KABANATA 43

8.2K 288 2
                                    

Ilang minuto pa ay katahimikan ang namutawi sa amin, walang nag iimikan sa aming dalawa, medyo nailang na rin ako.




“Pero sana ay mag kaibigan pa rin tayo.” biglang saad niya kaya ngumiti ako at tumango.




“Oo naman, mag kaibigan pa rin tayo kahit ano ang mangyari.”




Nag usap lang kami nang ilang minuto pa bago siya tumayo kaya napatingala ako. “Uuwi na ako, binibini.” saad nito.




Inalok nito ang kamay niya sa akin kaya walang pag aalinlangan ko itong tinanggap para makatayo.




Pinagpagan ko pa ang saya ko bago tumingin sakaniya. “Halika at ihahatid na kita sa labas.” saad ko.




Tumango naman siya. “Mag papaalam muna ako sakanila Don Alejandro at Donya Ilaura.” tango lang ang iginanti ko.




Nag simula na kaming mag lakad pabalik sa mansyon, nang nasa tapat na kami ng pintuan, siya nalang ang pumasok at hinintay ko nalang siya sa labas ng pinto.




Maya-maya pa ay lumabas na rin siya. Inihatid ko lang siya sa gate ng Montenegro.




“Paalam, Binibining Isabella. Magkita nalang tayo sa sabado.”




“Paalam din, kitakits nalang!” saad ko sabay kaway sakaniya.




Nangunot ang noo niya. “Kitakits?”




Ay shit, bakit ko ba nakalimutan na nasa sinaunang panahon ako?




“Hehe, kitakits? Mag kita-kita nalang, ganon.” akward na sagot ko.




Napangiti nalang ‘to bago iiling-iling na kumaway rin sa akin at tuluyan nang sumakay sa kalesa niya.




Nang mawala na ang kalesa kung saan siya nakasakay ay don lang ako pumasok sa mansyon.




Naalala ko na may gagawin pa pala ako, hahasain ko ang dagger na napanalunan ko. Dumiretso ako sa taas at pumunta sa kwarto ko.




Sumampa ako sa kama at kaagad na itinaas ang unan para kunin ang dagger na itinago ko, nang makuha ko na ito ay saka ako bumaba at muling lumabas.




Itinago ko ang dagger sa bulsa ng saya ko pero hindi ito masyadong halata kaya okay lang.




Nang tuluyan na akong makababa akmang lalabas na ako nang tawagin ako ni ina. “Anak, saan ang iyong punta?”




“Sa likod ng mansyon, ina.” i said before turning my gaze to her.




“Mamaya kana pumunta ron, halika muna at kumain.” hindi na ako tumanggi at sabay kaming pumunta ni ina sa hapagkainan.




Nakita ko ron si ama na parang ang lalim nang iniisip. “Mahal? Ayos ka lang ba? Wag mo nang alalahanin iyon.”




Nangunot ang noo ko at nag taka sa sinabi ni ina, ano yung dapat alalahanin ni ama?




“Bakit ama? May problema ba kayo?” kunot noong tanong ko. “Ang sabi sa akin ni Carla kagabi ay umalis daw kayo, saan po kayo nag punta?”




Nag katinginan naman ang dalawa. “Sa trabaho anak.” mahinang saad nito. “May nangyaring nakawan sa pera.”




Nakawan sa pera?




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now