mapupungay pa rin ang mga mata. Pulang-pula ang labi, amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga.
"Hindi magagalit sa akin si Mama. She understand me." paos niyang tugon.
I sighed again. I never met his mother. Nakikita ko lang sa TV kapag may interview ang kanilang pamilya. Pero personally, hindi ko pa nakita. Maraming nagsasabi na mas maganda daw sa personal ang kanyang Mama. Mas maamo ang mukha at mabait. Siguro kapag may oras o panahon, pwede ko rin siyang makita sa personal.
"I-i'm ready to marry you." in his husky voice.
I swallowed. Goodness! Ready na talaga siya? Seryoso na 'yan? Paano ang pag-aaral namin? I know that he's graduating but what about me? Hindi pa ako nakakausad sa unang pagsubok ng pag-aaral. Marami pa akong kahirapan na haharapin. Tapos siya ay handa na! Handa na akong pakasalan. Hindi ko lang alam kung magiging successful 'yon kapag mag-settle down talaga kami.
"Marami pa tayong oras para dyan, Leyandrius. Hindi tayo mauubusan ng oras." sagot ko.
Bumuntonghininga siya. Tumitig sa akin bago ngumiti ng pagod.
"I feel like...kaunti lang ang panahon natin. Para bang nararamdaman kong hindi ko mauubos ang oras sa buhay na ito." pabulong niyang sinabi.
What? What does he mean?
"I don't get you."
He sighed heavily.
"Basta lagi mong tandaan, hanggang sa susunod na buhay, ikaw pa rin." he said to conclude our conversation.
Umiling-iling ako at mahinang hinaplos ang kanyang pisnge. Napapikit siya at kinagat ang labi.
Ako rin naman e, ikaw lang naman ang gugustuhin ko. Hindi ako maghahanap, hindi ako magmamahal ng iba. Hanggang sa susunod na buhay, ikaw pa rin, Leyandrius.
"Don't think about it. Sa ngayon, focus tayo sa goal natin. After our college, we can settle down." tugon ko.
Ngumiti siya at lumapit ang mukha sa akin. I know he wants to kiss me. Kanina pa 'to nagpipigil kaya ngayon lumalapit na ang mukha sa akin. Hinayaan ko siya. Hindi ko pinigilan dahil gusto ko rin naman. Marahan niyang dinampi ang labi sa akin. Sinakop ang labi ko ng malalim at nag-iingat.
![](https://img.wattpad.com/cover/307606255-288-k69687.jpg)
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...