[30] *About to End*

86 3 9
                                    

Para akong binagsakan ng langit at lupa.

T________T

"I hate you kuya. I hate you." Tas nagpout ako.

"Sorry na little sis. Hahahaha. Ang hirap mong gisingin. Si Brian lang pala ang makakapag-gising ng diwa mo." Tas ayun tawa na naman ng tawa si kuya.

"I hate you parin." Tas pinagpatuloy ko yung paglalaro ng candy crush sa cellphone ko.

Eh kasi naman 'to si kuya. Ang paasa niya. Ang lakas ng trep! Dali-dali akong naligo. Dali-dali rin akong nagtoothbrush at kumain. Tas pagkababa ko, hinanap ng dalawalang mga mata ko si Brian pero wala siya hanggang sa narinig ko na lang si kuya na tumatawa sa likod ko.

JINOJOKE TIME LANG PALA AKO NI KUYA! WALA PALANG BRIAN! ABA MATINDE TO!

Kaya pala tawa siya ng tawa kanina. Wow.

So kaya ayun, I hate kuya. Eh kasi umasa ako. Huhuhu. Akala ko naman susunduin ako ni Brian. Tinake advantage niya yung nalaman niya kagabi.

"Sorry na Gwen. Di na mauulit. Eh kasi naman ang hirap mong gisingin."

Tiningnan ko si kuya saka siya binelatan. Asa siya. Tampo ako sa kanya.

"Magdadala ako ng ice cream mamaya."

Omg! Ice cream!

"Ngingiti na yan." Tas pinipindot pindot niya yung braso ko. Hindi ko mapigilang di ngumiti. "Yay! Ngumiti na rin siya." Wala na, talo na ako kay kuya. Tsss.

"Sorry na talaga baby. Promise, di na mauulit." Tiningnan ko si kuya at ramdam ko naman na sincere siya dun sa sinabi niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya, "Talaga kuya?"

"Opo Gwen."

Pagkatapos nun ay okay na kami ni kuya. Ganun naman talaga kaoag magkakapatid, di talaga maiwasan ang magkatampuhan pero kami ni kuya? Ilang minuto o segundo lang, bati na kami. Mahal namin ang isa't isa eh.

Masaya nga ako ngayon kasi sabay kami ni kuya na sumasakay ng jeep papunta sa kanya kanya naming school. These past few days kasi, hindi nakakauwi si kuya kasi busy siya sa college life. Sa dorm siya natutulog. Kaya nga ngayon, meron siya. Baka hindi na naman siya uuwi mamaya.

"Kuya, uuwi ka mamaya?"

"Yep. Di ako masyadong busy eh."

Nginitian ko lang si kuya. Nakahinga ako ng maluwag. Yehey! Uuwi siya mamaya. Aabangan ko siya mamaya para sa ice cream ko. Hihihihi.

*******

"Gwenny beybi!! Namiss kita!!" Tas ayun, bigla na lang ako niyakap ni Astrid. Ang hyper talaga nitong babaeng 'to.

"Grabe ka Astrid. Parang limang taon tayong di nagkita ha?"

Kumalas siya, "So? Basta namiss kita."

"Astooooor~ pakopya Assignment!!!"

Nabaling ang attention naming dalawa ni Astrid kay Kevin na ngayon ay nasa harapan na namin. Nagpapakyot ang mokong na nakatingin kay Astrid tas hawak hawak niya yung notebook at ballpen niya.

Tiningnan ko si Astrid. Pffft.

"Asa ka Kevin." Tas binelatan ito ni Astrid. Kaya ayun, tumakbo si Astrid, hinabol din naman siya ni Kevin. Ang kyot nilang tingnan, para silang aso at pusa pero nakakakilig. Ekkk~

Umupo na ako sa upuan ko at hinintay ni ma'am na dumating. Kinuha ko na lang muna yung cellphone ko at pinagpatuloy ang paglalaro ng candy crush hanggang sa may narinig akong sigawan ng mga babae.

"Omg!! Ang gwapo niya talaga! Kyaaah!"

"I kennot dis! Ako talaga sadya niyan dito eh."

"Asa ka girl."

Dahil sa curious din naman ako, tiningnan ko kung sino yung "gwapo" na tinutukoy nila. Pagtingin ko sa kanya, hindi ko alam pero parang nanghina ang mga tuhod ko. Nakatingin din siya sa'kin. Kung noon, pokerface, ngayon naman, nakangiti siya. Nakatingin siya sa akin ng nakangiti.

I feel so like I'm in heaven. Ang lakas-lakas din ng pintig ng puso ko. Grabe, hindi ko inakala na aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko. Hindi ko inakala na dadating siya sa buhay ko at binago niya ito.

Pumasok siya sa classroom namin. Mas lalong lumakas ang tili ng mga babae. Siguro, ampula-pula na ng mukha ko ngayon! Wag naman sana! Baka mahalata niya!!

"Hey babe.." he said.

Shet! Pwede sumigaw? I mentally shout! KYAAAAA~ KINIKILIG AKO SA BABE NIYA! PAKSHET!

"B-Brian.." yun lang yung nasabi ko. Asar, I'm left speechless. Iba na ang epekto niya sakin ngayon.

"Meet me later. Same tree. I have something to tell you."

"Sure." Tas ngumiti ako sa kanya ng pilit? Eh kasi naman. Di ko alam anong facial expression ang ipapakita ko sa kanya ngayon! Act normal Gwen! Act normal!

Ginulo niya yung buhok ko saka lumapit sakin, ramdam ko yung hininga niya sa may tenga ko! Omg!

"Don't keep me waiting. See ya babe." Tas tiningnan niya ako ulet saka kumindat.

PAKSHET! KINIKILIG NA TALAGA AKO! OMOOO!

Umalis na nga siya sa classroom namin. Todo tanong din yung mga babae naming classmate kung ano yung sinabi niya, ngiti lang ang sinasagot ko.

Tumingin ako sa ibang direksyon. Yung direksyon kung saan hindi ako nakikita ng mga classmate ko. Tapos nun, ngumiti ako ng napakalapad-lapad. Sheeeet! Kinikilig talaga ako! Fudge! Hinahampas-hampas ko yung sarili ko tas sinasampal-sampal ko ng mahina yung mukha ko! Jusmiyo~ kinikilig talaga ako. Di ko na to maeexplain tong nararamdaman kong to. Basta isa lang ang masasabi ko! ANG SAYA SAYA KO.

Dumating na si terror at nagsimula na siyang magdiscuss. Dahil sa inspired ako, nakinig ako kay terror. Nung nagquiz siya, akalain mo nga naman, naperfect ko! Shems! This is so not me.

"Gwenny! Saan ka nangopya at naperfect mo? Ha?" Tanong sa akin ni Astrid nung recess time na.

"Stock knowledge lang yan, Astrid." Tas tumawa ako. Hahaha.

"Tse. Stock knowledge mo mukha ko. Halata namang inspired eh kaya ka ginaganahan mag-aral. Sos, ikaw ha? Inlab na inlab ka diyan sa boyfriend mo! Kyaaaa!"

"Adik ka talaga. Kumain ka na nga."

Tinawanan lang ako ng baliw.

Naramdaman kong nagvibrare yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung nagtext.

From: Master

I'm waiting.

Ay shitsu! Ngayon nga pala yun!

"Astrid, puntahan ko muna si Brian ha? May pag-uusapan kasi kami."

"Goraaaa~ sge go. In the name of love, puntahan mo."

Napafacepalm na lang ako dahil sa sinabi ni Astrid. 'Tong babaeng 'to, ang daming alam talaga.

"Salamat Astrid. Bye."

"Adiooooos!"

Nagsimula na akong maglakad papunta dun sa puno na tinatambayan namin.

Habang naglalakad ako, ramdam ko na naman ang lakas ng pintig ng puso ko. Excited ako na kabado na kinikilig na ugh! Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon.

Pagdating ko dun, nakita ko si Brian na nakaupo at natutulog. Tinabihan ko siya.

"You're here.."

Ay tae! Akala ko tulog 'to.

"Yeaaah? Nandito na ako. So ano ba pag-uusapan natin." Trying my best to act normal.

"About our relationship deal.."

Bumukas yung mga mata niya at tiningnan ako.

Oh no! Ito na yung kinatatakutan ko! Ang matapos ang deal namin.

"Gwen.."

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon