KABANATA 54

7.8K 305 25
                                    

Nandito ako sa sala ng mansyon, nag babasa nang kung ano ang pwedeng mabasa, wala sila ina dahil may pupuntahan sila kaya ako nalang ang mag isa sa mansyon.




Hindi ko nga alam kung saan sila pupunta basta ang sabi ay aalis lang sila kaya ngayon ay solong-solo ko ang mansyon na ikinatuwa ko!




Busy ako sa pag babasa habang sumisimsim ng kape, oh diba donyang-donya ako rito.




“Binibini.” napaangat ang tingin ko at bumungad sa akin si carla. “Isang sulat na galing kay Ginoong Joaquin.” saad niya sabay bigay sa akin ng sobre.




Ang bilis naman niya?! Parang kanina lang ako nag padala ah?




Binuksan ko ang sobre at binasa iyon, medyo natawa ako na medyo nairita na medyo ring kinilig.





Binibining Ysa...

Huwag kang mag alala dahil kahit anong mangyari ay sasaluhin kita sa tuwing mahuhulog ka, kaya sana pag ako ang nahulog, ako naman ang saluhin mo... Pero ano ba ang mwa mwa tsup tsup? Dibale na ang importante, mahal kita.


Nagmamahal...

EJ.




Mahal kita.

Mahal kita.

Mahal kita.





Napakurap kurap nalang ako sa nabasa, bakit ang lakas ng loob niyang sabihin ‘yan?!




Palihim akong napakagat sa labi, bakit ba ako nakakaramdam ng kilig?! Wahh don‘t tell me...




Gusto ko na rin siya?!!!




Ay dibale na rin, ikaka-crushback ko nalang siya, napangiti nalang ako sa isiping iyon.




Enebe ehe!




Bigla akong natigilan at agad na hinampas ang ulo ko gamit ang dalawang kamay bago ginulo ang buhok.




Wahh! Bakit ganon ako mag isip?! Naiinis ako kay Ej! Hindi ‘to pwede!




“B-binibini.” nag aalalang saad ni Carla.




“Don‘t mind me─ este wag mo ‘kong alalahanin.” saad ko sakaniya.




Napatitig nalang ako sa kawalan at hindi pa rin talaga pumo-proseso ang nangyayari sa akin.




Masiyado na ba akong indenial sa nararamdaman ko?




Gusto ko na ba talaga siya?




Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang sarili... Napalunok nalang ako dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.




Gustong tumutol ng utak ko sa nangyayari sa akin pero hindi naman ganon ang pinaparamdam ng puso ko!




Ughhh! I hate this!




Hindi dapat ‘to nangyayari! Ayoko na sa flow ng story! Tuluyan na nga talaga siyang nag bago nang dahil sa akin.




Tiniklop ko ulit ang papel at binalik ito sa sobre bago ibigay kay Carla na ipinahihiwatig na ilagay sa kwarto ko.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now