Love Hate- 19

103 3 0
                                    

Habang kumakain sila panay pagtatalo nila Clint, Clyde, Clarence at Andi.

"Kuya Clyde akin yan e" Pagmamaktol ni Andi dahil inagawan siya nito, napapailing na lang si Abby sa kakulitan ng mga pamangkin ganyan lagi ang eksena nila pag magkakasama kumain.

"Baby ito o may isa pa" Pang aalo na ni Clyde sa dalaga na nakasimangot na.

Natatawa si Abby lagi nilang inaalaska ang dalaga pero in the end aamuhin din nila di nila kayang tiisin na naiinis ang dalaga sa kanila.

Si Andi naman pag may kasalanan sa mga Kuya di titigil hangga't di siya kinikibo ng tatlo, ganyan nila kamahal ang isa't isa nakakatuwa na nakikita niya ang pagmamahalan ng mga ito kahit pa marami silang pag kakaibang apat.

"O tulala ka diyan" Siko na Kuya Antonio niya nasa gitna siya ng dalawang Kuya niya.

"Wala naaliw lang ako sa apat" Sabi ko at ngumiti.

"Nag eemote naman si Tita Abby" Pang aalaska ng Kuya Andres niya na ikinatawa ng lahat, kaya hinampas niya ito sa braso.

"Ewan ko sayo Kuya" Sagot niya dito.

Nang matapos kumain ay naisipan magpahangin ni Andi at dahil mukhang namiss siya ng mga Kuya sumama ito, nakasalampak sila sa damuhan ng garden ng Tita nila nilatagan lang nila ng tela habang kumakain ng chichirya na kinuha nila.

Nakasandal si Andi sa balikat ng Kuya Clint niya si Clint naman nakasandal sa upuan si Clarence at Clyde naman nakahiga.

"Masarap din dito kay Tita ano walang hassle stress free" Sabi ni Clarence habang ngumunguya.

"Oo nga bro tahimik" Pag sang ayon ni Clyde si Clint naman walang kibo.

"Kuya may problema ka ba?" Sabay sabay na tanong ng mga ito sa kanya.

"Wala ano ba kayo" Sagot nito.

"A alam ko na kung bakit?" Napaupo agad si Clarence at Clyde pati si Andi humurap sa dalawang Kuya.

"Hulaan mo?" Sabi ni Clyde, humawak naman siya sa baba na animo'y nag iisip.

"Hmmm...namimiss niya si Ate Cass?" Tanong nito.

"Tumpak!" Sabi ni Clarence umapir sa dalawa, si Clint naman tatawa tawa sa tatlong kasama.

"Tigilan niyo ako, ako naman nakita niyang tatlo" Saway nito, nakangisi lang ang mga kasama niya.

"Actually papunta sila dito tomorrow" Sabi ni Andi.

"Nakow makikita ko naman yung amazonang si Camille" Nakangiwing sabi ni Clyde na ikinatawa lang nila.

"Asus namiss mo lang siya" Pang bibiro ni Andi.

"Di no over my sexy body" Sagot nito na nag boses bakla pa at nahiga ulit.

Natatawa lang si Clint sa pag bibiruan ng mga ito, dahil siya ang pinakamatanda sa kanila most of the time siya ang may authority pero syempre di niya inaalis ang karapatan ng mga kapatid niya at pinsan dapat pantay pa din, di din sila nagseselosan ng apat dahil pantay pantay ang pagmamahan ng Tito Andres, Tita Abby at Daddy nila sa kanila, mas pabor lang ng kaunti sa prinsesa nila dahil spoiled ito kahit sa kanilang tatlo konting lambing lang e bumibigay na sila.

"Tara na tulog na tayo, pagod pa kayo diba" Aya ni Andi sa kanila.

Dahil namiss nila si Andi nakishare silang room dito nasa lapag nga lang sila dahil single lang ang kama nag comforter na lang silang tatlo, may kanya kanya silang room sa bahay ng Tita nila pinasadya lang ni Abby yun para pag mag babakasyon sila ay may kwarto silang lahat.

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon