[11] *Slave*

145 2 0
                                    

"AT SAN KA GALING INDAY?! BA'T NGAYON KA LANG?!"

Asdfhkkugcyok! Shet! Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa bahay, ang malaking bunganga talaga ni mama ang nadatnan ko. Ganda ng welcome ah!

"Ka--"

"ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?! HUH INDAY?! ALAS-OTSO ANG CURFEW MO!"

"Mama, ano ka--"

"ALAM MO BANG NAG-ALALA KAMING DALAWA NG PAPA MO AT NG KUYA MO KANINA? HINANAP KA PA NG KUYA MO SA ESKWELAHAN NIYO PERO WALA KA DUN! SAANG LUPALOP NG UNIVERSE KA BA NAGLAKWATSA KANG BATA KA?! SUMAGOT KA!!"

Seriously mama! Pagsasagot ako, hindi mo ko pinapatapos tapos ngayon na wala na akong gana sumagot, pinapapasagot mo na ako. Wow!

"Eh kasi mama, dismissal na 'nun tapos natagalan ako sa pagsulat ng assignment, peace. *sabay peace sign* pagkatapos mama, tinamaan ako ng gutom kaya pumunta ako sa 7/11 para kumain. Hindi ko namalayan na alas siyete traynta na pala ng gabi. So naglakad ako 'nun ng mabilisan kasi malapit na nga curfew ko pero..." hindi ko alam pero feeling ko naiiyak na naman ako. Naalala ko na naman kasi 'yung nangyari kanina. Malapit akong magahasa. Mabuti na lang talaga nandun si Brian para ipagtanggol ako sa mga langyang tambay na 'yun.

"Pero?"

Sasabihin ko ba o hindi? Sasabihin o hindi? Aish! Baka kasi pag sasabihin ko sa kanila, magiging mas over protective sila sakin tapos pag hindi ko naman sasabihin, baka ulanan  naman nila ako ng sermon kung bakit ganito at ganyan.

Well, I made my decision, sasabihin ko na lang sa kanila. They are my parents naman. They have the right to know.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak anak?"

"Kasi mama, malapit po akong magahasa." at humagulgol na naman ako. Putragis oh! Nakakatrauma kasi. Maraming salamat talaga kay Brian at tinulungan niya ko. *insert sobbing here*

"H-HUH?! ANO?!" gulat na sabi ni mama. Lahat naman ng magulang ganyan ang reaction kapag nalaman nila na malapit magahasa ang mga anak nila.

"Kasi po, papunta *sob* na sana akong paradahan ng jeep kaso biglang may humarang at ayun po nangyari na."

"P-pano ka nakatakas anak?" nanginginig at nag-aalalang sabi ni mama.

"Tinulungan po kasi ako ng schoolmate ko na lalaki kaya nga po ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Dahil sa kanya mama, hindi natuloy ang binabalak nila."

Pagkatapos ko 'yun sabihin, agad akong yinakap ni mama. Naramdaman ko din na umiiyak din siya. Yinakap ko na lang din siya pabalik. Ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala ni mama sa'kin. Para na siguro kaming baliw dito, umiiyak ng sabay-sabay tapos ang lakas-lakas pa

"Sino ang lalake na iyan ng mapasalamatan ko rin?"

"Brian po ang pangalan. Brian Gonzales."

"Ipakilala mo ko sa kanya anak huh?" sabay kalas ni mama tapos pinahid ang mga luha sa mukha ko.

"Opo. Soon."

"Sige umakyat ka na. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas."

"Sige po mama. Goodnight." sabay kiss kay mama.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon