Ala-singko na ng hapon at nag hahanda na kami para pumunta sa mansyon ng Guivarez. Nandito ako sa upuan kung saan nakaharap ako sa salamin habang inaayos ang buhok ko.
Tinirintas ko ang buhok ko at parang ginawang headband bago ito inikot at ginawang messy-bun.
Ang suot ko ngayon ay isang itim na dress at nakatapal ang puting tela sa braso ko at natatakpan ang dibdib ko.
Napatingin ako sa salamin bago i-ipit ang binili na hairpin ni Ej sa akin, sinuot ko rin ang kwintas na binili ko at yung bracelet na binigay ni Ej kasama na rin yung bracelet na binili ko para sa amin ni Ren.
Manipis lang naman ang mga iyon kaya maayos ang pag kakalagay sa kamay ko parang hindi madumi tignan.
Pinasok ko sa loob ang pendant na ibon, baka mamaya suot ni Ej yung kwintas at may nakakitang parehas kami may suot non eh akalain may sikreto kaming relasyon!
Biglang may kumatok sa pintuan at bumukas din ito, pumasok si Carla at pumunta sa gawi ko.
Tinignan niya ako nang may mangha sa mata. "Napakaganda niyo, binibining Isabella!" maligayang puri nito na ikinangiti ko.
"Maraming salamat." saad ko bago tumayo, this is it pansit! Nae-excite ako na sa wakas ay mag kikita na kami ng female lead.
I smirked infront of the mirror.
Malapit na tayo magkita Ate...
"Ang usapan natin Carla, wag mong sasabihin sa iba." seryoso kong saad.
Napayuko naman ito. "Wala po akong pag sasabihan, binibining Isabella! Mapag kakatiwalaan niyo po ako."
Tumango naman ako. "Mabuti kung ganoon." saad ko.
Pumunta na ako sa pintuan at kaagad na binuksan iyon, bumaba na ako at naroon na rin sila ama at ina na mukhang hinihintay ako.
"Napakaganda naman ng aking anak." puri sa akin ni Don Alejandro at hinawakan ako sa kamay bago iikot.
"Salamat po." sagot ko sa pagpuri niya sa akin, para sa akin ayon na ang pinaka best na papuring natanggap ko!
"Parang ikaw pa ang may kaarawan, anak." asar ni Donya Ilaura.
Natawa naman ako. "Halika na at baka tayo ay mahuli pa." nag simula na kaming lumabas ng mansyon.
Hinabilin pa ni Don Alejandro sa mga Gwardiya Civil na bantayan nang maigi ang mansyon habang kami ay wala pa
Sumakay na kami sa kalesa papunta sa mansyon ng Guivarez, tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa paunti-unti na rin kaming nakakarating.
Ang dami ko na ring nakikitang mga kalesa na dumadating, mukhang grande ang kaarawan ah? Halatang pinag handaan.
Hindi naman ganito ka grande ang birthday ni Hannah sa kwento, at dahil sipsip ang ate ko syempre gusto non ay ingrande!
Simple lang naman ang totoong Hannah eh, psh. Siya nga ang humiling na simplehan lang ang birthday niya eh.
Naramdaman kong tumigil ang kalesa kaya napatingin ulit ako sa labas at marami na rin akong nakikitang mga kalesa.
Angas ng mga bisita, halatang yayamanin! Ang dami ring tao sa totoo lang, bumaba na ang dalawang matanda at ako ang panghuli.
Nang makababa ako mas nakita ko kung gaano karami ang tao! Jusko isang lugar ba ang inimbita nila?! Grabe 'to! Halatang nakipag sipsipan si Isabelia sa magulang ni Hannah!
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasíaIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...