Ooooops, katapusan ko na ba ito? T___T
Leshe, masyado na ba akong maganda para titigan nila ako ng ganyan ka lagkit? Okay, ang kapal ng mukha mo Gwen. Push mo 'yan.
Humakbang ako palapit at boom, andun parin ang mga titig nila sa akin. Taeness! =__= Ano ba kasi ang ginawa ko?
Dahil ba may picture kami ng pinakamamahal niyong leader ng gang na Red Dragon?
Tsk. Tsk. Mga walang magawa 'to sa buhay eh. Ako ang pinagtitripan. =_=
Pumunta na lang ako sa mismong counter saka um-order ng siomai at ice tea. Nagugutom na ako eh. Nakadagdag ng gutom 'tong mga taong ang lagkit ng tingin sa akin. Psh.
Habang naglalakad ako papunta dun sa isang vacant table, bigla na lang may humarang sa nilalakaran ko kaya natumba ako at ang pagkain ko ay natapon!
NOOOO!!!!
Narinig ko silang tumawa. Ang sama-sama nila. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila ah. Mga badtrep 'to.
"Lampa-lampa kasi kaya ayan natumba. Hahaha." Sabi nung parang leader nila.
"I know right. Hahaha." Humalaklak naman sila na pagkatapos. Tsss. Nakakatawa. =___=
"Wow naman. Nakakatuwa naman kayo tingnan. " note the sarcasm.
Tumayo ako saka pinagpag ang palda ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Yung toyo natapon sa puti kong uniform tapos yung ice tea, natapon sa palda ko. Arghhh! Wala pa naman akong dalang extra uniform. Bwiset tong mga babaeng 'to. Ugh, bwiset talaga! >_<
"Bagay lang yan sayo, cheap girl. Ginayuma mo kasi si Brian kaya ayan, dinedate ka niya."
"Tama tama.." pahabol naman nung isa habang nagpapalakpak ng kamay. Luh? Adik. =___=
Atsaka, ano ba 'tong pinagsasasabi nila? Ako? Ginayuma ko si Brian? Wow huh. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi ako yung nag-aya kundi yung lesheng tukmol na feeling gwapo na yun!! >__<
"FYI, hindi ko siya ginayuma. Dami mo namang alam. Yiks, nakakakilabot."
"Edi kung ganun, bakit kayo magkasama? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi nagdedate ng babae si Brian kung hindi naman.."
Napataas ako ng isang kilay hudyat na hinihintay ko yung sinabi niya. Pinutol niya eh. Lanjo! Cliffhanger.
"...kagandahan." and then she smirked.
Wow naman! Ako? Hindi kagandahan? Hah! Eh ako nga yung prinsesa sa pamilya namin eh at walang araw na hindi ako sinasabihan ng maganda ng mama at papa at kuya ko. Isumbong ko kaya 'to kay kuya ng magkaalaman na. Bwiset 'to! Akala niya din naman maganda siya. Mukha nga siyang clown eh. Ang kapal-kapal ng make-up kasing kapal ng mukha niya. Tsss. =__=
"Sabihan niyo na akong panget pero wala akong paki alam sa Brian niyo at sa mga pictures. What I know is only mine and I won't mind sharing it to you."
Ayan! Pati ako nahahawa na sa kaka-english ni master. May advantage din pala kahit konti yung tukmol na yun eh. Atleast kapag lumalaban ako sa mga fangirls niya, mapapa-english ko na sila. BWAHAHAHA!
Akala niyo kayo lang yung marunong mag-english, sus, eh baka mahigitan ko pa kayo eh. Hahaha! Kapal ko na.
"Excuse me, I need to eat coz I'm hungry." Pagpapatuloy ko sabay irap sa kanya. Losers!
Maglalakad na sana ako palayo kaso biglang hinila nung leader nila yung napakaganda kong buhok! Pakshet! Nooooo! =___=
"May pa excuse excuse me ka nang nalalaman ha? Porke nagdate lang kayo sandali ni Brian my labs."

BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...