[17] *First Heartbeat*

78 3 0
                                    

"So where are we going now, slave?"

Kasalukuyan kaming naglalakad sa seaside. Pagkatapos namin sa timezoned, napagdesisyunan namin na lumabas ng mall at pumunta dito sa seaside para makalanghap ng sariwang simoy ng hangin.

"Secreeeet!" sagot ko sa tanong ni Master.

 

"Hey slave, I'm hungry. Can we eat now? And remember its your treat." paalala sakin ni Brian. Langya talaga.

"Oo na. Kakain na. Basta wag kang umangal sa ipapakain ko sayo huh?"

"Why? Anong ipapakain mo sakin?" at nagtagalog na talaga si Master. Haha. Natatawa talaga ako sa tuwing nagtatagalog siya. Ang slang kasi eh.

"Secreeeet!" sagot ko saka nagbelat.

"Gwen! Are you planning to poison me?" tanong ni Brian na nakakunot ang noo.

"Hala? Hindi oy. Tae ka, hindi ako ganyang tao master."

"Good then. So please, let us now eat."

"Aye aye captain."

Now it's my time to revenge. *evil laugh* Papakainin ko siya ng pagkain na alam kong ayaw na ayaw niya. Halata sa mukha niya na ayaw niya sa mga ganitong pagkain kasi anak mayaman eh. Naiisip niyo na ba ang naiisip ko?

"What the?!"

"Snack is serveeee!" sabi ko sabay tawa ng malakas.

Nandito na kasi kami sa tapad ng tindahan kung saan nagbebenta sila ng kwek-kwek, fishball, and isaw. Ang epic lang ng mukha ni master. Sabi ko na nga ba ayaw niya sa mga ganitong pagkain. Tama ang instincts ko.

"I dont like these foods slave. Take me to a restaurant, not here." pagmamaktol niya.

Umiling ako tsaka ngumisi ng malapad, "Yoko nga. Ano ka, sinuswerte? Sabi mo ako manlilibre so wag ka na mag-inarte. Ako naman ang magbabayad niyan eh."

Kumunot lalo ang noo ni Brian. Pffft!

"Aish! L-let just go to the restaurant. My treat." pag-aangal niya.

"No..no..no! Dito tayo kakain. Wag kang KJ please." sabi ko saka nag puppy eyes. Sana gumana. Sana gumana.

"Argh! This is bulls*it! Fine fine!"

"YES!!" pasigaw kong sabi. Yes, gumana ang puppy eyes ko. Ang kyut ko talaga.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon