I dedicate this to her. Siya kasi 'yung unang nagcomment sa storyang 'to na sadyang ikinasasaya ko. <3 Saranghae. <3
******
"Oh bakit nakabusangot 'yang mukha mo?"
Napatigil ako sa paglalakad 'nung narinig ko 'yung boses niya. Siya 'yun. Alam kong siya 'yun. Kahit na sa isang pagkakataon ko lang siya nakilala at nakausap, alam kong siya 'yun.
"Kevin?"
"Surprise!" at ngumiti siya ng napakalapad-lapad. Shocks, ang pogi. XD
"Waaaah! Kevin!" at niyakap ko siya. Ng mahigpit. Namiss ko siya ng sobra. Wow, ang chansing mo Gwen.Isang araw mo lang siya hindi nakita, namiss mo na agad? Tologo? May ganun?
"Chansing ka masyado Gwen huh? Mahal mo na ako noh?"and then an evil smile form on his face. Agad akong kumalas sa yakapan moment namin. Waaaah, nahiya tuloy ako. >///<
"Hmph! Kapal!"
"Joke lang! Ito naman. Di mabiro. By the way, bakit nga nakabusangot iyang mukha mo?"
"WALA!"
Ayaw kong sabihin sa kanya. Baka tawanan niya ko. Aish, basta ayaw ko lang ibalik 'yung nangyari kanina. Nakakakilabot! Alam niyo 'yun? Nakaka-imbyerna lang!
"Ay hindi mo pala ako friend." at nagpout ang mokong. At ang kiyut niya! Pakshet! Wag kang magpapatalo diyan sa pagpapakyut niya.Huh? Huh? Huh Gwen huh?
"O sige na nga, ganito kasi 'yun..."
Okay, sensya na. Wa epek! Ang kiyut-kiyut niya kasi. Hindi ko mapigilan. Masyado siyang cute para tanggihan. WEH???
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kahit na labag sa kalooban ko. Kahit na masakit ibalik ang nangyari, kinuwento ko parin. Linsyak! Ba't kasi ang kiyut niya? Ay sinisi ba naman sa cuteness niya. May ganun?
"Eh tarant*do pala 'yun eh! Resbakan ko 'yung ugok na 'yun. Makikita niya. Psh!"
Natouch ako ng sobra sa reaksyon niya. Akala ko tatawanan niya ko sa nangyari. Hihihi. I love you na Kevin. As friend huh? Walang malisya!
"Grabe, makareact 'to parang narape ako. Over-over?"
"Eh pano kung narape ka?"
"Hindi naman ako narape Kev."
"Mabuti na nga lang hindi niya iyon ginawa. Kasi kung ginawa niya 'yun, aish hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya."
Dahil dun hinawakan ko ang mga kamay niya at tiningnan ko siya diretso sa mata.
"Thank you." ^______^
"Malakas ka sa'kin eh!" sabay gulo ng buhok ko. Errr nasira tuloy. Haha. XD
Maglalakad na sana kami ni Kevin papuntang sakayan jeep kaso biglang may sumigaw......
"GWENNY BEYBI!!!!!"
Watda! Akala ko ba umuwi na 'tong babaeng 'to? Anong ginagawa niya rito? Dapat na sa bahay na siya ngayon. Lagpas alas-sais na! Baka siya pa 'to ang marape. Ay nagsalita!
"Whooo~ Grabe! Gwenny Beybi lumabas ka na din ng building. Kapagod maghintay." sabi niya habang hingal na hingal. Sino ba kasing may sabi sa kanya na hintayin niya ko?
"Shunga ka ba? Akala ko ba umuwi ka na? Bakit mo pa ako hinintay?"
"Eh kasi....." nilagay niya ang daliri niya sa baba niya. Na para bang nag-iisip. Hay, may sayad na talaga 'tong bruhang 'to.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomansaIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...