Napahawak ako sa dibdib ko at napakapit sa lamesa dahil sa gulat. “Bakit ka andito?!” sigaw ko kay Renren dahil siya yung nakatayo sa pintuan ng hapag kainan.
“Sa dami na pwedeng maging kamukha ko, bakit sa pwerta pa ng kabayo?” tanong nito.
Palihim naman akong napangiwi at akward na ngumiti sakaniya. “Hehe, peace.” saad ko at inangat ang kamay ko na naka-peace.
Natawa nalang ito. “Mukhang ang saya saya mo, binibini. Nagulat ba kita nang husto?” tanong nito.
“Ay hindi! Hindi talaga. Na shock lang ako.” sarcastic na sagot ko.
Natawa na naman ito. “Pasensiya na, binibining sungit.” inirapan ko lang siya bago pumunta sa pwesto niya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Kanina pa ako nasa labas at tawag nang tawag ngunit walang sumasagot, kaya pumasok na ako.”
Napatango-tango lang ako bago siya lagpasan. Tinignan ko pa ang likod niya kung nandito rin ba si Ej.
“Kung hinahanap mo ang aking kapatid, wala siya dahil naroon siya sa mansyon ng Guivarez.” napasimangot naman ako kaagad.
“Nga pala, nandito ako dahil pinapasundo ka ng iyong ama saaakin.” napalingon naman ako sakaniya.
Lah?! Iniwan ba ako nila ina kaya sila wala rito?! Parang hindi pamilya, sakit.
“Naroon na sila sa mansyon niyo?!” sigaw ko.
“Oo, kaya nga sinusundo na kita para pumunta sa aming mansyon.”
“Hindi pa ako naliligo, Ginoong Ren.” diin ko pa. “Btw, pakikuha yung lalagyan doon, naroon na ang adobo at pakilagay sa kalesa kung saan tayo sasakay.” muli kong saad habang papunta na sa hagdan.
“Binibini, hindi ako katulong.” saad nito, napatigil naman ako kaagad.
Hala omg! Bakit ko ba siya inuutusan? Kakahiya! “P-pataw─.”
“Kukuhain ko na.” putol nito sa sasabihin ko.
“Hehe, salamat.” nahihiya kong sabi. “Pakihintay nalang ako sa labas, saglit lang ako.”
“Masusunod, Donya.” napangiwi ako dahil sa sinabi niya, rinig ko na naman ang mahihina niyang tawa kaya inis akong tumalikod.
Nakarating ako sa kwarto at kaagad na pumasok sa banyo at nagsimula ng linisin ang katawan.
"Nandon siya sa mansyon ng Guivarez."
"Nandon siya sa mansyon ng Guivarez."
"Nandon siya sa mansyon ng Guivarez."
Pake ko ba kung naroon siya sa mansyon ng Guivarez kung saan nakatira si Hannah?!
Medyo nag tampo ako sakanila ina, iniwan ba naman ako?! Siguro ampon lang si Isabella dito eh kaya ganiyan sila sa akin.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasyIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...