Kabanata 11
Accept
"Aieous, stop running."
Marahan kong saway sa tatlong taong gulang na anak. Tumatakbo siya habang hinahabol ang aso namin. Hindi nakinig at patuloy sa paghahabok sa cute naming alaga na aso. Narinig ko ang tawa niya ng mahuli si Rus, niyakap niya ito at dinilaan naman siya nito.
Napailing-iling nalang ako sa ginagawa nila. Ganito palagi ang nangyayari sa tuwing umaga. Kapag magising siya, una niyang hinahanap si Rus. Naging alaga ko ang aso namin simula ng manganak ako sa kanya. Ito ang nagsilbing libangan ko upang mawala ang bigat na nararamdaman. Kaya ngayon, naging kanya na si Rus. Hindi siya natutulog hangga't hindi nakikipaglaro sa aso namin.
Tumayo ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng juice at sandwich. Nang makuha, bumalik ako sa sala at nilapag sa center table. Muli kong tinawag ang anak ngunit hindi niya lang ako pinansin.
"Aieous, come here! Eat your snack first, baby." I said softly.
Humagikgik ang anak ko at tumigil sa pakikipaglaro kay Rus. Naglakad ito palapit sa akin at huminto sa harap ko. Pinahid ko ang pawis sa kanyang leeg at noo. Ngumiti ang anak ko na kamukhang-kamukha ng kanyang ama. I chuckled.
"Mommy, I want my Rus to eat sandwich too." he said.
Tumango ako. Alam kong hindi siya kakain kung hindi rin kakain ang aso namin. Kaya hinahayaan ko nalang upang makakain ang anak ko.
"Give Rus a sandwich then, baby."
Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa pisnge. Napatawa ako sa kanyang ginawa. He is a young version of my husband. Kaya palagi kong naaalala si Leyandrius sa kanya.
My son is already three years old. His name was Chald Aieous A. Costiño. Mali ang matanda sa kanyang hula, hindi pangalan ni Leyandrius ang naisip ko sa kanya, pero ang second name ng asawa ko ay first name ng anak namin.
Sa tatlong taon na lumipas, unti-unti kong natanggap ang lahat. Unti-unti kong tinanggap na wala na nga talaga ang asawa ko. Na kahit anong panalangin at pagkaroon ng pag-asa, hindi na babalik ang asawa ko. My husband is gone, and I accept it already.
Nung nasilayan ko ang anak namin, muli akong nagkaroon ng pag-asa na mabuhay ng matagal. I need to take care of my son. Siya nalang ang meron ako after my husband lost. Tinanggap ko ang katotohanan dahil ayokong makulong kami sa nakaraan na walang kasiguraduhan kung may babalik pa ba.
Aieous, my son deserve the world. He deserved to live. Hindi lang sa anak namin siya kundi karapatan din niyang mabuhay sa mundong ito. I love them so much. I accept the lost of my husband and start a new life with my son. Tama nga sila, kung may nawala may darating na kapalit.
Ang tanging naging totoo sa hula ng matanda ay ang mawala ang asawa ko. It was real. I lost him. Masakit pero tinanggap ko dahil kailangan kong maging malakas at mabuhay para kay Aieous. After all, we deserve to heal.
"After your snack, we will visit your Papa." mahina kong sabi.
Tumingin siya sa akin pagkatapos ibigay ang sandwich kay Rus. He smiled handsomely.
"Papa is waiting for us, Mommy. I will bring sandwich for him." he said sweetly.
Tumango ako. Ngumiti sa anak kong malambing. Hindi ko tinago ang katotohanan sa kanya. Nung nagkaroon na siya ng pag-iisip, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa Papa niya. Sinabi ko ang lahat tungkol sa Papa niya. Alam kong mahirap mag-adjust ngunit bilib ako sa anak namin dahil natanggap niya ang lahat ng 'yon. Though, there are times that he wants to hug his papa, pero hindi niya iyon magawa dahil dito. At the end, ako ang yayakapin niya.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceLeyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang ama kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, naging kompleto sila. Noong nag-aaral siya ng...