Hapon na at nag hahanda na ako para sa gaganaping Welcome Party kuno ni Samuel. Ngayon oras na ‘yon kaya medyo kinakabahan ako na hindi.
Saka ko lang na realize kagabi na nag s-spanish pala si Ej! Kingina akala ko gusto niya ng choco mucho eh.
At kagabi pa ako nag ooverthink kung ano ba ang sinasabi niya dahil hindi ko naman naintindihan dahil wala naman akong alam sa salitang español!
Dapat pala nag aral ako nung future-life ko eh para naman makapag handa ako kaso hindi ko alam na mapapaaga pala ang pag kamatay ko!
Bakit kasi walang wi-fi at cellphone rito nang masearch ko ang ibig sabihin non!
Lakas din ni Ej mag español porket di ‘ko naiintindihan!
Tanungin ko nalang kaya mamaya?
Napangiti nalang ako sa isiping iyon habang pinag mamasdan ang sarili ko sa salamin.
Napakaganda ko talaga.
Habang inaadore ko ang sarili ko sa salamin ay biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako roon kahit hindi naalis ang tingin ko sa salamin.
“Binibining Isabella, kayo po ay aalis na.” magalang na saad ni Carla, muli na.naman bumalik ang tingin ko sa salamin.
Eto na ‘yon! Sana walang mangyaring masama sa party na ‘yon lalo na‘t makikita ko na ang mga characters na kinaka stress ng buhok ko, mygod!
I enhaled and exhaled bago humarap na kay Carla na nakatingin sa akin. “Napakaganda niyo po, binibini.” manghang saad nito.
“Matagal ko nang alam ‘yon.” mahangin na saad ko.
Natawa naman si Carla. “Nakaka mangha ka talaga, binibini. Tuluyan ka na nga talagang nag bago.” nakangiti nitong ani.
Napangiti nalang din ako dahil nakakahawa yung mga magaganda niyang ngiti ‘no!
Sabay kaming bumaba ni Carla at naabutan ko sila ina at ama na nag uusap nang tuluyan na akong bumaba.
Napunta ang tingin nila sa akin. “Napakaganda talaga ng anak ko, mana sa akin.” saad ni Donya Ilaura na ikinangiti ko.
I know right, mother.
“Syempre, kanino pa ba ‘yan mag mamana? Dugong Montenegro ‘yan eh.”
Ako lang ‘to pader at mader, wag kayong ganiyan! It‘s me, Isabelle the pretty charot!
Nag akto akong nahihiya. “Syempre po may pinag manahan talaga ako.” saad ko.
Natawa naman si ina bago kami inaya ni ama na sumakay na sa kalesa na sinunod naman kaagad namin.
Nang makasakay na kami ay saka lang umandar ito kaya muli na naman akong tumingin sa labas.
Mukhang nakakasanayan ko ng sumakay sa kalesa at palaging tumingin sa labas ng bintana! Feeling ko tuloy nakalimutan ko nang mag maneho ng kotse o kaya motor.
Dapat may mga transportasyon dito para sagasaan ko nalang si Hannah! Speaking of Hannah... Pupunta kaya siya?
Of course, pupunta talaga ‘yon want non ng attention eh, edi pag bigyan.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasiIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...