Nag simula na ang pag bigay bati at nagkakaroon na ng mga sayawan sa gitna at tugtugan, nag kakatuwaan ang lahat sa gitna kaya napangiti nalang ako.
Sana walang gulong mangyari, wag muna ngayon dahil ito ang pyesta at kasiyahan ng mga tao ngayon. Wag sana ngayon.
Natigilan ako ng may biglang lumitaw na kamay sa harapan ko. “Maaari ba kitang maisayaw?” napaangat ang tingin ko at bumungad sa akin si Ej.
Napangiti ako bago tanggapin ang kamay niya kaya itinayo niya ako at saka kami nag lakad palapit sa unahan. Hinawakan nito ang kamay kong isa at ang isa ko namang kamay ay nasa balikat niya, patuloy lang sa pag tugtog ang mga mantutugtog ng smooth na sapat lang sa pag sayaw ng mahinhin.
Napatitig ako sa mukha ni Ej, hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko huling araw ko na lang makikita ang mukha na 'yan? Bakit napakabigat ng pakiramdam ko?
“Ayos ka lang ba?” tanong nito.
Natauhan naman ako kaagad bago tingnan ulit siya at ngumiti. “Ayos lang ako.”
“Parang kanina ko pa napapansin na napakatahimik mo.” nginitian ko lang siya.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito, naiinis ako kasi never ko pa naramdaman ang ganitong kaba at parang takot sa puso ko.
Ilang linggo o isang buwan nang nanliligaw sa akin si Ej and i admit that i have a feelings to him, mahal ko na rin ang taong na sa harapan ko at sinasayaw ako. Nakakatawa lang sa part na unang pasok ko pa lang sa katawan ni Isabella ay halos isumpa ko pa na hindi ako magkakagusto sakaniya.
Pero kinain ko lang din ang mga salitang binitawan ko, hindi ko aakalain na dati na ayokong malapit sa mga characters na narito, pero eto ako ngayon lahat sila ay halos kaibigan ko na.
I'm happy that they treated me like a real family, friend and lover. Even this is fiction or just a novel. But the feelings and love that i felt is real.
Ang sakit lang isipin na lahat nang na sa paligid ko ay gawa lamang ng kathang isip. Sobrang sakit... kung lahat nang ito ay kathang isip lang, bakit?
Bakit ang sakit? Bakit nararamdaman ko 'to ngayon na parang mawawala silang lahat sa akin? Bakit ganito? Eto ba yung mabigat na nararamdaman ko mula pa kanina?
Pero bakit? Why i feel that i will leave and come back to my real body?
Muli akong natauhan ng may humawak sa pisnge ko at hinagod 'yon. Napatingin ako kay Ej, at kita sa mga mata niya ang pag aalala. “Umiiyak ka.” mahina nitong saad.
Napahawak ako sa pisnge ko at may nahawakan na basa ron. Umiiyak nga ako... Hindi ko man lang napansin 'yon, umiyak pa ako sa harap ni Ej.
“Hindi na ako naniniwalang ayos ka lang.” saad nito.
Muli na naman akong napatitig sa mga mata niya. “Narito lang ako kung kailangan mo nang masasandalan, handa akong makinig.” mas lalong namuo ang luha sa mga mata ko.
“H-hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon Ej.” i said to him. “Sobrang bigat niya.” dugtong ko, isinandal ko ang noo ko sa dibdib niya, hindi naman siya umangal don.
“Ano ang ibig mong sabihin?” ramdam ko ang curiosity niya base sa boses niya.
“Hindi ko maipaliwanag, basta mabigat.” saad ko.
Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko nang sumandal ako kay Ej, i feel like i'm safe with him. Ganito siguro pag may trust ka sa isang tao, medyo nabawasan ang pangamba sa dibdib ko, as long as na narito si Ej.
He's my comfort zone and my home also.
Inangat ko ang tingin ko sakaniya. “Ej.” tawag ko rito.
Nag baba naman ito ng tingin sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi titigan ang maiitim niyang mata na parang hinihigop ako palagi.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantastikIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...