Damn! Malala na ako.
Kanina pa ako nakangiti dito sa harapan ng salamin ng kwarto ko. Nagbublush din ako. Daaaamn! Baliw na ba ako? Mga isang oras ko na yata 'tong ginagawa. Ano na bang nangyayari sa akin?!
Kanina, pagkatapos tumawag ni *ehem* master, bigla na lang nagformed into a smile ang lips ko. At hindi lang yun, ang lapad-lapad pa ng ngiti ko. Atsaka napagdesisyunan ko na din na, pupunta ako mamaya sa gang fight nila Brian. Tutal, namimiss ko na din yun si Brian.
*ehem*
Pumunta ako sa closet ko saka namili ng damit para mamaya. I should look presentable. LMAO. Malala na talaga ako.
Malala na ba talaga?
Hay naku, bahala na si batman. Magpapacheck-up na lang ako mamaya o di kaya bukas. Sabado naman bukas eh. Di ko na kasi naiintindihan 'tong nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita at naaalala ko si Brian, bigla na lang lumalakas yung pintig ng puso ko. Asar.
Di ko na talaga maintindihan. Might as well makapagpacheck-up na nga sa doctor bukas. Baka may heart disease na pala ako at nagkakadisease ako kapag nakikita ko si Brian. LOL.
White t-shirt at pants lang ang sinuot ko. Nakalugay yung buhok ko tsaka ako naglagay ng polbo. Hmm, simple lang nman ang outfit ko ngayon. Ayaw ko ng masyadong reaveling at ayaw ko rin ng masyadong old-fashioned kaya eto ako ngayon.
Nagready na ako and stormed out of our house. Ayos lang din naman kay mama na aalis ako kasi nakapag-paalam na din ako sa kanya. Di ko lang sinabi na sa isang gang fight ako ngayon pupunta. Panigurado, di sasang-ayon 'yun.
Tinext ko na sina Kevin at Astrid. Sabi ko papunta na ako sa tagpuan namin. Sabi naman nila na nandun na daw sila. Asos, halata na eh. Nagkakadevelopan na yung dalawa. Kyot.
"Mabuti naman at nandito ka na rin. Kanina pa ako bwisit na bwisit dito kay Kevin eh. Kaloka!"
Tumawa si Kevin pagkatapos sabihin ni Astrid 'yung pambungad na litanya niya sa akin. Napatawa tuloy ako. Ang kyot nila.
"Bakit? Ano pala ginawa niya sa'yo?" tanong ko.
"Aba! Kinukulit niya ako kung sino 'yung crush ko! Nakaka-ewan lang!"
"Pffft! Para lang dun?!"
"Anong lang dun ka diyan?! Nakakabwisit kaya. Ugh!" tas sinuklay niya yung buhok niya na parang frustrate na frustrate. HAHA! Ay naku.
Tiningnan ko si Kevin at tinaasan ko ng kilay, "Anong pumasok sa isipan mo at tinanong mo ng ganun si Astrid ko?!"
Kinindatan lang ako ng kumag saka tumingin sa ibang direksyon!! Aba! Aba! Bastos ka!
"Tingnan mo! Diba? Nakakabwisit." tumango lang ako bilang sagot. She composed herself first saka nagsalita ulet. "Anyway, kailangan na pala natin gumora kasi magsisimula na 'yung gang fight ng BOYFRIEND mo." tapos hinatak na niya ako.
Hmmmm, wait. What's that word again? Crush?
May crush pala na word? Never heard about that.
Ako na taong tabon na maganda. LOL.
*****
Ang daming tao. Ang daming usok. Nakakatakot naman 'tong lugar na 'to. Grabe, first time kong makapunta sa ganitong klaseng lugar.
"Gwenny, nasan ka? Hawakan mo kamay ko.."
"Nandito ako.." tas hinawakan ko yung kamay ni Astrid. Sweet. Nandito kasi kami sa kumpulan ng mga tao. Ganito pala dito? Di ako nainform. Kaloka.
"Ako ba Astor, di mo ba hahawakan kamay ko?" biglang sabi ni Kevin tas nagpout. HAHA!
Inirapan lang siya ni Astrid. Narinig ko pa si Kevin na nagsalita, "Sungit..Edi wag." natawa na lang ako. Hay nako. Ang kyot kyot talaga nila tingnan. Parang aso at pusa. Parang kami lang ni master, parang aso't pusa rin. Ay takte! Ba't nasingit si Brian?! WTF?!
Nagpatuloy kami sa paglakad dito sa kumpulan ng mga tao. Kailangan kasi daw namin makalapit dun sa pag-aawayan nila Brian. Tsss, grabe ha!
Nung nakarating na kami dun ay umupo na kami. Sakto at walang tao na nakaupo dun sa harapan kaya dun kami umupo. Wew. Matinding laban 'tong panonoorin namin. Geez,
"Hoy Gwenny, suportahan mo yung boyprend mo ha?"
LOL. Hindi pa pala niya alam na fake lang 'yun. Ha-ha. -__-
"Oo na. Tsss.."
"Ayieeee~ supportive girlprend. HAHAHA!"
Walanghiya. -__-
"Naman.."
Napangiwi na lang ako. Takte.
"Everybody settle down coz the war is going to start in 5....4....3....2....1!!"
Pagkatapos ng countdown ay bigla na lang silang sumigaw. As in sigaw talaga. Ang sakit sakit nga sa tenga eh. Grabe ha!
Nacurious naman ako kung bakit sumisigaw sila kaya tumingin ako dun sa sinisigawan nila at napanganga na lang ako, literally, nung nakakita ako ng grupo ng mga kalalakihan na aaminin ko na ang gagwapooo! Mga gangsters ba 'to sila?! Ba't parang mga anghel ng kagwapuhan 'to?!
Napag-alaman ko na No Mercy yung pangalan ng grupo nila. Pangalan pa lang nakakatakot na. Walang awa yung meaning eh. Uwaaa~ so sila ang makakalaban nila Brian? OMG! O___O
Pumunta sila sa harapan at kinuha ng parang leader nila yung mic.
"Hey.."
Wow! Ang husky naman ng pagkasabi nun ni kuya. Kaya ayun, todo tili na naman yung mga tao! Halos lahat pala dito ay mga babae. Ay alam na. :3
"Goodevening. Today we're gonna prove to that pathetic Red Dragon that they are losers. We're gonna bring them down. *evil laugh*"
Nagpalakpakan yung crowd saka tumili na naman. Like duuuuh! As if I care. Alam ko naman na di magpapatalo yung Red Dragon sa kanila, leader pa lang nila ang angas na. Wew.
Tumigil yung tilian ng mga tao nung bigla na lang pumasok ang grupo ng mga kalalakihan. Ang gwapo gwapo nilang lahat lalong-lalo na yung leader nila. Sa kanya lang napako yung tingin ko. Bawat hakbang niya ang nakakapagpatulala sa akin. Ang nakakunot niyang noo ang mas nakakapagpamukha sa kanya na ang hot niya. Damn! Ang gwapo nga nya talaga at unang beses ko siyang makikita ngayon na makikipagsuntukan.
Si Brian...
Namiss ko siya.
"Ayieee si Gwenny, tumitingin sa boyprend niya. Sheeeet! Kinikilig akoo! Ehhhhh!"
"Hoy tumahimik ka nga. Chura nito."
"Deny pa eh halata naman. Hahahaha."
Napatawa na lang din ako ng mahina. Yeah right, halata na nga nagdedeny pa. Buhay nga naman.
Nung nakatapak na sila sa ring, dun na nagsimulang magtilian yung mga tao. Mas malakas pa sa tilian kanina. Oo nga, sikat pala yung grupo nila Brian.
"Mr. Gonzales, do you have any message before we're going to start the so called war?"
Tumahimik ang lahat. Lahat ay napatingin kay Brian. Kinuha niya yung mic saka nagsmirk.
"Let the war begin."
The next thing I knew, sinuntok na niya yung leader ng No Mercy.
AGAD-AGAD?!
To be continue...
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...