Nandito na ako sa kwarto ko at ngayon ay na sa banyo para linisin ang dagger ko na may bahid ng dugo ni Antonio na binyagan tuloy ng wala sa oras ang baby dagger ko, psh.
Hindi ko sila nagawang patayin dahil na rin na sumusunod lang naman sila sa utos ng nakakataas sakanila, medyo naawa naman ako kaya wag muna.
Saka nalang pag trinaydor nila ako. Nasakit ang ulo ko dahil don, buti nalang talaga at nahuli ko sila paano nalang kaya kung hindi ko nahuli.
Ano kaya ang mangyayari sa ama ko?
Kahit naman ganon ay napamahal na rin ako sa Pamilyang Montenegro kahit hindi naman ako ang totoong anak nila.
Iniisip ko pa nga kung aalis pa ba ako o hindi na? Gusto kong bumalik sa totoo kong katawan na parang ayaw ko.
Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, sa dami nang nangyayari ngayon ay saka ko nalang iisipin 'yon.
Basta ang importante kung babalik man ako sa totoo kong katawan ay yon yung ayos na ang lahat, wala nang gulong magaganap dito saka lang ako aalis.
Hindi ko sila maaaring iwan kung may nangyayari pang gulo rito.
Hindi ko na rin malaman kung nasaan na ang matandang Ale na 'yon, pero mukhang hindi na niya kailangan pang sabihin dahil mukhang alam ko na kung sino ang papatay sa akin.
Parang si Hannah... O baka naman hindi?
Napailing nalang ako dahil mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa isiping 'yon.
Hindi ko rin alam kung ano ang naging atraso ni Don Alejandro sa Pamilyang Soriano, pero mukhang wala naman.
Wala nga ba?
O baka naman gusto lang talaga ng pamilyang Soriano ang mandamay? At sa ama ko pa talaga?
Kapal ng apog!
Isabella is the Villainess at si Philip ang Villain, ang pinag kaibihan lang si Isabella ay pang whole story talaga ang pagka villain niya.
Si Philip naman ay extra lang, lumabas lang siya nung may nakawan na nga tulad non, nakulong din naman sila pero saglit lang at tuluyan na ngang hindi nag pakita ang Soriano.
Ang alam ko puntirya ng Soriano ang Guivarez pero bakit napunta sa Montenegro? Ano 'yon, trip trip lang ng Soriano?
Angas naman ng trip nila kung ganon.
Napailing iling nalang ang ulo ko bago lumabas ng banyo at dumiretso sa isang aparador at kumuha ng tela para ipang punas ko sa dagger.
Pag katapos non ay inangat ko ang saya ko at kaagad na nilagay don ang dagger, in case of emergency lang gagamitin 'yan.
Malay ko bang bigla nalang may sumugod dito diba, dapat palagi tayong handa sa ano mang oras. Parang girls scout.
Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba para pumunta sa hapagkainan, nang makarating ako ron ay naroon na rin sila ina.
"Oh anak, saan ka ba nag punta?" salubong kaagad sa akin ni ina.
"Sa likod ng mansyon lang po, ina. Nag papahangin po ako ron." saad ko.
"O sige, umupo kana dahil tayo ay manananghalian na." napatango nalang ako bago umupo.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantastikIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...