Kahit inis na inis ay pinilit kong ngumiti at tanggalin ang pag kakahawak niya sa kamay ko.
“Maligayang kaarawan sa iyo, Ginoong Philip.” pilit ngiting saad ko sakaniya.
Umangat ang gilid ng labi nito. “Maraming salamat sa iyong pagbati sa akin, Binibining Isabella.” gusto kong irapan siya pero pinigilan ko lang.
“Magandang kaarawan sa iyo Ginoong Philip, nasaan ang iyong ama?” tanong ni ama.
Bumaling ang tingin niya kay ama bago ngumiti. “Nasa loob siya Don Alejandro.” muli siyang bumaling sa akin bago tumingin ulit sakanila. “Hali na po kayo at pumasok na po tayo sa loob.”
Sinamahan kami ni Philip papasok sa loob ng mansyon nila, napalibot ang tingin ko sa buong lugar at ang masasabi ko lang ay maganda.
Sobrang ganda!
Wala bang pangit sa loob ng kwento na ito? Puro nalang magaganda ang mansyon nila! Makaluma pero maganda sa paningin, idagdag mo pa na sobrang linis sa loob na akala mo hindi dinadapuan ng mga alikabok.
Pumunta kami sa isang malaking table at doon nakita ko sila Ej, nandito na kaagad silang lahat? So kami nalang pala talaga ang hinihintay.
Nag tama ang tingin naming dalawa ni Hannah, nag kita na naman kaming dalawa sa loob ng isang buwan.
Kita ko ang pag irap nito sa akin pero alam kong ako lang ang nakakita, gusto ko rin siyang irapan pero mas pinili ko nalang wag pansinin.
“Kumpare.” bati ni ama sakanila Don Alexander, Don Rolando at sa mga iba pa.
Naks daming kumpare ah.
“Buti at nakarating na kayo.” saad ni Don Alfred ang tatay ni Philip.
Umupo kami sa bakanteng upuan at kung minamalas ka nga naman, kaharap ko si Philip at sa gilid nito ay si Hannah, nasa gilid ko naman si Ej.
Ilang segundo pa kaming nag titigan ni Philip bago ako unang umiwas, nakakailang ang tingin niyang parang hinihigop ako pailalim.
Dumako ang tingin ko kay Ej na ngayon ay nakatingin din sa akin, bumuka ang bibig nito pero walang boses ang lumabas.
Pero nabasa ko ang sinabi niya. “Ayos ka lang?”
Bahagya akong ngumiti sakaniya at pa simpleng tumango, ngumiti rin ito at mukhang napanatag kaya winaksi ko na ang tingin sakaniya.
Napatingin ang gawi ko kay Hannah na ang sama ng tingin sa akin, nag akto naman akong natakot at bahagyang yumuko.
Pero sa loob loob ko ay gusto ko na siyang tawanan sa ginagawa niya, para siyang ewan.
Lumipas ang ilang oras ay nakakain na rin kami at puro kwentuhan nalang ang nangyari, ang boring sa upuan na ito! Kanina pa ako nakaupo rito, feeling ko ngalay na ang pwet ko.
“Isabella, halika at may ipapakilala ako sa iyo.” nangunot ang noo ko nang tawagin ako ni Olivia.
Sino naman ang ipapakilala niya?
Bumaling ang tingin ko kay ina na nasa tabi ko. “Ina, aalis muna po kami pakisabi nalang po kay ama, dyan lamang po kami.” paalam ko.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasyIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...