Lumapit ako kay Ej at bahagyang bumulong sa tenga niya, nakaharap ang mukha ko kay Hannah na sobrang sama na nang tingin sa akin.
“You‘re mine.” mahinang bulong ko sa tenga ni Ej at tumingin kay Hannah bago ngumiti sakaniya.
Namumula na ang buong mukha nito kahit malayo siya sa amin, lumayo na ako kay Ej at tumingin sakaniya.
Gusto kong humalakhak dahil ang loko, nakatulala lang habang yung tenga niya ay namumula.
Wala sa sariling napahawak siya sa tenga niyang namumula, shock na shock ka boy?! Sorry my false hehehe.
Umalis ako sa harap niya at pumunta sa tabi ng mga kasama namin, napalingon sa akin si Ren.
“Napakasaya pala nito.”
“Masaya talaga ito.” saad ko.
“Nakaranas kana rin ba nito?” biglang tanong ni Miguel.
Medyo tumango ako. “Oo, masaya makisalamuha sa mga taong ‘to.”
“Dapat dati mo na kami niyaya.” inirapan ko naman si Raf.
“As if namang pinapansin niyo ‘ko noon.” true kong saad.
Hindi naman talaga pinapansin si Isabella, binabati lang nila pero hindi nila kinakausap nang matagal.
Napatahimik sila dahil sa sinabi ko. Rinig ko ang buntong hininga ni Ren bago tumingin sa gilid niya kung saan naroon si Ej na tulala pa rin!
“Kapatid, ayos ka lang ba? Namumula ka?” doon na natauhan si Ej at tumingin kay Ren at tumingin din siya sa gawi ko, umiwas siya sa akin nung mag tama ang tingin namin.
“Ayos lang ako, wag ka nang mag-alala.” palihim akong napangisi.
“Hindi pa ba tayo uuwi? I‘m tired.” bumasag sa kwentuhan namin ang isang mahinhin na boses or should i say NAG HIHINHINAN.
Sabay-sabay kaming napalingon at don na namin nakita si Hannah, nyay! Wala na may epal na, ‘di na tuloy masaya.
Ngumiti ako. “Oo, pagabi na. Baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin.” saad ko. “Sa susunod nalang ulit.” dugtong ko pa.
Pumayag naman sila, nag kanya-kanya ang sakay namin sa mga kalesa. “Paalam, binibining Isabella.” saad nung dalawang babae.
Nag paalam na rin ako sakanila at napadako ang tingin ko kay Ej na walang imik pa rin.
Ngumiti ako sakaniya dahil nakatingin din siya sa akin. “Paalam, Ej.”
Napakurap-kurap pa ito. “P-paalam, Binibining Ysa.”
Gusto kong humalakhak talaga sa reaksyon niya, hays! Kita ko ang pag lipat lipat nang tingin ng mga kasama namin.
“E-ej at Ysa?” ngumisi ako sa isip ko at lumingon kay Hannah.
Nginitian ko siya nang malapad. “Nakakatuwa nga at binigyan niya ako ng pangalan na siya lang dapat ang tatawag sa akin!” magiliw na saad ko.
Hindi ko pinahalatang inaasar ko siya. “A-ano? A-akala ko ba...” napatigil siya sa pag salita, bumuka rin ang bibig niya na may gusto pa siyang sabihin.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasyIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...