Pano ko ba sasabihin kay Brian na mahal ko na siya?!
Aba matinde! Bakit ko naman aaminin sa kanya aber? Naku naku talaga! Asa siyang ako yung unang aamin sa kanya no. Dapat yung tanong ko ay ganito...
Mahal din ba ako ni Brian?
*sigh*
Bigla tuloy akong nalungkot. Alam ko naman na fake fake lang 'tong girlfriend-boyfriend ek ek namin eh. Malapit ng mag one month. Isang linggo na lang at matatapos na yung deal namin. Hindi ko na siya boyfriend. Kahit fake yun, counted na yun sakin na first boyfriend ko siya. Atsaka baka kapag di na kami mag bf at gf, baka maputol na rin yung slave-master thingy namin. Haaaay.
Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita. Weeeee. Hindi pala maganda ang una naming pagkikita. Nabunggo ako sa kanya. At galit na galit ako nun sa kanya. Marami ang nangyari gaya nung paglagay niya ng langgam sa bulaklak at ang paglagay ng ink ng pulang ballpen sa upuan ko para magmukha akong natagusan. Haay naku, nakakatawa palang alalahanin yun. Ang shunga ko talaga kahit kailan.
Ng dahil dun, naging close na kami. Para kaming frenemies. Nakilala ko rin ang kagangmates niya na akala ko mga kahambogan lang ang nalalaman sa buhay, yun pala masaya rin sila kasama.
Sila yung tipo ng gang na hindi nanununtok ng walang dahilan. Yung hindi nanununtok dahil trip trip lang. Masaya ako na nakilala ko sila, lalo na si Brian.
Sunday ngayon. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko si mama na naka-ayos. Yung damit niya pangsimba. Ehh? Nakita ko rin si kuya at si papa na nakaupo sa sala na nakasuot din ng pangsimba na damit. Ako lang yung hindi.
"Oh gising ka na pala Gwen. Maligo ka muna at magbihis, pupunta tayong simbahan ngayon.." tas nginitian ako ni mama.
Nginitian ko siya pabalik, "Sige ma.."
Bumalik ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na nga ako. White dress at flats lang yung sinuot ko. I look pleasant nung tumingin ako sa salamin.
Pagdating ko sa baba, ready na silang lahat. Weeew, ako na lang pala yung hinihintay. Hahahahaha.
Nginitian nila akong lahat at nagthumbs up.
"Dalaga na talaga ang princess namin." Sabi ni papa.
Ngumiti lang ako kay papa. Tiningnan ko siya kuya. Ayun, 2 years ang tanda niya sa akin. College na ang mokong. Kahit na makulit at mayabang yan, mahal ko parin yan. Pffft. Sabi nga niya sakin, kung may lalake na daw akong magugustuhan, sabihin ko daw sa kanya. Siya na daw bahala. Hay naku, sige mamaya, magshashare ako tungkol kay Brian.
Inakbayan ako ni kuya, "Para tayong magdyowa nito baby." Tas nagpout siya. Yuck! Hahahaha! Sabi nila, hearthrob daw to sa university nila. Juskoooo.
"Ewww kuya.." tas nag acting ako na parang nandidiri.
"Hahaha. Ikaw talaga baby. Halika na, punta na tayo simbahan. Miss na kita kasama eh."
Tumango ako. Sumakay na kami sa kotse ni papa. Kaming dalawa ni kuya ang nasa likod. Si papa ang nagdadrive tapos si mama naman sa shotgun seat. What an awesome family I have.
******
Pagkatapos naming magsimba ay pumunya kami sa mall. Omg! Family bonding. Dun kami kumain ng lunch. Ako yung pumili ng restaurant na kakainin namin. Love daw nila ako eh.
"Hindi ka parin nagbabago baby. Ang baboy mo parin kumain." Komento ni kuya. Tumawa tuloy sila mama dahil dun. Binelatan ko lang siya at nagsalita, "Walang basagan ng trep kuya." Tas tinuon ko ulet yung pansin ko sa pagkain.
Habang kumakain ako, bigla na lang napunta yung mga mata ko sa entrance door. Nakita kong pumasok si Ate Andrea buntis at si Bentong este Brian!!!!!!
Yung puso ko! Omg! Hindi ko ma explain. Nakita ko lang si Brian para na akong mag-eexplode. Ekk~ sana hindi pumula yung pisngi ko. Nandito pa naman sila mama. Huhuhu, nakakahiya.
Sinubukan kong ituon yung pansin ko sa pagkain peroo kasiiiiii~ si Brian eh. Parang nasa kanya na ako nakafocus. Ba't pa kasi sila dito kumain?!
"Excuse me mama, c.r. muna ako ha?"
"Ah sige Gwen."
Ayun umalis na ako sa table namin. Mabuti na lang nasa counter pa sila Brian at mabuti rin na nakatalikod siya. Hindi niya ako nakita. Pupunta muna akong c.r. Yung feels kooo! I kennot!
Pagkapasok ko sa girls c.r. ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang walang tao sa c.r. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Ehhhh halata sa mukha ko na kinikilig ako. Enebenemenyen!
"Gwen, wag kang pahalata, okay? Baka malaman ni Brian na may gusto ka sa kanya. Baka kapag malaman niya, di ka niya papansinin. Ugh! Basta act normal. Act like the Gwen Rivera he knew."
Naginhale ako at nag exhale ng limang beses. Jusko! Nababaliw ta talaga ako. Kung bakit kasi 'tong si Brian ehhh! Normal na araw lang sana 'to kaso bigla lang naman pumasok sa restaurant na ito.
Inayos ko yung pananamit ko. Huminga ako ulet at ibinuga ito. Keri mo 'to Gwen.
Pagkalabas ko sa girls c.r. ay bigla na lang nanlaki yung dalawang mga mata ko. Paking shet!
Nakita ko lang naman si Brian na nakasandal sa dingding. Nakalagay yung dalawang kamay niya sa bulsa niya at tiningnan ako. At alam mo yung nakakakilig?! Nakangiti siya habang nakatingin sa akin!!! Omfg!!!
"M-master, nandito ka pala." Wag kang ganyan Gwen!!! Act normal!!!
"Yeah.. Tita Andrea want me to join her."
"Ahhh.."
Katahimikan.
Cruuu~ cruuu~
"B-brian, alis nako ha? Baka hinahanap na ako ni mama eh."
Tumango siya. Akmang aalis na sana ako kaso bigla niyang hinatak yung braso ko. Tiningnan ko siya at lumunok. Okaaaay?
"Babe.."
ASFDJFJDNDHXNAVDNX!!!!!!!
"Yep?"
"N-Nothing."
Tas binitawan na niya yung braso ko. Nginitian ko siya at umalis na. Whooo~ muntik na ako dun kanina. Yung puso ko. Di ko macontrol!!!
Bumalik na nga ako sa table namin. Pinagpatuloy ko yung pagkain ko. Nakita ko pa si Brian na dumaan sa table namin. Sheems! Muntik ko ng mailuwa yung pagkain ko buti na lang nacontrol ko pa yung sarili ko at hindi rin nahalata nila mama.
Nung natapos na akong kumain, nakikita ko na hindi parin tapos sila mama. Yung totoo? Ganun na ba ako kababoy? Ang bilis kong kumain grabe hahahaha.
"Andrea? Ikaw na ba yan?"
"Jusme! Georgia? Daaaay, oo ako 'to."
Yung bibig ko bumukas. Magkakilala si mama at si Ate Andrea?!?!?!?!
"Andrea, dito na kayo kumain. May dalawang extra chairs pa oh. Yung isa sa tabi ni Gwen yung isa naman sa akin. Daliiii~"
The next thing I knew, umupo na si Brian sa tabi ko.
Kinindatan niya ako atsaka ngumiti kina mama.
Woaaaaaah!!!!
Ano ng nangyayari dito?!?
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...