Pagkatapos nang pag uusap namin kanina ay umalis na rin kaagad siya, nag paalam pa siya sa magulang ni Isabella bago tuluyang umalis.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko kung saan ay nakatulala lang ako sa kisame habang nag papaulit ulit ang pangyayari sa utak ko kanina.
Kingina! Friendzone si Isabella, sakit.
─ FLASHBACK ─
“Na hindi na pala kita gusto.” i said to him bago tumingin sakaniya.
“Binibini, imposibleng mawala kaagad ang damdamin mo sa akin nang dahil lang sa nauntog ka sa puno.” my eyes widened.
Paano niya nalaman ‘yon?!
Napa-kurap kurap ako. Malamang! Sinabi na ng magulang niya ang dahilan ko, kakahiya.
Tumingin ito sa akin at bahagyang natawa. “Tama ba ako, binibining Isabella?”
Gago ‘to ah! Bakit parang ang yabang naman ata nito?!
Atsaka bakit niya pinagpipilitan na may gusto ako sakaniya? Parang feel na feel niya pa na may nag kakagusto sakaniya ah? Ang kapal ng apog mo boy smiley!
Napaiwas nalang ako ng tingin. “Oo tama ka.” sagot ko. Medyo napahiya ako ron ah, medyo lang naman.
“Pero simula ngayon ay kakalimutan ko nang may gusto ako sayo at kalimutan mo na ring may Isabella na nagkakagusto sa ‘yo.”
Oo kalimutan niya na dapat! Tama lang ‘tong ginagawa ko dahil gusto ko ng kalayaan sa second life ko bilang si Isabella Montenegro!
“Hindi ako sanay na hindi mo ‘ko kinukulit.” Biglang saad nito na ikinangiwi ko.
Hindi sanay amputa! Pwes sanayin niya na dapat! “Masanay kana dahil hindi na mangyayari ‘yon.” muling saad ko.
“Tama nga ang iyong ama, nag bago kana.” natahimik ako sa sinabi niya, kung alam mo lang.
Hindi ako nag bago, Elijah. Iba lang talaga ang kaluluwang nasa katawan ni Isabella.
“Pwede na pala kitang kaibiganin?” napatingin ako sakaniya nang sabihin niya ‘yon.
Aruy! Friendzone malala. Kanta kana Isabella ng ‘Hindi tayo pwede by The Juans’
Hanggang mag-kaibigan lang talaga kayo Isabella, tanggapin mo na.
Bawi ka nalang ulit sa next next next life mo, okay?
Kung pag bibigyan ka pa ni San Pedro mabuhay.
“Hindi pa ba tayo mag kaibigan?” tanong ko, akala ko friends na sila ni Isabella? Hindi pa pala.
Ang dami talagang namamatay sa maling akala, dapat wag maghinala para hindi kaagad mategi.
“Hindi pa.”
“Mabuti naman.” diretso kong sagot.
Akala mo ikaw lang straight forward na tao, Elijah ah.
YOU ARE READING
Reincarnated as a Binibini
FantasyIsabelle/a Montenegro Reincarnation series # 1 ---------- Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was betrayed by her sister for stealing her ex-boyfriend but what if I...