Kabanata 6
Honored
"Good evening, Tito and Tita." magalang na bati ni Yandro sa magulang ko.
Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha ni Papa. Meanwhile, my mother look so stunned. Gulat na gulat dahil first time na may tumapak sa bahay na isang Costiño. Nanlalaki pa ang mga mata, mabuti nga't naghanda ng dinner namin. Akala ko kasi hindi magpi-prepare. Sobrang nakakahiya talaga no'n dahil hindi kami natuloy kumain sa labas.
He insist to come here. Ang sabi ko'y pwede naman sa ibang araw. But of course, I inform my mother kaya nakapagluto ng pagkain. Ang dala-dala niyang cake ay nilapag sa lamesa. Ang sabi ni Mama, kapag dumating kami tumungo na agad sa dining area dahil nandoon sila. Kaya pagkarating namin, dumiretso kami dito.
Nagmano si Yandro sa kay Papa at inabot naman niya ang kamay ni Mama upang halikan. My mother is really shock. Hindi pa rin nawawala ang gulat sa kanyang mukha. Talagang hindi siya makapaniwala.
"Have a seat, Mr. Costiño." malamig na boses ni Papa.
Ngumiti si Yandro at tumango.
"Drop the formality, Tito. I'm not yet successful to be called by my surname." malumanay na sabi ni Yandro sabay upo.
Ngumisi si Papa at tumingin kay Mama. Bumuntonghininga naman ako. Lumapit ang kasambahay upang kunin ang cake na binili ni Yandro. Kanina sa biyahe, sinabi ko sa kanyang huwag ng bumili ng cake dahil hindi naman mahilig ang magulang ko sa ganoon. But he insist. Nakakahiya naman daw kung wala siyang dala. Malinaw na sinabi ni Papa na gusto lang siya nitong kausapin sa personal.
I just hope my father wouldn't do anything. Kasi kapag may gawin talaga siyang masama kay Yandro, kaming dalawa ang mag-aaway. Problemado pa nga ako sa hula ng matanda e. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ng manghuhula na 'yon. Ayokong maniwala. Ayokong paniwalaan ang sinabi ng matandang 'yon.
Ang sabi sa akin ng mga kakilala ko, hindi daw totoo ang mga ganoon. Ginagawa lang daw 'yon upang takutin ang hinuhulaan. Kaya sa una palang, hindi na ako naniwala pero sa paraan ng pagkakasabi ng matanda, it was like real. Her voice soothing something reality. I don't want to believe but it didn't leave my mind.
Until now, it didn't leave me. Kaya hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon. Hindi ko lang napigilan si Yandro na pumunta dito. He really insist to come here. He wants to meet and talk to my father.
"Hindi mo ako makukuha sa pagiging ganyan, hijo." sarkastikong tugon ni Papa.
Napalunok ako at hinawakan ng palihim ang kamay ni Yandro sa baba ng lamesa. Ngumiti siya at hindi pinansin ang sinabi ni Papa. Bagkus sumagot siya ng napakatapang.
"How can I get your approval, Mr. Alvarado?" he said pleasingly.
Nalaglag ang panga ni Papa sa kanyang sinabi. Diretsahan talaga si Yandro. Kahit kanino, kapag alam niyang wala siyang tinatapakan na tao, sasabihin niya talaga ng buong-buo ang nasa isip niya. He is very open to everyone. Very mature to handle his mind. Kung sa ibang lalaki ito, siguradong mai-intimidate sa mukha ni Papa. Knowing my father, alam kong kapag may lalaki na nagpapakita ng motibo sa akin, si Papa ang humaharap kaya tumitiklop.
"Direct to the point huh, that's what I like." my father in his serious tone.
I swallow again. Gosh, this dinner is very intimidating. Hindi ko alam kung makakakain pa ba ako ng maayos nito. Knowing how they talk, parang hindi nagpapatalo sa isa't-isa.
"My mother taught me to be like this. Kasi kung magpapaligoy-ligoy pa ako, wala naman akong makukuha. So it's better to be direct." tugon niya sa Papa ko.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...