[5] *Secret Admirer*

158 7 1
                                    

Gwen's POV

"TIKTILAOK!! TIKTILAOK!!"

Nagising ako dahil sa isang maingay na sigaw ng MANOK?! Wait, manok ba talaga 'to? Bakit parang nandito sa loob ng kwarto? Hay, makatulog na nga lang baka nagha-hallucinate lang ako. Pagod lang 'to.

"TIKTILAOK!! TIKTILAOK!!!"

Ano ba 'yan? Ba't ang ingay?

Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko. Blink. Blink. Watda?

"GOODMORNING GWENNY BEYBI!!!!"

"ASTRID?!"

"SURPRISE!!!"

Waaaaaah!! Ba't nandito ang baliw na 'to? Waaah! Ampanget ko pa! May muta at laway pa ako sa mukha! Pakshet! Nakakahiya!

"Lumayas ka nga! Ampanget pa ng mukha ko. Shoo! Shoo!"

"Hindi ka naman panget huh."

"Talaga?" nagtwitwinkle na ang mga mata ko niyan. *_*

"Oo kasi NAPAKApanget mo! Hahahahaha!" sabay takbo ng bruha. Inaamin ko na talaga, may baliw akong bestfriend. =____=

Dumiretso na lang ako sa c.r. at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos lahat-lahat ay bumaba na ako at nadatnan ko si Astrid na kumakain na parang BABOY!! WATDA!!

"Oy, mahiya ka naman. Wala ka sa pamamahay mo."

"Sabi kasi ng mama mo, kumain ka lang iha. Wag kang mahiya. O edi, walang hiya-hiya! Lamon na! And speaking of lamon, halika na! Kain na tayo. Baka malate tayo sa school." sabay subo ng kanin. Mabilaukan ka sana!

"Psh. Oo na PO."

Umupo ako sa tabi ni Astrid. Nagsimula na akong kumain at aba hindi pa ako nakakalahati sa pagkain ko ay kumuha na naman ng kanin si Astrid. Watda. 'Yung totoo, tao 'to o halimaw? Bahay niya 'to o akin?

"Oy, ang baboy mo!"

"Magandang *chom chom* baboy *chom chom* kamo--aray!"binatukan ko lang naman siya. Mwahahaha!

"Tikom na Astrid huh?! Nakikita mo 'to? *sabay pakita ng kamao ko* Ibibigay ko 'to sayo. Gusto mo?" =___=

"Sorry po~Kakain nako." at kumakain na naman siya na parang baboy. Napaface-palm na lang ako sa inis. May shunga akong bestfriend eh. No choice!

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay mama tapos itong si Astrid, nagbeso-beso pa kay ermats at erpats. FC. =__=

**

"Ano palang pumasok sa kokote mo at pumunta ka sa bahay kanina? Huh?"

"Wala lang. Naisip ko lang bigla. Hihi."

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Astrid sa corridor. Bago lang kami nakarating dito sa school. Mga 10 minutes na lang siguro bago magbell.

"Ohmeegash! Im gonna die. Im gonna die!"

"Anyare na naman sa'yo?" natataka kong tanong. Hindi ko kasi alam kung ano ang tinitingnan niya. Inaayos ko kasi ang bag ko na naglalakad so nakayuko ako habang naglalakad. Wala pa naman akong nabubunggo so gora lang ako.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon