"Never leave me hanging, okay?"
Hanggang ngayon hindi parin maprocess sa utak kung ano yung sinabi ni Brian. Mag-iisang buwan na nga eh, di ko parin maprocess at maintindihan kung ano yung sinabi niya. Ahh nakakaloka ha!
Kasalukuyan akong nasa library para gawin yung assignment ko. Nakalimutan ko kasing gawin 'to lahat kagabi kasi puyat na puyat ako. Di nakayanan ng katawan ko kayo ayun, knock out ako sa kama. Grabe.
Nung natapos na akong mag-answer. Inayos ko na yung mga gamit ko saka lumabas ng library. Pumunta muna ako sa c.r. bago pumunta sa classroom, naiihi kaso ako eh.
Habang ginagawa ko yung ritwal ko sa loob ng cubicle, bigla na lang akong may narinig na nag-uusap sa labas. Hmmm..
"Pupunta ka mamaya, girl?"
"Ofcourse! Hindi pwedeng di ako makapunta. Brian and his gang will be there. OMG!"
Huh? Brian? You mean the 'Brian Gonzales'? You mean, my master?
"OMG! It's been a long time na diba girl? Kinikilig talaga ako kapag nakikita ko silang nakikipag-away. Ang hot lang kasi tingnan. Omo!"
"I know right.. Lalo na si Brian. He's the hottie."
"Yeeeeeeh~ Kyek! Hihi. Anyway, halika na girl. Labas na tayo. Malapit na magbell."
"Aye aye!"
Nung ramdam ko na wala na sila sa labas, lumabas na din ako sa cubicle. Tumingin ako salamin saka nagsalita, "May gang fight ang Red Dragon mamaya?"
Oh well, gangsters. They always look for fight...
****
"Kevin pwede ba?! Tumahimik ka nga!"
"Ayieeee. Ang sabihin mo, kinikilig ka lang sa'kin Astor beybe!"
"Bwiset! Bwiset ka talaga."
HAHAHAHA! Tawa lang kami ng tawa ni Kevin dito. Eh kasi naman kasi, si Astrid, sigaw ng sigaw. Angal ng angal kay Kevin kasi ang bwiset niya daw. Kaya ayun, tinawanan lang namin si Astrid. Tas eto, badmood tuloy si Astrid.
"Oy Astrid, baka hindi ko nalalaman ha? Baka inlove ka na dito kay Kevin ha?" straight-forward kong sabi kay Astrid tas tumataas-taas baba pa yung kilay ko.
Kumunot yung noo ni Astrid kaya ayun tawa na naman kami ng tawa ni Kevin.
"Makakain na nga lang. Bwisit kayo!" aba! At inirapan pa kami ni Astrid. Oh well, can't blame her. Iniinis namin siya eh. HAHAHAHA!
Nag-apir kami ni Kevin saka nagpatuloy sa pagkain ng lunch.
Biglang nag-ingay yung paligid nung pumasok sa cafeteria yung Red Dragon. Ang ipinagtataka ko lang ay wala si Brian. Nasan kaya 'yun? (」゚ロ゚)」
"Ayieee, si Gwenny Beybie, hinahanap si fafa Brian."
Luh? Kanina badtrep 'to tas ngayon ako na naman ang inaasar. Yung totoo Astor-este Astrid?!
"Oo nga no. Hinahanap niya si Brian. Ikaw Gwen ha? Di mo sinasabi sa amin na may crush ka pala dun?" pang-aasar sa akin ni Kevin. Pati rin ikaw?
Tsss. Grabe naman. Hinahanap talaga? Di ba pwedeng nacurious muna kung nasaan siya kasi sa mga ganitong eksena, kasama siya eh at nasa gitna siya kasi diba leader siya tas ngayon, wala siya.
Nakakapagtaka lang kasi diba? Kung kayo ang nasa posisyon ko baka mararamdaman niyo din 'tong nararamdaman ko. Sanay na kasi ako na nakikita si Brian kasama ang kagrupo niya. Ano na ba 'tong iniisip ko? Diba dapat naaasar ako kasi nandito sila at gangsters sila. Diba hate ko sila? Diba pinaninindirian ko sila? Diba ayaw ko sa kanila? Diba? Pero bakit parang hindi na...
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...