Gwen's POV
Sabado na ngayon. Ang dali dali lang ng oras. Aba, bukas na pala matatapos yung deal namin ni master edi pagkatapos bukas, wala na kami. Break na.
Hay. Bakit ang bilis bilis ng araw no? Noon, parati kong dinadasal na sana matapos yung deal namin kasi bwisit na bwisit ako sa kanya nun tapos ngayon, ngayon na gusto ko na yung nangyayari, nagiging mabilis na yung oras. Bakit ganun?
Nakakaduga naman 'to ng utak. Kainis.
Sana..sana lang talaga papansinin parin ako ni Brian kahit na wala na kaming deal. Yung kinakakatakutan ko kasi ay kapag natapos na yung deal namin ay baka mawala na yung 'closeness' naming dalawa. Baka hanggang hi at hello na lang kami sa isa't isa. Kapag nakakasalubong ko siya sa hallway, sa corridors ay baka ngingitian ko na lang siya tas siya pokerface lang. Babalik kami sa una. Babalik yung oras kung saan di pa kami magkakilala. Aish! Ba't ba ako nag-iisip ng mga ganito?
Bumuntong hininga ako. Hay life.
Nawala ako sa pag-iisip nung biglang nagring yung cellphone ko hudyat na may tumatawag.
Astrid Calling...
Aba himala tumawag ang bruha ngayon! Minsan lang naman 'tong nagpapaload eh.
"Oh?"
"Wow Gwenny ha? Gandang pambungad ng oh sa tawag ko."
Tinawanan ko siya.
"Bastos ka talaga. Tatawanan mo lang ako."
"Ano ba sadya mo babae ka at napatawag ka? Ha?"
"Eh kasi bukas na yung birthday mo!!!!"
"Oh tapos?"
"Di ka man lang excited?"
"Syempre excited."
"Good. Punta ka sa SM mamaya ha. Mag-uusap tayo girl. Paalam ka na sa mama mo dali."
"Anong meron ngayon?"
"Wala lang. Gusto ko lang naman na magbonding tayo."
Napatawa ako. Grabe. Parang di naman kami araw-araw nagkikita nitong babaeng 'to. May pabonding-bonding nalalaman. Pero I find her sweet naman.
"O sige."
"Yehey! Sige ibababa ko na 'to Gwenny. See you mamaya."
Binaba na nga niya yung tawag. Nilagay ko yung cellphone ko sa sidetable. Napangiti ako at bumaba na para magpaalam kay mama.
*****
"Manong, para po."
Inabot ko yung bayad ko at bumaba na sa jeep. Nandito na ako sa SM. Matext nga si Astrid. Baka siya pa yung late sa usapan namin eh.
To: Astrid
Hoy! Nasan ka na? Nandito na ako sa Sm.
Bago ako nakapasok at chineck-up pa ni ate guard yung bag ko at kinapkap ako. Jusme, parang may dala naman akong bomba no.
Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.
From: Astrid
Puntahan mo ko sa Jollibee. Hahahahaha! XD Nandito na ako kanina pa. Excited eh. Pffft hahahahaha! XD
To: Astrid.
Sige. :)
Nagsimula na akong maglakad. Nasa may third floor pa yung jollibee kaya mahabang byahe pa ang lalakarin ko. Chos!
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...