[22] *System Error*

81 3 1
                                    

Pumasok ako sa classroom na pulang-pula ang mukha. Aba! May pa love you love you na siyang nalalaman ah! Anong nakain niya at sinigaw niya yun sa harap ng marami?!

ASDFGJKK!!!!!!!!

"Ayieeeee~ Narinig ko yun Gwenny."

Pagkaupo na pagkaupo ko, yun ang bumungad sa'kin. Great. Just great.

"Huh? Anong sabi mo?" Sabi ko na painosente. Geh, push mo yang kalokohan mo Gwen.

"Sabi ko, narinig ko yung sinabi ng boyprend mo! Aba may babe na, may love you pa! Hihihihihi. Kinikilig ako!!!"

Facepalm.

Kung alam mo lang ang situation ko, Astrid. Kung alam mo lang talaga. Mapapatay ako ni master pag sinabi ko sa iba yung kasunduan namin.

"Ang sweet nga eh."

Yuck! Yuck! Mandiri ka talaga sa sinabi mo Gwen!! SWEET?! SWEET?! Anong sweet dun eh scripted naman yun at sa kanya pa galing?! Walang sweet dun!

"Akala ko ba ayaw mo sa mga gangsters, Gwenny eh bakit ngayon boyfriend mo na ang LEADER nila."

Hate na hate oy! Kung alam mo lang nga talaga Astrid. Diring-diri na ako sa mga pinagsasasabi ko.

"That's life, Astrid."

"Nakanaks, nainlab at nagkaboyfriend lang ng gangster, ini-english na ako. Aba matinde pero sheeet nakakakilig!!" At ayun todo tili na naman ang bruha. Aish!

Gwen, wag kalimutan magtoothbrush mamaya ng ika-isang daang beses huh? Para naman mawala sa bunganga mo lahat ng sinabi mong kadiri-diri. Tae.

"Astor!! Eto oh, C2."

Napatingin ako bigla sa harapan namin kasi bigla na lang itong sumigaw.

"Kevin?!" Gulat kong sabi. Aba! Matagal-tagal na din kaming di nagkita ng isang 'to eh. Nakakamiss ang kapogian.

"Teka, astor?! Sino si Astor?!"

"Gwen, si astor at si Astrid ay iisa. HAHAHAHA. Kyot no? May nickname akong ginawa para kay Astor beybe." Sagot ni Kevin dun sa tanong ko saka kinindatan si Astrid. Naging pokerface bigla yung mukha ni Astrid. Pffft!

"Anyway, ba't nandito ka Kevin?"

"Ahh kasi dito ako na section nabebelong. Pinalipat kasi ako ng section ni principal at hindi ko alam bakit pero atleast meron kayo dito at si Astor beybe, masaya na ako." At ngumiti ng pagkalapad-lapad si Kevin. Yieee~

May namumuong loveteam dito.

"Ikaw Astrid huh? Di mo sinabinsa akin na may hidden desire ka kay Kevin."

Muntik ng mailuwa ni Astrid yung C2 na iniinom niya dahil dun sa sinabi ko. Dahil sa mabait akong kaibigan, tinawanan ko siya. Hahahaha.

"Defensive much."

"Hoy Gwenny, defensive mo mukha mo."

Tiningnan ko yung mukha ni Astor este Astrid at nakuu ampula-pula ng pisngi. Hashtag:Alamnatalagadis!

"Hindi daw tas ang pula ng mukha." Sabat ni Kevin sa usapan namin. Syempre ayun mas lalong pumula yung pisngi ni Astrid. Hahaha. Hindi ko alam kung matatawa ako o kikiligin. Emeghed!

**Cring**

Dahil nagbell na, bumalik na kami sa upuan namin. Mas lalo akong natawa kasi walang tao na nakaupo sa tabi ng upuan ni Astrid kaya ayun doon umupo si Kevin. Hay grabe, bagay na bagay sila. Ang kyot kyot.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon