KABANATA 20

9.7K 336 20
                                    

Nakarating kami sa mansyon nila at pababa kami ngayon sa kalesa samantalang ako ay nakasimangot lang.





Tawa naman nang tawa ang bwesit na si Ren!





Makasalanan daw yung bibig ko.




Sakit mo sa apdo, Ren.





“Anak ko, buti at nakarating ka.” bumungad sa akin si ina at inambahan ako ng yakap.





“Bakit niyo naman po ako iniwan?” nakasimangot kong saad.




Uy may tampo ako sakanila, iniwan ba naman ako.





Ganiyan naman lahat, iniiwan din ako bandang huli.





“Pasensya kana anak, masiyado maganda ang iyong tulog at hindi ka na namin ginising.” mas lalo akong napasimangot sa naging dahilan niya.





Pwede niyo naman po akong gisingin!”





Natawa naman ito. “Narito kana rin naman na, anak.” bumuntong hininga nalang ako.





Hindi nila ako mahal.... Hindi talaga! Ang sakit sakit.





“Narito na pala ang hinihintay natin.” pumunta sa harap ko si Donya Elena at kaagad na nakipag-beso beso sa akin at sabay yakap.





Inabot ko naman ang adobong niluto ko na kinuha ko roon sa kalesa. “Don at Donya Hernandez, eto po ang aming amba─ este ang regalo. Ang Adobo de Montenegro.” nakangiti ko pang saad.





Ipatikim niyo kay Ej para mainlove saakin, charot!





Buo na desisyon ko, i will use Ej para galitin ang magaling kong kapatid, try natin ang magiging reaksiyon niya pag inagaw ko si Ej mula sakaniya.





Kung anong inagaw mo mula sa akin, ganon din ang gagawin ko sa ‘yo.





“Ikaw ba ang nagluto nito, hija?” tanong sa akin ni Don Alexander.





“Opo, masisigurado kong pag natikman niyo ang luto ko ay hinding-hindi niyo na malilimutan pa.” taas noo ko pang sabi na ikinatawa nilang lahat.





Pag tawanan ba naman ako?! Totoo naman ‘yon eh, hindi naman ako clown.





“Pag ba natikman ko ‘yan, malilimutan ko ang sakit nang nakaraan?” palihim akong napa irap sa sinabi ni Ren.





Loh?! Humugot ba siya?





“Oo, pati pangalan mo malilimutan mo. May halong pagmamahal ‘yan habang nagluluto ako.” confident na saad ko.





Hinaluan ko pa ng sayaw ‘yan. “Oo nga, binibini. Umiindak ka pa nga eh.” nanlaki ang mata ko at tinignan si Ren na nakangiti pero halatang nag pipigil ng tawa!





Nakarinig ako ng tawanan mula sa apat na matatanda. Geh lang, pagtawanan niyo lang ako. Diyan naman kayo magaling eh.





“Tara na at pumasok, mag gagabi na.” yaya sa amin ni Don Alexander.





Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now