“Huh?” lutang na usal ko at parang hindi nag sink-in kaagad, teka teka!
Nabingi ata ako eh, mali yata pag kakaintindi ko, kailangan ko na sigurong mag patutule eh.
Like me?!
ME??!!!!
Nang eechos si Ej, uy! Nag bibiro lang ‘yan! I swear! Lakas pa naman mag biro kaya wag kang maniniwala self, wag kang mag papaniwala sa sinasabi ng lokong ‘yon.
Rinig ko ang pagtawa niya sa gilid ko, kitams! Tumawa siya it means nag bibiro lang siya! Parang nakahinga naman ako nang maluwag don.
Pero kailangan pa rin nating kumpirmahin baka namali lang ako ng dinig. “Anong a-ako?” kunot noong tanong ko.
Muli lang siyang tumawa, ano bang nakakatawa?! Nang gagago ata ‘to eh! Napaangat ang tingin ko sakaniya nang bigla siyang tumayo.
Nag taka naman ang tingin ko. “T-teka saan ka pupunta?” i asked.
“Uuwi na ako.” nakangiti nitong ani bago ilahad ang kamay sa akin, tinanggap ko na ‘yon at tumayo.
Bahagya ko pang pinag pagan ang saya ko. Hindi pa niya sinasagot ang tanong ko! Walang hiya!
Nag simula na kaming mag lakad, ako ay tahimik lang, hindi niya sinagot ang tanong ko! Bakit?! Umamin ba siya sa akin?! Jusko mahabagin!
Bawal siyang magkagusto sa akin! Dapat sa ibang babae nalang, wag lang kay Hannah!
Babalik pa ako sa totoo kong katawan...
Hindi ko namamalayang nasa tapat na pala kami ng gate, may kalesa na rin sa harap, humarap sa akin si Ej bago bahagyang hinubad ang sumbrero at inilagay ito sa dibdib bago yumuko sa akin.
“Paalam, Binibining Ysa.” saad nito bago tumayo nang maayos at ibinalik na sa ulo niya ang sumbrero, hindi na ako naka imik dahil sumakay na rin siya sa kalesa.
Nakatulala lang ako hanggang sa umalis na ang kalesa, napatitig lang ako sa kinatatayuan ni Ej kung saan siya naka pwesto.
"Ikaw."
"Ikaw."
"Ikaw."
Nag paulit ulit ‘yon sa utak ko na parang sirang plaka! Napakamot nalang ako sa batok dahil sa inis, hindi pa naman ako bingi diba?
Tumalikod na ako dahil naalala ko palang aalis ako para gumala sa San Lazaro! Umakyat na ako sa kwarto bago nag linis ng katawan at pagkatapos ay nag bihis na rin.
Nakasuot na ako ngayon ng white and black na saya, parang nasasanay na rin akong mag suot ng mahaba, tsk!
Nang matapos akong mag ayos ay bumaba na rin ako, dumiretso ako sa opisina ata ni ama bago kumatok.
“Tuloy.” rinig kong saad sa loob, pinihit ko na ang doorknob at pumasok. “Anak, ano ang kailangan mo at naparito ka?” bungad sa akin ni ama.
“Lalabas po sana ako, ama. Gusto kong pumunta sa San Lazaro dahil nababagot na ako rito sa mansyon, maaari po ba akong lumabas?” magalang na paalam ko.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasyIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...