Gago! Laitero talaga oh! Walang tabas ang bunganga. Literal na straight to the point ang animal! Wala bang hinto hinto muna at pag isipan muna ang sasabihin Ej?
Napangiwi kaagad ako sa sinabi niya. “Hindi, alam kong bagay ‘to sa kamay naming dalawa.” tutol ko.
“Hindi nag susuot nang ganiyan si Oliver.” kontra niya ulit.
Alam ko naman ‘yon! Sinabi rin iyon sa story nung nasa kasalukuyan pa ako, pero malay mo tanggapin niya diba.
Ano bang pinaglalaban nitong si Ej?! Halatang tutol na tutol.
“Malay mo, tanggapin niya.” nakangiti kong sabi, sinuot ko sa kaliwang kamay ko ang bracelet dahil nasa kanan ang ibinigay sa akin ni Ej.
Nang maisuot ko na saka ko ito inalayo at tinitigan. Napakaganda! “Kukunin ko ‘to!” magiliw na saad ko bago dali daling pumunta sa Ale.
Inilapag ko lahat nang napili ko, ang dalawang kwintas na ibon at yung dalawang tali plus yung dalawang bracelet!
“Eto na po ang napili ko.” saad ko sabay tulak sa mga pinili ko.
Ngumiti naman ang Ale bago ibalot ang mga binili ko, nakita kong inilapag din ni Ej ang binili niyang ipit.
Napasimangot ako, wala na! Sakaniya niya talaga ibibigay ‘yon, dapat pala talaga kinuha ko na ‘yon!
Ibinigay na sa akin ng Ale ang binili ko at binayaran ko naman ito kaagad, nakita ko ring ganon ang ginawa ni Ej.
Sabay kaming lumabas sa store na ‘yon, excited na tuloy akong ibigay sa dalawang mag kapatid ang binili kong regalo para sakanila.
Yung kwintas kay Ej at kay Renren naman yung bracelet. Kinuha ko ang kwintas sa plastic at kaagad na sinuot ito sa leeg ko. Ganon din ang ginawa ko sa bracelet.
“Nasaan si Ren?” tanong ko sa kabila nang pananahimik niya.
“Nasa mansyon.” sagot niya.
“Ahh.” walang ma-topic amp. Malapit na kami sa kalesa mukhang hinatid niya ako.
“Dito nalang ako.” saad ko at humarap sakaniya. Tumingin siya sa likod ko bago tumingin sa akin.
"May dumi ang buhok mo, binibini." akmang hahawakan ko na ang buhok ko nang bigla siyang lumapit sa akin.
Parang pinagpagan niya yung buhok pero parang may naramdaman din akong may inilagay siya, pero baka guni-guni ko lang iyon.
Ngumiti siya bago bumaba ang tingin saakin. “Wala na.”
“A-ah, salamat.” ilang na saad ko.
“Walang anuman.” ngumiti ito sa akin. “Mauuna na ako.” akmang tatalikod na siya nang pigilan ko siya.
Pasimple kong kinuha yung kwintas. “Teka lang sandali.” nag tataka naman itong lumingon sa akin.
“May dumi rin sa leeg mo” saad ko bago dagliang lumapit sakaniya at kunwaring pinagpagan.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasíaIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...