First, I just want to thank all my readers for waiting this story to end. I started writing this story early of the month last year, pero ngayon ko lang natapos kasi may mga inuna akong series na isulat. But today, I finished it! I hope you love how I deliver the story of Leyandrius and Doreen. And to inform, I will start the Costiño Series 14 to write. I want to finish Costiño Series this year, I'm planning on publishing it into paperback. Again, thank you and God bless us always!
---------------------------------
Wakas
"Pre, diba crush mo si Doreen? Yung medicine student?" si Gian, kaklase ko.
Mabilis ko silang nilingon. Nasa room kami at katatapos lang ng klase. Alam kong maraming may crush kay Doreen dito, hindi lang ako ang may crush sa kanya. And you know what, I hate it. Ayokong maraming may crush sa kanya. Naiinis ako kahit hindi niya naman ako kilala.
"Bakit, pre?" sagot ni Macoy.
Masyadong vocal itong si Macoy sa kanyang paghanga kay Doreen. Isa siya sa mga kinaiinisan kong lalaki dito sa room. Ayokong gamitin ang pangalan namin upang iwasan niya si Doreen. Any moment, alam kong magbibigay na siya ng motibo sa babaeng crush ko rin.
Masyado yata akong apektado sa mga ito. Crush ko lang naman si Doreen pero bakit tila galit itong puso ko kapag may nalalaman akong may nagka-crush na naman sa kanya? Umiinit itong nararamdaman ko sa mga lalaking nagpapahiwatig ng pagkagusto kay Doreen.
"Marami pala kayong may gusto doon. Sa architecture department marami ding may crush sa kanya." si Gian.
Napahinga ako. Alam ko rin yan. Monitor ko lahat ng mga lalaking may gusto sa kanya. Ayokong aminin sa sarili na masyado akong adik sa kanya pero iyon na nga, ginagawa ko nga.
Simple lang ang kagandahan ni Doreen. Mahinhin at tahimik. Animo'y Maria Clara ng bagong henerasyon. Kaya maraming may gusto sa kanya dahil sa kanyang malakas na appeal. She has this charismatic aura that makes all men turn their head on her.
Hindi siya socialite. May mga negosyo ang kanyang magulang. Ngunit hindi 'yon makikita kay Doreen kasi hindi siya open sa mga meron sila. She's very simple. Isa rin 'yon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ibang-iba sa mga babaeng nakakasalamuha ko. She doesn't even into shopping, collecting expensive things. She wants a simple life.
"Miss, two days staying." sabi ko sa receptionist.
Ngumiti ang babae at agad na nilagay ang pangalan ko sa system nila. Nandito ako sa hotel nila. Tuwing sabado at linggo ay nandito ako upang bantayan siya. Iyon kasi ang schedule ni Doreen. Tuwing sabado at linggo, bibisita siya sa hotel nila at magsu-supervise.
"Here's your swipe card, sir." ani ng babae.
Ngumiti ako at tinanggap 'yon. Isang bag lang ang dala ko dahil mga damit ko 'yon. Nagtataka man si Mama kung bakit hindi ako umuuwi sa bahay kapag sabado at linggo, nagbibigay nalang ako ng excuse.
Naglakad ako papasok sa room na binigay sa akin at pumasok sa loob. Humiga ako sa kama at nagpahinga muna. Hindi ko alam kung saan patungo itong ginagawa ko. Para akong baliw na sunod ng sunod sa kanya. Hindi ko manlang magawang magbigay ng motibo kasi nahihiya ako.
Alam kong uunahin ni Doreen ang pag-aaral niya. She never entertain boys. Iyon ang alam ko kasi may mga sumubok naman na mangligaw sa kanya ngunit hindi niya pinaunlakan. Kaya ngayon, nawawalan ako ng lakas ng loob na subukan.
But Gian triggered me. Narinig ko nung lunes na susubok mangligaw si Macoy kay Doreen. Mabilis akong natakot kasi usap-usapan rin sa room na may crush itong si Doreen kay Macoy. Baka kapag malaman niyang mangliligaw sa kanya si Macoy, sagutin agad.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...