[1] *The Start*

388 8 7
                                    

Gwen's POV

"You motherf*cker! How dare you!"

"Tss. Coward."

"Shut the f*ck up! Can't you just shut the f*ck up?"

"Hahahahaha! Bakla!"

At tumakbo na ako papuntang gate ng school. Nagbubugbugan na naman ang dalawang walang kwentang gangsters. Kilala ko 'yung dalawang 'yun. 'Yung isa classmate ko habang 'yung isa, schoolmate ko lang. Grabe sila, aga-aga bugbugan agad? 6:45 a.m. pa kaya. 

Nanggigigil talaga ako sa tuwing nakakakita ako ng mga taong gangsters. Eh sa nakakabwisit sila eh. Puro na lang bugbugan here at bugbugan there. Hindi ba sila napapagod makipagbugbugan. Tssss.

Pumunta muna ako sa tambayan namin ni Astrid. Si Astrid ang aking one and only best of friend. Itinuturing ko na siyang sistaar sa sobrang close namin. Hihi~ Grabe, inuna ko pang pinakilala si Astrid sa inyo. Well, I am Gwen Rivera. 4th year highschool. Sapat na 'yun. Ayaw ko ng ipakilala ang physical appearance ko, baka masabi niyo lang ang salitang PANGET.

And expected nandito nga ang mokong...

"Hai Gwenny! Oh, bakit nakabusangot iyang mukha mo?"

"Gangsters anywhere, pissess me off."

"Nakashabu ka ba? Ikaw lang yata ang kilala ko na hindi sila bet. Ang cool kaya nila tsaka ang gu-gwapo pa. My gosh!"

"Haleeer! Shunga ka ba? Yuck! Yuck!" nandidiri kong sabi. Sinong hindi mandidiri?

"Eh sa type ko sila eh."

"Bahala ka! May pagkain ba diyan? Kain ako."

"PG talaga kahit kailan. Hmph."

Chom. Chom. Chom. Ang charap ng burger at fries na may halong ketchup. Gutom talaga ako eh. Hindi na ako nakapag breakfast kanina kasi nagmamadali ako. Malayo kasi ang bahay namin sa school kaya kailangan kong magmadali. Atsaka dahil sa matagal akong gumising, hindi na ako nakapagbreakfast. Sanay naman din si bestfriend na dito ako kumakain. Napapadalas na kasi. Hihi

Ang speaking of bestfriend, like eowwww!! Yung sinabi niya kanina na type niya ang mga gangsters. Laslasan na! Like G-R-R-R! Hindi ba nag-iisip 'tong bespren ko? May topak ba siya ngayon? Bakit ba halos lahat ng love story ay mapupunta sa falling inlove with gangsters. Tsk. Tsk. Kairita!

"Bes, dahan-dahan lang. Baka pati lamesa makain mo. Pffft~ Hahahahaha!"

"Harhar Astrid." -___-

"Bilisan mo na diyan. Malapit na magbell. Gusto mo ba malate?"

"HINDI."

"Oh edi, bilisan mo na diyan."

"Oo na po madam."

At dahil yokong magalit si madam sa'kin, binilisan ko ng kumain. Para sa ikagaganda ng bayan. Ng bansa. Ng buong bundo. Ng buong universe. Charot. xD

"TAKBOOOOOOO~!"

Eh kasi naman pagkatapos kong kumain as in pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay bigla na lang nagbell. Yokong malate. Pakshet!!! Terror pa naman 'yung first subject teacher namin.

Hingal na hingal kami ni Astrid. Mabuti na lang wala pa si Terror. Kasi kung nagkataon, nako bigti na!

"Whoooo~ Kapagod Gwenny."

"Ikaw lang ba napagod bruha ka!"

"Makabruha 'to! Mas bruha ka! Ikaw 'yung dahilan kung bakit tayo nalate. Boplaks!" at binatukan ako ng panget. Machakit 'yun huh.

Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon