Kanina pa yata ako pagulong-gulong dito. Timecheck: 3:30 a.m. na! Jusme! Tatlong oras ako nagpagulong-gulong, nakabukas ang mata at di mapakali. Aba sinong mapapakali kung may nangyareng hindi mo naintindihan kanina?! Waaaaah hindi ko na alam anong gagawin ko!
WAAAAAAAAAH!
Takte naman 'to oh!
Baka nananaginip lang ako kanina. Baka hallucination ko lang lahat ng 'yun. Baka nagdadaydream lang ako kanina. Baka nahihibang na ako! Baka nababaliw na ako!
Uwaaa~ hindi! Nababaliw na talaga ako. Ajujuju.
Kinuha ko ulet yung cellphone ko at tiningnan ang call history. Nakita ko yung unknown number. So totoo nga talaga ang nangyari kanina? Walang halong biro? OMGSSSSSS!!!!
Inhale. Exhale. Pikit ang mata. Bukas ang mata. Totoo nga talaga?
Hampas pisngi. Hampas ang pisngi.
Aray, masakit nga. So totoo nga talaga?
Waaaah nababaliw na talaga ako!!
Pakihanap ng utak ko, baka nawala na. Huhuhuhu.
Pinukpok ko yung ulo ko ng unan. Waaaaah! Waaaah! Ples, tama na. Nakakabaliw naman 'to oh. Birthday na birthday ko, nababaliw ako.
At kinikilig ako.
Enebenemenyen! Eh si Brian naman kasi! May pa ganun ganun pang nalalaman. Expect the unpexpected ang nangyari kanina. Ni hindi ko nga inexpect talaga na tatawag siya at babatiin niya ako at sasabihin niya na, GUSTO NIYA AKO!!!!
Tapos nanosebleed pa ako kasi in-english niya ako pero yun yung mas nagpakilig sa akin eh. Yung english niya. Kekekekeke.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko rin siya. Wtf?!
Hindi naman siya nagtatanong so bakit ko sasabihin? Nakakahiya kaya yun. NA-KA-KA-HI-YA!
Tama naaaaa brain! Oo na, kinikilig na ako. Kinikilig ako ng bonggang-bongga. Yung puso ko ang lakas lakas ng pintig. Yung mukha ko siguro ampula pula na. Eh kasi naman, kinikilig eh.
Ang saya saya ko.
Siya yung unang bumati sa akin. Siya. Si Brian Gonzales.
At sinabi niya sa akin na gusto niya ako.
OMG! Lupa? Lamunin mo na ako. Kyaaaaaaaa! Para akong nagfafangirl nito eh. Yung tipong nasa concert ako ng bigbang tapos kinindatan ako ni TOP?! Nakakaloka!
******
Aray. Ba't feeling ko kinagat ako ng lamok? Binuksan ko yung mga mata ko at laking gulat ko nung may lamok nga! Hinampas ko yung sarili kong braso at lumipad na ang lamok. Kainis, masakit yun.
Tiningnan ko ang orasan at laking gulat ko na naman nung nakita kong alas tres na ng hapon. WTF?!?! HINDI NILA AKO GINISING?!?! BIRTHDAY KO KAYA!!!
Dali-dali kong sinuot ang slippers ko at lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko...
Kruuuu~ Kruuuuu~
Walang tao.
WTF?! ASAN NA SILA?
Pumunta ako sa kusina, sa sala, sa mga kwarto, sa buong bahay at sa garden pero wala parin. Walang tao. Walang...tao.. Nasan sila mama?
Inindian ba nila ang birthday ko? :'(
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw tuloy ako. Pagdating ko sa kusina ay dumiretso ako sa ref. Bubuksan ko na sana yung ref kaso may napansin akong nakadikit doon.
Fix yourself. Suotin mo yung color pink na dress sa cabinet mo.
Eh?!?!
Nakalimutan kong inuhaw ako. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko. Nagtoothbrush. Naligo. Binuksan ko yung cabinet na nasa kwarto ko at namangha ako nung nakita ko yung dress. Ang ganda. *o*
Syempre sinuot ko ito kaagad. Naglagay lang ako ng pulbos sa mukha at syempre naglipgloss na rin. Okay, mukha na akong tao. Heels ang sinuot ko, para naman tumangkad ako ng konti kahit papaano.
Bumaba na ako. So ano na ngayon?
Pumunta ako doon sa entance door namin. May papel na naman na nakadikit.
Go out. May susundo sayo.
Ehhhhhh?!
So ayun lumabas na ako ng bahay. Pagkalabas ko sa gate ay may nakita akong sasakyan at may lalakeng nakatayo. Nakamascara siya. Lol creepy.
Gamit ang daliri niya, pinahiwatig niya na pumasok na ako sa sasakyan. Sumakay ako dun sa backseat at syempre dumiretso siya doon sa front seat.
In-andar na niya yung sasakyan sabay ng pagplay ng big bang songs sa sasakyan. OMG BIGBANG!
Para akong nagpaparty sa loob ng sasakyan kasi Fantastic Baby kaagad yung pinatugtog. Tinaas ko pa yung dalawang kamay ko at iwinawagayway pa ito. Parteeeeeh~
Nung narinig ko yung boom shaka laka ni TOP ay feeling ko nasa langet na ako sa sobrang ganda ng boses niya. Hahahahahaha! Nagfafangirl tuloy ako.
Mabuti na lang at dinala ko yung cellphone ko ngayon. Tiningnan ko at wow, walang messages kahit gm. Ni walang bumati ng Happy Birthday sa akin. AY SHET! TAMA!
Binati pala ako ni Brian kanina.
Kinikilig na naman ako. Naiimagine ko na naman yung nangyari kanina. Parang ang sarap irewind. Ang sarap sarap kasi pakinggan nung sinabi niya yung english words niya sa akin tapos kinantahan pa niya ako. Emergesh!
Tumigiln na yung sasakyan. Bumaba na ako at tumambad sa akin ang isang hotel. Okay?
Pumasok na ako. Walang kamuwang-muwang kung ano ang gagawin. Ehhhh? Nakakaewan naman 'to.
Bigla na lang may babaeng lumapit sa akin. "Ikaw ba si Gwen Rivera?"
Napatango ako. Ngumiti si ateng. "Good. Samahan mo ako. I'll lead you the way."
Tumango ako ulet at sinundan siya. Huminto siya at syempre huminto rin ako.
"Gwen. Here."
May iniabot siyang papel sa akin at umalis na. So ano na naman 'to?!
Go to the room 207
Anoooo?! Pahahanapin pa ako ng room 207. Kalokohan na 'to. :'(
Tiningnan ko kung anong number ang nasa harapan ko. Room 200. Baka nasa susunod lang na room ang room 207.
Nagsimula na akong maglakad. 201. 202. 203. 204. 205. 206. Aha! Ayun ang room 207.
Dali dali akong pumunta doon.
"Hay salamat! Nahanap na rin kita!" sabi ko sa sarili ko.
Pinihit ko yung doorknob at what the f?! Nakalock?! Niloloko na talaga ako ng mga tao ngayon. Anyare sa birthday ko?
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong susi sa nakasabit dun sa room 208. Kinuha ko ito. Ginamit ko ito sa room 207 at toinks, na-unlock ko na. OMG!
Dali-dali akong pumasok pero laking gulat ko nung ang dilim dilim ng paligid. Akmang aalis na sana ako kaso bigla na sumirado yung pintuan. Leche, may mumu!
"UWAAAAA MAMA PAPA KUYA!!!"
Mangiyak ngiyak kong sigaw. Takot pa naman ako sa dilim at syempre sa mumu at pinakasyempre sa cockroach!!! Baka may ipis na naglalakad dito sa paligid ko. Huhuhuhu.
"Nakakatakot pakshet.." sabi ko.
Tiningnan ko ang paligid. Ang dilim dilim. Wala akong nakikita. Kahit isa lang. Kahit isang light lang. Wala talaga.
Nabuhay ang katawang lupa ko nung bigla na lang lumiwanag. Nanlaki ang dalawang mga mata ko. Napahawak ako sa bibig ko.
Oh my gosh!
"HAPPY BIRTHDAY!!!"
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...