[29] *Approve*

62 3 0
                                    

Nakakaloka!

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama! Grabe! Para akong mahihimatay dahil sa nangyari kanina ehh. Buti na lang kainan lang yung nangyari. Nag hi lang si Ate Andrea sa akin at sinabi niya kay mama na magkakilala na kami. Buti na lang hindi sinabi ni ate na nagpacheck-up ako sa doktor kasi may sakit ako sa puso! Sigurado, magtatanong na naman sila ng mga katanungan sa akin. Buti na lang talaga at tahimik lang si Brian dun kanina. Hindi nga ako makagalaw kanina eh. Imbes na busog na ako ay kumain ako ulet para naman matuon yung pansin ko sa ibang bagay. Hindi kay Brian.

Pagkauwi namin nun ay nginitian lang ako ni Brian saka niya ako kinindatan. Mabuti na lang talaga at nakatalikod sila mama. Pero feeling ko nakita yun ni kuya. Omoooo!

Ugh! Di talaga ako makatulog! Pano na 'to? Maaga pa ako bukas kasi may klase. Tas makikita ko na naman si Brian bukas. Holooooo! Makikita ko na naman siya bukas!!!!!

Ayun, pagulong-gulong ako ulet sa kama. Di talaga ako makatulog eh.

Hanggang sa biglang bumukas yung pinto at iniluwa si kuya. Woaaah~ gabi na ah? Bakit gising pa 'tong lalakeng 'to?

"Kuyaaa! Ba't gising ka pa?" Tas umayos ako ng upo.

Umupo si kuya sa harapan ko at dinuro ako,"Ikaw? Ba't gising ka pa?" Aba binalik yung tanong. Azar.

"Di ako makatulog eh." And then I sighed.

"Dahil ba dun sa lalake kanina?"

Nanlaki yung dalawang mga mata ko. Kung umiinom lang ako ngayon ng tubig, baka kanina ko pa nailuwa yung tubig sa mukha ni kuya!! Ba't alam niya?!

"H-ha?" Tas humiga ako at nagtakip ng kumot. Omg! Nakakahiya!

"Oy! Wag mo nga takpan yang mukha mo. Halika, usap muna tayo. Pffft!"

"Ayaw kooooooo~"

"Ayaw mo ha?"

Kaya ayun, kiniliti ako ni kuya. Tas dun pa sa tagiliran! Wag diyan kuya! Nakikiliti ako. Hahahahahahahahahahaha!

"Kuya hahahahaha tama na hahahahaha oy hahahaha sge hahaha na hahahaha mag-uusap na tayo hahahahahaha!"

"Good. Sumang-ayon din." Tas ayun tawa ng tawa si kuya. Grabe, ba't ang adik nito?

So ayun umayos na ako ng upo at tiningnan si kuya mata sa mata pero umiwas naman ako kaagad. Tama pala! Nakakahiyaaaaaa!

"Hindi ka nga makatulog dahil dun sa lalake na 'yun, Gwen?" Tas tinaas-taas niya yung dalawang kilay niya. Ang bully nito.

So ano na Gwen? Sasabihin mo ba sa kuya mo na dahil hindi ka nakatulog dahil sa nandun si Brian kanina? Sasabihin mo ba? Ha? Baka kasi sasabihin niya kina mama eh. Mas nakakahiya yun!

I shook my head. Ugh! Ano na Gwen? Sasabihin ko ba kay kuya?

"C'mon little sis. Wag ka ng mahiya dun. Sooos, umamin ka na. Hindi ko naman isusumbong kina mama eh. Atin atin lang para naman mashare mo yang nararamdaman mo ngayon. Anong silbi ko dba kung di mo rin naman sasabihin? Huhuhu." tas nag-pout ang kumag.

Tumawa ako, "Ang panget mong magpout kuya. Pfffft!" Binigyan lang ako ng death glare. Aba!

"Ang kyot ko kaya."

Pfffft! Parang bata talaga 'tong kuya ko oh. I wonder kung may girlfriend na ba 'to.

"Whatever kuya." Tas binelatan ko siya.

Binatukan niya ako, "Hoy wag mo nga ichange topic. Sabihin mo na sakin!! Kaya ka ba di makatulog dahil dun sa lalake na yun kanina?" Tas ngumiti ang loko.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon