Kabanata 17

1.7K 60 6
                                    

Kabanata 17

Kausapin

Masarap ang binigay na pagkain ni Triston. Paano ko nasabi? Naubos lang naman ni Aieous lahat. Hindi ko manlang natikman pero okay lang, at least, nabusog ang anak ko. Gusto pa ngang humingi kaso nahihiya naman akong sabihin 'yon kay Triston.

"Masarap, Mama. Meron pa?" tanong ni Aieous sa akin.

Umiling ako at ngumiti sa anak. Masarap kasing kainin ang champorado kapag maulan. Lalo na kapag malamig ang panahon, tiyak na masarap ngang kainin 'yon.

"Sa susunod, gagawa si Mama no'n." marahan kong sabi sa anak.

Ngumuso siya at uminom nalang ng gatas na tinimpla ko. Hinugasan ko ang tupperware na pinaglagyan ng champorado ni Triston. Isasauli ko 'to sa kanya. Muli kong tinignan si Aieous, focus na siya sa panonood ng Peppa pig ulit.

Naisipan kong ibalik ang lalagyan ni Triston kaya lumabas ako at naglakad papunta sa harap ng pinto niya. Napahinga ako ng tumigil at nagdadalawang-isip kung tutuloy pa ba gayong tinablan na ako ng hiya. Pero kung hindi ko 'to isasauli, baka gagamitin niya. Kailangan ko 'tong maibalik ngayon.

I sigh again. I press the doorbell. Tumagal ng ilang sandali bago bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Triston. Palagi talaga siyang nakangiti. Parang walang problema sa buhay.

"Hello, gusto ko lang sanang ibalik 'to sayo. Salamat nga pala sa champorado, nagustuhan ng anak ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Nailang na tuloy ako sa kanya ngayon.

"May anak ka na pala?" he asked.

I nodded.

"Oo, meron na." mahina kong sagot.

Ngumiti siya at tumango-tango.

"So, may asawa ka na pala?" tanong niya ulit.

I sigh. Sasabihin ko ba sa kanya na wala na akong asawa? Kailangan ko bang sabihin 'yon? Mabait naman si Triston. Tsaka mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. Siguro tama rin na malaman niyang may asawa ako noon pero wala na ngayon.

"Oo, pero binawi rin siya sa amin ng Diyos." mahina kong sagot.

Napalunok ako ng makita ang pagbabago ng kanyang mukha. Nakita ko ang pagka-awa sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at huminga ng napakalalim

"Pero okay naman na kami ngayon. My son give me the reason to continue my life. Nagawa naming maging masaya kahit wala na ang taong mahal namin." dugtong ko.

He sighed.

"I'm sorry to hear that. I didn't know but I guess, I shouldn't ask about it. Anyways, can I meet your son?" aniya sa magaan na boses.

Ngumiti ako. Why not? He's friendly. Tsaka siguradong magugustuhan rin siya ni Aieous.

"Sure. Nasa loob siya ngayon, he's watching Peppa pig." sagot ko.

Binigay ko sa kanya ang tupperware at nilagay niya 'yon sa tabi ng pinto niya. May lamesa kaya doon niya nilagay. Lumabas siya at sinarado ang pinto ng kanyang unit. Nagkatinginan kami bago siya naunang maglakad sa akin. Napahinga ako at napabaling sa likod ko, muling nakaramdam ng kaba ng makita doon ang lalaking naka jacket at hood na naman.

Gaya nung nakaraang araw, galit na galit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa amin. Naguguluhan talaga ako sa inaasta ng lalaking 'yon. Para siyang baliw na hindi ko naman kilala! Kung magpapakilala siya sa akin, baka mabigyan ko pa ng pagkakataon na kausapin siya.

I open the door. Kinalimutan ko ang marahas at delikadong mga titig ng lalaking hindi ko kilala at pinapasok si Triston sa loob ng unit namin. Ngumiti siya at mabilis na nakita si Aieous. My son is busy watching the TV.

"Aieous, we have a guest. Can you greet him?" tawag ko sa anak.

Bumaling siya sa amin at tinignan ang panauhin. Kumunot ang noo niya ngunit ngumiti naman. Bumaba siya mula sa sofa at tumakbo palapit sa amin. He smiled to Triston.

"Hello, Aieous. I'm Triston." pakilala ng bisita namin.

My son accept Triston hand and they shake their hands. Mature na mature talaga ang kilos at ugali ni Aieous.

"Hello, I'm Aieous. My father name is Leyandrius and this is my mother." aniya sabay baling sa akin.

He introduced his father. Napangiti ako sa ginawa ni Aieous. Triston nodded and smiled at my son.

"Good to know you, buddy. You watch Peppa pig? You like it, don't you?" Triston said to my son.

Aieous smiled widely.

"Yes, Peppa is my favorite cartoon. She is very intelligent and good daughter to Daddy Pig and Mommy Pig." sagot ng anak ko.

Tumawa si Triston at napatingin sa akin. Napahinga ako at umiling-iling habang pinagmamasdan sila.

"Oh that's good to know. My favorite cartoon is Paw Patrol." sagot ni Triston.

Naguluhan ang anak ko sa sinabi ni Triston. Siguro dahil nakapagtataka na may paborito pang cartoon si Triston gayong malaki na siya.

"You still watch it even you're old?" takang tanong ni Aieous.

Triston nodded.

"Let's go to the sofa, we'll talk some more of it." aniya sa anak ko.

Tumugon naman si Aieous at mukhang interesado sa pag-uusapan nila ni Triston. Bumuntonghininga ako at ngumiti ng makita kung gaano sila nag-uusap ng masinsinan. Parang ang tanda na talaga ni Aieous.

Naisip kong gumawa ng snack para sa bisita namin. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pancake mixture. Iyon nalang ang gagawin kong meryenda para sa kanila. Kumuha ako ng lalagyan ng paggagawan ng pancake. Inihanda ko ang paglulutuan. Kukuha na sana ako ng itlog sa cupboard ng bumukas ang pinto at narinig ko ang ingay na mula sa labas.

Mabilis akong lumabas at nagulat ng makita ang mga pinsan ni Leyandrius. Clive, Adah, Greece, Cally, Lorenzo and Amadeus are here. Bakit sila nandito?

Natigil ang pag-uusap nila ng makita ang bisita namin. Maging si Triston ay tumigil sa pakikipag-usap kay Aieous ng mapatingin sa mga pinsan ng asawa ko.

"Who are you?" malamig na boses ni Clive.

Mabilis akong lumapit sa kanila at ngumiti. Malamig na ang anyo ng mukha ni Clive, Amadeus, Lorenzo at Greece. Nagtataka naman ang reaksyon ni Cally at Adah.

"Guys, this is Triston, my neighbor. He was actually kind, ngayong linggo lang kami nagkakilala. He wants to play with Aieous." I explained.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Greece.

"Make sure he's really kind. May mga nagbabait-baitan lang, Doreen." Greece said coldly.

I nipped my lower lips. Napatingin ako kay Lorenzo, he looks scared but he didn't show it up.

"Mag-usap tayo, Doreen." Lorenzo said deeply.

Tumango ako at napahinga nalang. Tumingin ako kay Triston at ngumiti sa kanya. Nahiya na siguro dahil sa pagdating ng mga pinsan ni Leyandrius.

"I gotta go, Doreen. Thank you for letting me talk with your son." he looked at Aieous. "Hey buddy, let's talk some other time. Nice meeting you."

My son nodded. Nag fist bump pa sila bago umalis si Triston. Napailing-iling nalang ako at walang nagawa kundi kausapin si Lorenzo sa library ni Yandro.





---
© Alexxtott

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon