[33] *I like you*

110 4 2
                                    

Natapos na yung soccer game. Masayang-masaya naman ako kasi nanalo yung grupo nila Brian. Marami namang hampas ang nakuha ko kay Astrid. Panay kasi ang hampas niya sa akin kanina kasi nanalo sina Brian. Walangya talaga. Si Kevin na lang sana yung hinampas, kikiligin pa yun. Natawa na lang ako.

"Damn bro! Ang hina ng kalaban." Ani Ivan saka kumain ng apple. Napairap na lang ako sa sinabi niya. Ang hangin talaga. Akala mo naman nakasipa ng bola kanina patungong net eh!

"Mahina daw? Takbo ka lang nga ng takbo kanina." singit ni Clark.

Tumawa silang lahat dahil dun sa sinabi ni Clark. Pati rin kami, ako, Astrid at Kevin, ay natawa rin. Sumimangot yung mukha ni Ivan at ngumuso. Hindi ko alam kung macucute-an ako sa ginawa niya o maiinis. Pffft!

Bigla na lang ako nilapitan ni Sky at hinawakan ako sa magkabilang braso, "Alam mo ba Gwen, may sasabihin ako sayo." tapos ay kumindat siya.

Kumunot yung noo ko, "Ano naman 'yun?"

Lumapit pa siya sa akin. May binulong siya sa kanang tenga ko na siyang dahilan kung bakit dumaloy yung mga kuryente sa buong katawan ko!

"You know what? Kinilig si master kanina dahil dun sa ginawa mo. Panay ang ngiti kanina nung naglalaro kami. Hindi na ba peke yung relasyon niyo?"

Namula ako sa sinabi ni Sky. As in. Ramdam na ramdam ko na ampula-pula ng mukha ko. Kasing pula ko na yata yung bidang babae sa Exo Next Door. Teka...tama ba talaga yung narinig ko o baka nabibingi lang ako? Jusmeeeee!

"Woah, you're face...Gwen..yung mukha mo, ang pula." sabi ni Clark.

Dahil dun, feeling ko mas lalo tuloy akong namula. Waaaah!

"Ano Gwen? Hindi na ba peke?" bulong ni Sky sa akin.

Si Sky lang kasi yung nakakaalam na peke lang yung relasyon namin Brian kasi narinig niya kami nun na nag-uusap. Sabi niya, hindi niya daw ipagsasasabi sa iba. Mapagkakatiwalaan naman daw siya. Masaya naman ako kasi hindi niya sinabi kahit kanino. Tas takot din siya sa master niya kaya di niya siguro pinagsasasabi.

"Peke parin Sky. Wag ka nga." todo tanggi kong sabi.

Tumawa si Sky. Napatingin tuloy sina Astrid sa kanya. Waah! Wag mo nga ipahalata Sky. Ako talaga gugulpi sayo eh!

"Why are you laughing, idiot?" tanong ni Ivan.

"Wala lang. Nagjoke kasi si Gwen. Kaya ayun natawa ako." ayun patuloy parin siya sa pagtawa.

Napafacepalm na lang ako sa sinabi niya. Yung mga mukha nila ay di mapinta, parang hanggang ngayon ay nagtataka parin sila sa inasta ni Sky. Pati nga rin ako siguro magtataka kung bigla na lang tatawi si Sky ng hindi malaman yung dahilan.

Bigla na lang may umubo. Napatingin ako kung sino yun. Eto na naman yung pintig ng puso ko. Hindi ko na naman ma-explain yung nararamdaman ko.

"Nandito na pala ang mahal na kamahalan." sabi ni Ivan.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Brian. Hindi ko mapigilan kaya napatawa ako sa ginawa ni Brian. Ang bakla niya kasi tingnan. Pffft!

"Why are laughing?"

"Wala lang." pero nagpatuloy parin ako sa pagtawa.

"Ayos ka lang Gwenny? Baka sabihan kang baliw."

"Ayos lang." sagot ko kay Astrid saka nagthumbs up.

Ngumiti naman siya ng pilit. Asoooos.

Kung nagtataka kayo kung san galing si Brian, galing siya sa shower room. Nagshower muna siya kasi daw ang lagkit lagkit daw niya. Tsss. Dami talagang arte sa katawan nitong lalakeng 'to.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon