KABANATA 5

12.4K 434 2
                                    

“Binibining Isabella.” napa-ungol ako dahil sa gumigising sa akin.





“Binibini, kayo po ay gumising at mag bihis dahil may bisita sa baba.”





Bwesit na bwisita ‘yan!





“Binibi─.”





“Oo na! Babangon na!” medyo irita kong sagot, napatingin ako sa gumigising at si Carla pala ‘yon.





“Paumanhin at ginising ko kayo, ngunit pinapagising po kayo ng inyong ina.” bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa bintana.





Gabi na pala? Gabi na pero may bumisita pa?! Hindi ba sakanila uso ang bumisita ng maaga?!





Banas akong tumayo at dumiretso sa aparador at kaagad na binuksan ‘yon. Kinuha ko ‘yung all white na baro‘t saya at pumasok sa nakatayong pangharang.





Doon ako nag bihis, medyo hindi ko naabot yung likuran na zipper kaya lumabas ako at pumunta sa salaminan.





“Carla, pwede bang isarado mo ang nasa likuran ko.”





“Opo, binibini.” kita ko ang saya sa mukha nito na ikinataka ko.





“Bakit parang masaya ka ata?” nagtatakang tanong ko.





“Masaya lang po talaga ako sa inyo.” mas lalo tuloy akong na curious sa sinabi niya.





Masaya siya dahil sa akin? Huh?




Nag tataka man ay umupo ako sa tapat ng salamin at saka ko inayos ang aking buhok.





“Bakit ka naman masaya para sa akin?” i curiosity asked.





“Ano ka ba naman binibini! Parang hindi niyo alam, tuwang tuwa ka nga po nang malaman ‘yon.”





Tang─





Kailan ba niya sasabihin sa akin? Para siyang baliw, mas masaya pa siya kesa sa akin eh.





“Ang mga Hernandez po ay nasa hapagkainan na, pag uusapan daw ang tungkol sa kasal.”





Kasal? Sinong ikakasal?





“Kasal? Sino ang ikakasal? At sino ang mga Hernan─.” natigil ang sasabihin ko nang may naalala ako.





Hernandez? Is that Elijah‘s family?!





Anong ginagawa nila rito?! At ano yung kasal?!





Hindi kaya...





“Hindi niyo po ba natatandaan binibini?” napatingin ako sakaniya.





Hindi! Sana mali ang iniisip ko.





“Pag uusapan ang kasal niyong dalawa ni Ginoong Joaquin diba po ayon ang kagustuhan niyo?”




‘Pag uusapan ang kasal niyong dalawa ni Ginoong Joaquin’




‘Pag uusapan ang kasal niyong dalawa ni Ginoong Joaquin’




‘Pag uusapan ang kasal niyong dalawa ni Ginoong Joaquin










Nag paulit-ulit ‘yon sa utak ko na parang sirang plaka, parang tumigil din ang utak ko sa pag iisip dahil sa sinabi niya.







Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now