KABANATA 63

6.9K 249 3
                                    

Sabay kaming napalingon ni Carla sa likuran namin nang may magsalita. Nangunot ang noo ko at kaagad ding natigilan nang makilala kung sino yung nagsalita.

"Samuel?" taka at gulat kong usal.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita, hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang buwan. Ang akala ko ay bumalik na siya sa ibang bansa pero nandito pa pala, baka naman may pinagkakaabalahan?

"Ngayon na lamang kita nakita." saad ko rito.

Ngumiti ito at naglakad palapit saamin. "May ginawa ako nitong mga nakaraang araw. Pag pasensyahan mo at hindi ako nakadalaw sa inyong tahanan." kinuha nito ang kamay ko at saka hinalikan ang likod ng kamay ko.

Tumayo ito at tumingin kay Carla para yumuko at magbigay din ng respeto sakaniya, mukhang nahiya si Carla sa ginawa ni Samuel.

"Saan ang inyong punta?" tanong muli ni Samuel nang matapos siyang mag bigay galang saamin bilang isang maginoong lalake, palihim naman akong napangiwi dahil sa galawan ng mga kalalakihan rito.

"Doon kami pupunta." sabay turo ko sa mga nagkukumpulang tao na sinundan naman ni Samuel. "Mukha kasing may paligsahang nagaganap roon kaya gusto naming manood ni Carla." patuloy ko.

"Kung maaari ay pwede ko ba kayong samahan?" anyaya nito saamin.

Napatingin ako kay Carla bago bumuntong hininga, girls out nga lang 'to tapos sasama pa siya. Sabagay wala namang masama na sumama siya.

"Maaari naman." pag payag ko na ikinangiti nito lalo.

Ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba kay Samuel na hindi ko maipaliwanag, parang bigla siyang nag iba? o baka naman nag ha-hallucinate lang ako.

Sabay kaming naglakad papunta sa mga tao, napapaisip pa rin ako dahil bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan, feeling ko kasi ay may mangyayaring hindi na naman maganda mamaya.

Sobrang sama ng kutob ko ngayon, kakaiba ang kaba sa dibdib ko. Nag sisimula na rin akong hindi mapakali at panay linga sa paligid.

"Binibining Isabella." napahawak pa ako sa dibdib ng biglang hawakan ako ni Carla. Napatingin ako sa dalawang tao na parehas nakatingin saakin.

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong saakin ni Samuel.

Humugot ako nang malalim na pag hinga at kaagad na iniling ang ulo ko. "Wala ito, 'wag niyo 'kong intindihin." saad ko.

Ayoko munang isipin ang kaba sa dibdib ko dahil pagsasaya ang ipinunta namin rito dahil nga ay pyesta. Baka masiyado lang akong nag ooverthink sa mga iniisip ko kaya nagkakaganito ako.

"Sigurado po ba kayo binibini? maaari naman na tayong umuwi." saad ni Carla na halatang nag aalala saakin.

Muli ko na namang nginitian si Carla at tinapiktapik ang balikat niya. "Sigurado ako." pagpapahayag ko rito.

"Ngunit mukha kang balisa." singit ni Samuel.

Tinitigan ko siya sa mata at doon kami nag usap, mukhang nagets niya ang punto ko na ok na ako. Tumango na lamang ito at nginitian ako.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad dahil nga natigil ito dahil sa pag ooverthink ko. Winaksi ko na lang ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko naman maintindihan kung bakit ako kinakabahan.

Nag pakawala na naman ako nang malalim na buntong hininga at napatingin sa harapan kung saan may mga manlalaro ang nag papaligsahan sa gitna.

Nilibot ko ang paningin ko at napatigil iyon sa mga taong namumukaan ko. "Sila Ej." saad ko.

Mukhang narinig nang dalawang katabi ko yung sinabi ko kaya napatingin din sila sa direksyon na tinitingnan ko. "Sila Ginoong Elijah pala iyon." saad ni Carla.

Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now