[31] *Favor*

116 3 6
                                    

"Gwen.."

"Yep?"

"Malapit ng matapos yung deal natin. Okay lang sayo?"

Ha?!

"Oo naman. Yun nga yung gusto ko eh para mawala ka na sa paningin ko. HAHAHAHA!"

Pakshet! Ano ba naman yung sinabi ko?! Eto naman yung gusto ko diba? Sa simula palang, gusto ko ng matapos 'to kasi hate ko 'to. Ayaw ko dito. Pero bakit ngayon, gusto kong ayaw matapos. For the sake of ano, yung di niya mahahalata yung nararamdaman ko, kailangan kong mag-act. Kailangan kong ipakita at iparamdam sa kanya na wala akong feelings sa kanya kahit na meron.

"Is that so?" Sabi niya. Tumingin ako sa gawi niya. Ba't ang lungkot ng mga mata niya?

"Yeah.."

"Sana nga hchisalllalalckvudksvfos.."

"Ano sabi mo?!"

"Nothing."

Dumaan yung simoy ng hangin sa mukha ko. Pano na 'to? Iniisip ko pa lang na matatapos yung deal namin, nasasaktan na ako. Pwede parin naman kaming maging friends diba? Diba?

"Brian?"

"Hmmm?"

"Papansinin mo parin ako kahit na wala na tayong deal?" Tiningnan ko siya.

Tiningnan niya ako saka ngumiti, "Ofcourse."

Nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Yes! Kahit papaano, naging mas okay yung feelings ko ngayon.

Hinawakan niya yung kamay ko. Napasinghap ako. "Gwen?"

"A-ano?" Takte!

"After our fake relationship deal, I will not be your master anymore. You're free." Ngumiti siya.

"Talaga?" Grabe ka Gwen! Mag act ka na natutuwa ka sa narinig mo!

"Yeah.."

Nanatili kaming nakaupo dun habang nakahawak yung kamay niya sa mukha ko. Nararamdaman ko ngayon ang lakas ng pintig ng puso ko. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko. Kinikilig ako at the same time, nalulungkot. Baka kasi kapag matapos na yung deal namin, hindi na niya hahawakan yung kamay ko. Di na namin magagawa yung mga gawain na parati naming ginagawa. Bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili ko na maging bihag ng lalakeng 'to? Bakit ko hinayaan ang sarili ko na mainlove sa gangster na 'to? Life is really unexpected.

Kung umamin na lang kaya ako na may nararamdaman ako para sa kanya? Aish! Natatakot kasi ako eh. Natatakot ako na baka hindi na niya ako papansinin kapag nalaman niya. Natatakot akong mag take ng risk sa taong wala namang kasiguraduhang magugustuhan ako. Di nga niya ako type eh.

"Gwen, let's go?"

"Ah sige."

Umalis na kami sa lugar na iyun. Tiningnan ko yung kamay namin. Bakit hindi niya parin ito binibitawan?! Paasa ang gago eh!

"Hoy yung kamay ko!" Sigaw ko sa kanya.

Humigpit lalo yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Biglang nagharumento ang katawan ko. Hindi na naman ako makagalaw. Nak ng talaga 'to si Brian! Ang paasa!

Mas lalo akong di makagalaw nung nagsalita siya,

"Let me hold your hand. I'll miss this."

Pumula yung pisngi ko. Shet!

****

"Gwenny!!!! Malapit na birthday mo! Ano na plano mo?!"

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi. Bale, naglalakad papunta sa paradahan ng jeep. Kasama ko si Astrid syempre at kasama na rin si Kevin sa amin. Napapadalas na rin 'to. Close na kasi kami eh. Sina Astrid lang talaga at si Kevin yung so called frenemies. Sos! Alam na dis!

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon