Kita ko ang isang maskuladong lalaki at naka-suot ito ng barong, at sobrang formal niyang tignan! Kita sa mukha nito ang ka-gwapuhan nung kabataan niya pa.
Woah, i can't believe na magiging father ko 'to!
"Alejandro, ang anak natin ay narito na." saad ng ina ni Isabella.
Dali-dali namang lumapit sa akin ang ama ni Isabella at niyakap ako. "Anak ko, saan ka ba nag punta? Pinag alala mo kami."
Kanina pa nila sinasabi 'yan ah! Nasa likod lang naman ng mansion si Isabella! Akala mo naman nakipagtanan na.
"I'm fi─." natigil ako sa pagsasalita nang biglang may naalala ako, hindi nga pala marunong si Isabella mag english! "A-ayos lang....po ako." i calmly said.
Kailangan magalang at mahinhin dapat ako sa panahon na 'to! Naiimagine ko palang na magiging mahinhin ako sa lahat ay nandidiri na ako.
Kinikilabutan na kaagad ako sa sarili ko. "Ano ang iyong naabutan sakaniya, Carla?" seryosong tanong ni ama.
Ewan ko pero nanindig ang balahibo ko sa tono ng boses niya. Mukhang ganoon din ang naramdaman ni Carla.
"Wag na po kayong mag alala....ama." ako na ang sumagot dahil kita ko ang panginginig nito.
"Ayos lang naman ako, nadapa po ata ako kanina kaya nag kasugat ang aking noo." i explained to him.
"Patawad po sa pag iistorbo, ngunit para pong nakalimutan ni Binibining Isabella ang kaniyang pangalan kanina." nakayukong saad ni Carla.
Mas lalo tuloy nag-alala ang mukha ng dalawa! Hays. Ngumiti nalang ako nang matamis dahil baka dito ay maibsan ang pag aalala nila sa akin.
"Ayos lang po talaga ako, kailangan ko lang siguro mag pahinga." ewan ko pero kailangan ko talaga mag pahinga dahil sa dami nang nangyayari sa akin ngayon!
"Carla iha, pakihatid ang aking anak sakaniyang silid." utos ni ina kay Carla, yumuko muna si Carla bago ako alalayan.
Bago kami umalis ay nag salita sila gamit ang english at dahil naintindihan ko 'yon ay nag-taka ako.
"She's tired, hon. Later on, the Hernandez Family will arrive." rinig kong saad ni ina.
Hernandez? Familiar sa akin ang apilyedo na 'yon.
"Yeah, i know she will be happy if she know that her love is gonna be her soon to be husband."
Hindi ko na narinig pa ang pinag uusapan nila dahil ay umakyat na kami sa malaking hagdan, busy ako sa pakikinig sa dalawa kaya hindi ko nalibot ang mansion.
Atsaka sinong 'she' ang tinutukoy nila? Lalong sumakit lang ang ulo at noo ko dahil sa naiisip ko.
"Narito na po tayo, binibini." natauhan lang ako nang mag salita ulit si Carla.
"Maraming salamat." saad ko bago pihitin ang doorknob at pumasok, pag pasok ko ay bumungad sa akin ang malawak na kwarto.
Ang aparador, kama at ang iba pang kagamitan na pang sinauna and i like this room! I really like it actually.
Sobrang natural lang ang pagkaka disenyo, ganito ang gusto kong kwarto. Nakalimutan ko nga palang mag linis ng katawan dahil na rin sa noo kong nag dudugo.
Dumiretso ako sa isa pang pintuan and it's a bathroom! May sarili rin palang bathroom dito sa loob? Ayos naman pala kung ganon.
Tumingin ako sa salamin at doon ko nakita ang totoong itsura ni Isabella. At ang mamasabi ko lang...
She so fvcking gorgeous as hell! Ang sobrang itim na mata niya ang matangos niyang ilong at ang natural at mapula-pula niyang labi.
Damn!
Nandito na ako ngayon sa tapat ng salamin at naka-upo, ginagamot ko ang sugat ko sa noo dahil may med-kit naman dito.
Hindi naman literal na med-kit, siguro pang gamot lang talaga sa sugat ganon.
May nakita akong iba't ibang mga baro't saya sa aparador na malaki at may mga dress dito na sobrang haba para tuloy white lady ako sa mga damit na nandito.
Hindi naman halatang mahilig sa puti si Isabella, hindi talaga. Napatitig ako sa mukha ni Isabella sa salamin at bahagyang napailing.
Parang naging tomboy ako nang ilang minuto dahil sa mukha ni Isabella! Hindi pa ba na fall si Elijah kay Isabella dahil sa kagandahan nito?!
Sabagay, wala naman sa itsura ang basihan sa panahon na 'to kundi ang puso lang.
Pero kung ako lalaki, liligawan ko na 'tong si Isabella at ipagsasaksakan ko ang pagmamahal na gusto niya, punyeta.
Napailing-iling nalang ako at saka ako tumayo na at dumiretso sa malaking bintana at sumilip doon.
I think hapon palang, matutulog na muna ako dahil sa pagod at sakit ng katawan ko!
Umalis na muna ako sa bintana at dumiretso sa higaan KO, oo magiging higaan ko na 'to dahil ako na si Isabella!
Napatitig ako bigla sa kisame nang maalala ko ang pinag usapan ng ama at ina ni Isabella.
Soon to be her husband?
Sino ba 'yung tinutukoy nila? Atsaka asaan kaya si Ate ngayon? Na reincarnate rin kaya siya or tuluyan na siyang kinuha ni satanas?
Mabuti naman kung ganon dahil pag namatay ulit ako, hahanapin ko siya sa impyerno.
At dahil nandito na ako ngayon sa loob na 'to ang mission ko ngayon ay ang lumayo talaga sa mga protagonist! Ayokong makita ang mga characters na nandito.
Hangga't maaari lalayo ako lalo na kay Elijah, jusme pogi pa naman daw ng lalaki na 'yon kahit daw sino ay mafa-fall.
Pwera saakin!
Hinding hindi ako mafa-fall sa lalaking 'yon 'no! I swear! Promise.
Pero what if na-fall kana lang bigla pero indenial ka lang?
Bahagya kong inalog ang ulo ko at tinakpan ang mukha ko.
NO! Hindi 'yon pwede! Dapat si Elijah at Hannah ang magiging end game. Isa lang namang kontrabida si Isabella rito eh.
Kung ako na ngayon si Isabella at wala akong balak makipag habulan sa pagmamahal ni Elijah, sino na ang magiging kontrabida?
Bigla tuloy akong napa-isip. I'm sure na hindi ako gagawa nang kahit anong maling kilos dito na tulad ng kontrabida dahil ako na ang gumagalaw sa katawan ni Isabella.
Sino? Sino na ang magiging antagonist sa kwento na 'to ngayon?
Sa sobrang lalim nang iniisip ko hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako.
***
yrioosterical.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasyIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...