[13] *Deal*

118 4 0
                                    

"YOU'RE MY SLAVE, GWEN RIVERA SO WHY THE HECK ARE YOU LAUGHING AND EATING WITH THEM?!"

Eh? o.O

"Clark and Sky, the heck are you doing with her?"

"Master, ang sabi mo sabihin namin kay Gwen kung anong gusto namin kaya eto, eating time." nakangiting sabi ni Sky.

Napahawak si Brian sa kanyang sentido at hinimas-himas. "Urgh!"

"Gwen come with me." sabi ni Brian na diretsong nakatingin sakin.

"Ayoko." diretso kong sabi sa kanya.

"I am your master so you should follow my order." diretso niyang sambit sa'kin.

"Hey, pumayag ba ako na maging alipin mo?"

Napanganga siya ng konti dun at yumuko. Pagkatapos ang ilang minuto, iniangat niya ang ulo niya at tiningnan ako diretso sa mata.

"What I want is what I get!" sabay hablot ng braso ko at sapilitang inilabas ng room nila.

"Ho-hoy! Bitawan mo nga ako!" sabi ko kay Brian. I mean pasigaw na sabi ko sa kanya. Nakakahiya kasi eh! Ang daming taong nakatingin sa aming dalawa. Sikat pa naman si Brian sa buong campus.

Hila-hila parin ako ni Brian hanggang sa napadpad kami sa isang lugar kung saan may maraming puno. Umupo siya dun sa paanan ng pinakamalaking puno at pwinersahan akong pinaupo sa tabi niya. Sa pagkakaalam ko, ang lugar na ito ay tinatawag naming mini forest. Marami daw multo dito sabi nila pero madalas dito daw ang daanan para magcutting at pumunta sa mga mall ek ek.

"Teka lang, bakit tayo nandito?" sabi ko sa kanya.

"Wala lang." aniya

O__O Woah, nagtagalog ulit siya. Sorry naman po kung ganito ako magreact kapag nagtatagalog 'tong mokong na 'to. Eh kasi once in a blue moon lang 'to nagtatagalog.

"Shunga ka ba? May klase pa ako." naiinis kong sabi. Totoo naman kasi, may klase pa ako ngayong 10:00. History subject yun, boring ang klase pero kailangan paring pumasok.

"Just forget about that." sabi niya habang tinatapon ang mga bato dun sa kabilang puno.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sabay sabing, "Pwede mo na bitawan ang braso ko?" napatingin siya sa braso ko saka binitawan ito.

Huminga ako ng malalim. ".....Bakit mo ba ako ginawang alipin Brian Gonzales?" full name yun ha. Kapag kasi sinabi ko na ang full name ng isang tao, seryoso na ako.

"'Cause you owe me." seryoso din niyang sabi.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon